"My Name is Jel."

981 74 6
                                    



Kalahati pa lang ng linggo ngunit masyadong busy na ang schedule ng dalawa. Dalawang araw na din silang halos di nagkikita dahil na din sa full day taping ni Maymay sa La Luna Sangre. Kakatapos lang ni Edward maligo matapos ang dalawang oras sa gym. Humiga sa sofa at binuksan ang phone para magcheck ng mga posts sa IG.

"May and Edward, magparamdam naman kayo." Basa niya sa isang comment na tila mula sa mga flyers. Napangiti si Edward at kaagad-agad tinawagan si Maymay. Alam niya na nakauwi na ang dalaga dahil nagtext agad ito sa kanya pagkapack-up sa set.

"May, punta ka dito. Let's do an IG live." Sabi ni Edward. "Dito ka na din magdinner." Dagdag niya.

"Sige, wait. Magbibihis lang ako." Sagot ni Maymay.

Matapos ang 30 minuto, may kumatok sa pinto ng condo unit nila Edward at magiliw na binuksan iyon ng binata.

"Ano naisip mo at gusto mo mag live?" Tanong ni Maymay. Nagmano siya at humalik sa pisngi ng mommy ni Edward.

"Hi Tita, ano po ulam?" Yumakap siya sa mommy ni Edward na noon ay nagluluto ng hapunan. 

"Well, I think our fans are bored. I'm bored so I thought na good idea yun." Paliwanag ni Edward habang naghanda na ng hapunan si Maymay kasama si Mommy Cathy.

"Kain muna tayo. Kumain ka na?" tanong ni Maymay. Pinagsandukan siya ng kanin ni Edward.

"Uy, wait ang dami niyan." Hinarang ni Maymay ang kamay ni Edward.

"Anong madami? Ang kaunti pa nga nito." Inalis ng binata ang kamay ng dalaga at inilagay sa plato nito. Napasimangot na lang si Maymay dahil alam niya na wala na siyang magagawa kung di kumain.

"Ubusin mo yan." Sabi ni Edward.

"Ikaw di kakain?" tanong ng dalaga. Umiling si Edward at tila nagflex ng muscles niya.

"Diet." Sagot niya at natawa na lang si Maymay. "Bilisan mo diyan then mag IG live na tayo." Sabi ng binata bago ito pumunta sa sala at umupo sa sofa. Mabilis na natapos kumain si Maymay, tinanong pa ni Edward ang kanyang nanay kung talagang naubos ni Maymay ang kanyang pagkain.

"Grabe ka di ka nagtitiwala sa akin." Sambit ng dalaga. Natawa na lang si Edward at tinapik ang ulo ni Maymay.

"Tara na IG Live na." Sabi ni Edward habang tinanggal sa pagkakacharge ang kanyang phone. 

"Wait. Ganito. Ask MayWard na lang tayo. Hhhm...magtweet ako ngayon para sa mga questions." Mungkahi ni Maymay at tumango na lang si Edward.


Inabot ng mahigit-kumulang isang oras ang kanilang IG livestream

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Inabot ng mahigit-kumulang isang oras ang kanilang IG livestream. Gusto man nilang mag-extend pa pero may movie date sila kasama si Marco at ang isang PBB staff na nag-aya sa kanila para manood ng Justice League at nalowbat na din ang mobile phone ni Edward. Bumalik si Maymay sa kanilang unit upang magbihis. Pagtapos nito ay bumalik siya kila Edward para doon na lang maghintay. 

Red String of Fate: Drabbles & One ShotsWhere stories live. Discover now