*Maymay's POV*
Bakit ako pa? Sa dinami dami ng tao, bakit ako? Ano ang nagawa kong kasalanan? Hindi ko lubos maisip na sa edad kong 27 ay may ganitong kondisyon na ako. Nilingon ko ang aking asawa na ngayon ay mahimbing na natutulog. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Sa kabila ng aking kondisyon, hindi niya ako iniwan. Aaminin ko natatakot na baka mamaya dumating ang araw na magsawa at mapagod na siya. Paano na lang kung tuluyan ko nang makalimutan ang lahat? Mananatili pa ba siya sa tabi ko? Hinaplos ko ang kanyang pisngi, hindi ko namalayan na tumutulo na ang luha ko.
"Hey, what's wrong?" Idinilat ni Edward ang kanyang mga mata at tinignan ako ng may pag-alala.
"Nothing. Napuwing lang ako." Pagsisinungaling ko. Ayokong mag-alala pa siya.
"Sure?" Tanong niyang muli at tumango na lang ako. Lumapit pa siya sa akin at hinalikan ang aking noo.
"Good morning love." Bati niya. Tila nawala lahat ng mga nasa isip ko at napangiti na lang ako. Napakaswerte ko talaga na binigyan ako ng Diyos ng mapagmahal, maunawain at mabait na asawa.
"Edward." tawag ko. Nais ko talagang tanungin ito sa kanya.
"Paano if dumating yung araw na...makalimutan na kita? Anong gagawin mo?" Tanong ko. Kahit anong gawing pag-iwas ko, mangyayari at mangyayari pa din iyon. Nakita ko na bahagyang nawala ang ngiti sa kanyang mga labi.
"I know what you're thinking love. Iniisip mo bang aalis ako sa tabi mo? Na kakalimutan din kita?" Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya. Iyon din naman talaga ang kinakatakot ko.
"May, look. I know three years ago, I made you to promise that no matter what happens, you will always remember me. Sounds funny coz' I feel like I was too childish during that time. Alam kong hindi natin maiiwasan ang future. Now, I'm the one who will make a promise. I promise you that no matter what happens, kahit na makalimutan mo ang lahat about sa atin or even me, I'll always be by your side. I won't leave you, May." Hinila ko siya papalapit sa akin at niyakap ng mahigpit. Isiniksik ko ang aking mukha sa kanyang dibdib.
Marahil ay makalimutan ko man siya...makalimutan ko man ang lahat ng aming mga ala-ala...
Alam kong hinding hindi makakalimutan ng aking puso kung gaano ko siya kamahal.
"I know I'll always remember you...here in my heart." Bulong ko sa kanya.
Always. . .
YOU ARE READING
Red String of Fate: Drabbles & One Shots
FanficThis will be a collection of drabbles and one-shot stories about MayWard. :)