CHAPTER 24

36 2 1
                                    

~~YUHAN POV


"Captain" - Tawag nila sakin sabay kaway. Kumaway din ako pabalik.

Nanunood kasi ako ng practice nila.
Captain ang tawag nila sakin noong isa pa ako sa team ng Football pero hindi na ngayon.

"Bumalik kana kasi sa Team" -  Saad ng nasa likod ko.

"Kaya niyo na yan coach" - Kilala ko kasi ang boses ng nagsalita

Tinapik niya ang balikat ko bago nagsalita ulit
"Iba parin pag kasama ka ng team" 
- Aniya. Umiling lang ako

"Tomorrow ipafinalize ko ang players for the tournament. I hope Makapunta ka"
-Patuloy niya

"Pag-isipan mo Yuhan" - Dag dag niya at pumunta na sa mga player niya.

Napaisip ako sa sinabi ni coach. Gusto ko rin naman kasi maglaro.

---

Pagkauwi sa bahay Nakita ko ang kotse ni dad it means nandito rin mga kapatid ko. Nagdodorm kasi sila pero umuuwi sila pag nandito si dad.

Kumakain kami pero parang walang lasa ang kinakain ko. Ang tahimik pa.

"How's school?" - Dad asked

"Great dad" - Sabay sabay na sagot ng mga kapatid ko.

"Yuhan?" - Dad. Napansin niya na hindi ako sumagot.

"Ok naman dad" - Mahina kong sagot. Palagi naman ganyan ang tanong niya.

"Ok naman? Alam mong hindi yan ang gusto kong sagot" - Galit na saad ni dad. Nagbuntong hininga na lang ako.

Magsasalita pa sana siya pero tumayo ako kaya napatingin sila lahat sakin.

"Oo na dad. Ako na ang walang kwenta. Kahihiyan lang ang binibigay ko sa pamilyang ito. Ako na ang hindi nahihiya sa mga kapatid ko" - Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Umalis na ako sa hapag kainan pa tungo sa kwarto ko.

Humiga ako sa kama. Napapikit ako ng maalala ang ginawa ko. Hindi ko naman sinasadya. Ayoko silang sagutin pero hindi ko na kasi mapigilan. Palagi na lang ganoon ang nangyayari. Bihira na nga siya magka time samin tapos sinasayang niya lang

Nakatulog na ako sa kakaisip

~~~

WHETHER YOU LIKE IT OR YOU LIKE IT(Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon