CHAPTER 27

41 2 1
                                    

~~YUHAN POV

"Maligayang pagbabalik Captain"
 - Sabay sabay nilang sigaw pagpasok ko

□ _ □

"Haha.." - Natawa ata sila sa reaction ko.

"Ohh magpalit ka na " - Pukaw sakin ni coach sabay bigay ng jersey ko. Ang ganda ng damit bagay talaga sa short.

"Mauna na kami sa field. Sumunod ka na lang." - Paalam ni coach tumango lang ako.

Nagpalit na ako at pumunta na sa field. Napangiti ako nang makita ko sila.

Isa na ako sa kanila ulit. Oo kasama na ako sa soccer players. Kahit hindi ako nakapunta noong araw na sinabi ni coach sinali niya parin ako. Alam niya daw na babalik ako.

"Si coach talaga" - Sa isip ko

Tapatigil sila sa ginagawa nila ng makita ako. Meydo nahihiya kasi ako. Paano kasi umalis na ako pero bumalik din.

"Bagay sayo captain" - Si Ranz sabay thumbs up. Ngumiti lang ako

"Oo nga" - Ani ng isa di ko pa kilala. Bagong player.

"Pwede ka rin ba naming tawaging captain?" - Pahabol ng isa

Napahawak ako sa batok ko.
"Kayong bahala" - Natatawa kong tugon.

"Ohh sha.. Siya muna ang Goalkeeper niyo" - Tukoy ni coach sakin.

"Ayos" - Sang-ayon ni Ben.

Inexplain muna ni coach kung anong gagawin namin at nag assign ng position bago kami magsimula.

Na excite ako. Hindi ko na kasi naisip na maglalaro pa ako ulit. Goalkeeper ang position ko ngayon. Ang galing lang and kaylangan ko rin obserbahan ang laro ng kateam ko ayon kay coach Zed.

"Lets do it guys" - Sigaw ko sa kanila.

"Yeah" - Sila sabay sipa ng bola

Mag iisang oras na rin kami naglalaro pero ni isa walang naka goal. Hindi ko kasi pinapalampas. Ito kasi ang first game ko ulit kasama ang team.

"Captain wag mo naman masydong galingan" - Sigaw ng bagong player.
Natawa  na lang sa ako.

"Galingan mo na lang" - Sigaw ko and he kicks the ball pero na harang ko rin. Nainis na naman siya kaya hindi maiwan di tumawa sa reaction niya.

"Tama na muna yan" - Sigaw ni coach kaya tumugil na kami at pumunta sa kinaroroonan niya.

~~~

WHETHER YOU LIKE IT OR YOU LIKE IT(Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon