Christmas Present

956 59 9
                                    



*MaryDale's P.O.V*

Five years. . .five years ko nang minamahal si Enrique. I mean si Kuya Quen. Yeah~Kuya Quen. Hindi naman ako ganoon katanga, alam ko naman hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa akin, di nga lang ata kaibigan baka kapatid pa. No chance ka talaga self.

"Ang layo ng tingin natin bes. Anyare diyan sa essay mo?" Bigla na lang sumulpot sa tabi ko ang aking best friend na si Patricia. Napatingin ako sa notepad ko at bushak! Bakit puro doodle lang to?

"Kasi naman bes. Try mo rin kaya magfocus. Hindi doon sa tao sa may pinto, kung hindi sa essay na yan." Sambit niya. Kasalukuyan kaming nasa library dahil break time naman namin. At yung tinutukoy na tao ni Patricia na nakatayo malapit sa entrance ng library, walang iba kung hindi si Kuya Enrique. Kausap nito ang kanyang half-brother na si Edward John. Sa totoo lang, di naman maipagkakaila na magkapatid sila, dahil magkahawig talaga. Pero sa ugali, sobrang layo. Mabait, madaling pakisamahan, gentleman si Kuya Quen habang si Edward naman tahimik, masungit, dakilang prankster. Nakakapanggigil talaga kapag nakikita ko ang lalaki na yun.

"Oh, ngayon naman nakabusangot ka? Si Edwardo na naman?" Tanong ni Patricia. Isa pa ito, di maipagkakaila na best friend ko itong babae na nasa tabi ko, buong pagkatao ko ata alam niya.

"Alam mo friend, baka mamaya kayo pa ni Edward magkatuluyan." Komento niya.

"What the?! Ewwww!!" Pinagtinginan ako ng mga tao at napatakip na lang ako ng bibig. Tinignan din ako ng masama ng librarian na tila nagpapahiwatig na isa pang ingay na gawin ko ay mapapaalis na kami.

"Kasalanan mo to Patricia." Bulong ko kay Pat na ngayon ay pangisi-ngisi na lang. Naku! Kung di lang kita best friend. Maya-maya nakita ko na papalapit sa amin si Edward habang nakaalis na pala si Kuya Quen.

"Hey, Quen told me that mom is inviting you for dinner. She knew that your parents went back to your province." Paliwanag ni Edward. Magkapitbahay kami at close din ang aming pamilya. Sampung taon na noong una ko nakilala si Kuya Quen. 11 years old pa lang ako noon habang siya ay 14 years old.  15 years old naman ako noong nakilala ko si Edward. Nagulat din ako na may half-brother pala si Kuya Quen.

"Siguro naman narinig ng kaibigan mo yung sinabi ko. Kung hindi, ikaw na lang magsabi." Rinig kong sabi ni Edward kay Patricia at umalis na lang siya bigla.

"Hambog talaga." Sambit ko habang tumatawa lang si Patricia. 


Kung pwede lang hindi pumunta, kaso nakakahiya kay Tita

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kung pwede lang hindi pumunta, kaso nakakahiya kay Tita. Syempre, na-awkwardan pa din ako tuwing nakakasama ko si Kuya Quen simula noong umamin ako sa kanya last year, last Christmas to be exact. Pangalawa, bad trip lang talaga ako tuwing magkasama kami ni Edward dahil hindi talaga kami magkasundo. 

Pagkatapos ng aming klase, nagpaalam si Patricia kaagad dahil kailangan niya sunduin ang kapatid niya sa trabaho nito. Naisipan ko muna na tumambay muna sa library kahit isang oras bago pumunta kila Tita ngunit bago ako pumunta doon ay nakita ko si Kuya Quen kasama ang girlfriend niya na si Ate Liza, papasok ng library. Hindi na ako tumuloy at naisipan ko na lang pumunta sa may basketball court.

Red String of Fate: Drabbles & One ShotsWhere stories live. Discover now