Words I've Been Waiting to Hear

1K 74 19
                                    



*Maymay's P.O.V*

"I promise I'll take care of Maymay."

Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman noong sinabi niya ito sa harapan ng aking lola. Minsan naisip ko baka nagbiro lang siya para na din maibsan ang sakit na nararamdaman ni Mama Ludy sa pagkawala ni Papa Joe. Ngunit, napansin ko nga ang kakaibang kinikilos niya pagbalik namin ng bahay matapos ang dalawang araw na pamamalagi sa Camiguin. Naging maalaga siya lalo at iyon ang naging dahilan kung bakit kami lagi tinutukso sa loob ng bahay.

"You're going to get your dream house, May"

Bulong niya sa akin habang yakap ako. Gusto ko nang maiyak. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ano nga ba ang laban ko? Mabibigyan ko pa kaya ng magandang buhay ang aking pamilya. Tumalikod ako at nakita ko si Edward na nakatingin lang sa akin na tila malalim ang iniisip. Ayokong nakikita siya na nag-aalala sa akin.

"My wish for you is that you never change. . .Smile always, like you always have."

Napangiti ako nang napanuod ko ang interview niya matapos ang aking birthday party. Naalala ko tuloy yung gabi na sinorpresa niya ako. Na-buang na ata ako. Napagkamalan ko pa na magpropropose siya. Sa panunukso sa amin, tila nadadala na ata ako. . .

Nadadala nga lang ba o sadyang nahuhulog na ang loob ko sa kanya?

"The girl, the Maymay that I knew at the beginning of PBB, she will never be able to do this. But you did it and I'm so so proud of you because of all the blessings you have."

Niyakap niya ako habang mas lalong naghiyawan ang mga fans. Ako lang ba o sadyang mainit sa stage? Naalala ko yung last gap sa Baliw performance namin. Hay nako nabuang na Marydale! Bakit ganun ang nangyari? Hindi ko namalayan na sobrang lapit na ng mga mukha namin. Nadala lang ng emosyon? Totoo na ba talaga? Nahulog na ba ako? Siya na ba?

**********

Maagang natapos ang shooting namin para sa isang commercial. Napakabusy ngayong araw dahil na rin sa paghahanda para sa aming pangalawang movie project. Haaay~ Maaga pa naman, makaidlip muna saglit. Sumandal ako sa upuan at pinikit ang aking mga mata. Wala pang isang oras nang maramdaman kong may humawak ng pisngi ko. Edward? Nah. Hindi. Imposible. Nananaginip ka lang Marydale.

"I love you. . ." Pabulong niyang sinabi. Bushak! Edwardo?!

Dinilat ko ang aking mga mata at nakita ko siyang nakatitig sa akin habang hinahaplos ang aking pisngi. 

Red String of Fate: Drabbles & One ShotsWhere stories live. Discover now