Chapter 22 - Anselmo

8.9K 398 298
                                    

Eros

Nagulat ako sa sinabi ni Tita. Nawala lahat ng pagod sa katawan ko dahil sa narinig. Alam nya ang nararamdaman ni Zach sa akin?

     Tinungga ko ang kape. "A-Ano po?" tanong ko.

     "Alam kong mahal ka ni Zach," paglilinaw ni Tita. Gusto kong hingiin ang kape nya upang lunurin ang sarili. Hindi kaya nananaginip lang ako, nakatulog kaagad paghiga kanina at ilusyon lang lahat nang ito. "Wag kang mag-alala, walang kaso sa akin yun. Napabuti ang anak ko dahil sayo, wala akong karapatan na manghusga. Nagulat lang talaga ako na lalaki ka pala kaya nagtatanong ako kanina kung may iba pa kayong kasama dito."

     Gusto ko nang kainin ng lupa. "Sinabi nya po talaga sa inyo?"

     "Ang sabi nya sa akin nung nakaraan magpapatuloy daw sya sa pag-aaral, iiwas sa mga bisyo nya at magpapakatino para maging deserving sa taong gusto nya," sabi ni Tita. "Sabi rin nya na iisa na lang ang tinutuluyan nyo kaya masaya sya araw-araw. Pero wala syang sinabing pangalan kaya nasorpresa rin ako nung pagbuksan mo ako ng pinto."

     Alanganing ngiti lang ang naisagot ko.

     "Anyway, iyon ang dahilan kung bakit alam kong makikinig sya sayo," nakangiti nyang sabi. "Kaya pasensya na kung pinasa ko sayo ang obligasyon ko."

     Tumango ako. "Wala po iyon."

     Binigyan ako ni Tita ng malaman na ngiti. "Pwede ko bang malaman kung ano nang status nyo?"

     Doon na ako nablanko. "Uhmm. Ano kasi, Tita. . . Hindi kasi—"

     "Naintindihan ko," sambit nya upang ialis ako sa paghihirap. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya. "Bata pa kayo. Marami pang pwedeng mangyari. Marami pang pwedeng makikilala. Pero, idagdag mo sa mga paki-usap ko sayo, anak, wag mo syang masyadong saktan, ha."

     Wala akong naisagot. Nasaktan ko na sya higit pa sa dapat at kaya kong gawin.

     Inubos ni Tita ang kapeng tinimpla ko. "Sige, aalis na ako, anak," paalam nya habang may kinukuha sa bag. Linapag nya ito sa lamesa, isang calling card. "Personal number ko yan. Kapag may kailangan ka, kahit ano, kontakin mo lang ako. Pero itext mo na rin ako mamaya para ma-save ko number mo."

     Kinuha ko ang parihabang plastik. "Okay po."

     "Salamat sa pakikinig, Eros," sambit ni Tita. "Mauna na ako."

     "Hatid ko na po kayo," tugon ko.

     Wala nang salita ang namagitan sa amin habang naglalakad. Hinatid ko sya hanggang sa labas ng apartment kung saan naghihintay ang makinang na puting kotse. Matapos ang ilang palitan ng paalam, umandar na ang sasakyan paalis.

     Bumalik ako sa unit na may mas mabigat na puso kesa kanina.

     Matapos malaman ang tunay na nakaraan ni Zach at paki-usapan na huwag syang masyadong saktan, ano nang gagawin ko?
 
 
 
Nagising ako sa hindi pamilyar na tunog sa loob ng kwarto namin. Tinignan ko ang oras sa cellphone, alas dos na ng madaling araw. Linibot ko ang mata sa paligid upang hanapin kung saan nanggagaling ang mga hikbi. Nung makapag-adjust sa kawalan ng liwanag, natanaw ko si Zach sa may lamesa, nakatalikod sa akin.

The Bathroom Love Affair (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon