CHAPTER 12

43 2 1
                                    

~~ANGELA POV


Excited akong umuwi sa bahay dahil ngayon ang uwi ni papa at ni Enzo.

Si Enzo ang bunso kong kapatid. Dalawa lang kami magkapatid. 12 years ang agwat namin. Iba rin kasi ang parents ko. Family planning talaga. Muntik na nga ako hindi magkaroon ng kapatid.

"Enzo.. Nandito na si ate" - Tawag ko sa kanya. Pagkapasok ko pa lang sa bahay.

"Im here ate" - Nakangiti niyang tugon. Pumunta ako agad sa kinaroroonan niya at dinumog siya ng halik.

"Stop ate stop" - Nakikiliti niyang saad kaya tumugil na ako

"And why?" - Nakanguso kong tanong sa kanya

"Ate misses you so much bulilit"
- Pagtatampo kong saad sa kanya kaya napangiti siya.

"But look ate im here na" - Aniya sabay yakap sakin.

Ohh...
Ang sweet naman ng baby boy ko.
Namiss ko talaga itong bulilit na ito ehh. Dalawang buwan kasi siya sa probensya. Bilin talaga ng grand parents namin na dun magvacation pero hindi ako sumama. Gusto ko kasi magpahinga na lang sa bahay.

Pagkatapos namin maghapunan pumasok na ako sa kwarto ko. Kailangan ko pang asikasuhin ang mga home work ko.

Ilang oras din bago ako natapos.

"Wait! Parang may kulang" - Bulong ko sa sarili ko habang iniisip kung ano nakalimutan ko.

"Sh** ! "  - Napamura ako dahil sa naalala ko. Oo naalala ko lahat ng nangyari kanina with Antipatikong nerd na yun.

"Bahala nga siya" - Sa isip ko

Nagpasya akong mag half bath na lang para makatulog na.  Bukas ko na lang poproblemahin ang mokong na yun.

~~~

WHETHER YOU LIKE IT OR YOU LIKE IT(Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon