"Dzae, nakita mo ba yung phone ko? Kanina ko pa hinahanap. Baka nagmiss call na si Dodong. Nakakabahala na at di siya sumasagot sa message ko kagabi pa." Ani ni Maymay na panay halungkat sa mga gamit niya. Kasalukuyan silang nasa Camiguin para sa Holy Week break, habang si Edward naman ay naiwan sa Manila kasama ni Daddy Kevin at Mommy Cathy.
"Nandyan lang yun." Sagot ni Patricia na abalang may tinetext. Nagpaalam ito saglit kay Maymay dahil may kakausapin lang daw siya. Nang matagpuan ni Maymay ang kanyang phone ay bigla naman itong nagring.
Napangiti ang dalaga nang makita kung sino ang tumawag."Dong!!! Kagabi pa ako tumatawag!! Nakakainis ka!" Ani ni Maymay na may pagtatampo.
"Sorry. Ahh...nakatulog kasi ako kaagad kagabi and I forgot to charge my phone." Sagot ng binata. Tila naramdaman ni Maymay na di ito nagsasabi ng totoo.
"Sure ka?" Tanong nitong muli at umoo naman si Edward. Ngunit alam ni Maymay na may itinatago ito pero di na niya ito tinanong pang muli.
"Sige na, May. Aalis kami nila mum. I'll just text you later." Paalam ni Edward.
"Ok, Dong. . .i miss you." Sagot ng dalaga. Nadatnan ni Patricia na malungkot ang kaibigan.
"Oh? Si Edward ba yun? Nasaan daw? . . . Ahh...ano daw sabi?" Ani nito.
"Mukhang busy ata. Himala nga at di nangungulit." Matamlay na sagot ni Maymay
"Tara na nga. Punta muna tayo sa tabing dagat." Pag aaya nito sa kaibigan.
Habang naglalakad lakad si Maymay sa tabing dagat kasama si Pat ay napansin nito na panay text ng kaibigan at tila may hinihintay.
"Huuy! Love life ba yan? Kanina ka pa busy." Ani ni Maymay.
"Ha? Wala to dzae!" Sagot ni Pat at patuloy sa pagtetext. Maya maya ay may tumawag dito at bahagyang lumayo kay Maymay.
Hinayaan na lang ito ni Maymay at nagpatuloy sa paglalakad. Di maalis sa isip niya yung pag uusap nila ni Edward. Nagtatampo siya dahil pakiramdam niya ay may itinatago ang binata. Ayaw niyang pagdudahan ito pero alam niya na nagsisinungaling kanina si Edward.
"Mary Dale! Tumawag si Mama Ludy at pinauuwi na tayo. Nandoon na daw ibang tita mo." Ani ni Pat at tumango na lang si Maymay.
Pagkapasok ni Maymay sa tinutuluyang villa ay nakita nga niya ang iba nilang kamag-anak, nagmano at bumati siya sa mga ito bago pumunta sa kwarto upang magcharge ulit ng phone. Naweirduhan naman siya sa kaibigan na kasunod lang niya na pangisi ngisi at tila hinahanda ang phone. Pagbukas ni Mary Dale ng pinto ay bigla na lang lumabas ang lalaking kanina pa niya kinaiinisan at iniisip.
"Surprise!"
"OH MY GAAASSH!! DONG!" Agad agad itong pumunta sa binata at pinagsusuntok ito. Halos mangiyak na ang dalaga sa pagkagulat.
"Araay! Ouch. Masakit na May." Sinasangga ni Edward ang bawat suntok ng dalaga. Alam nitong halo halo ang nararamdaman ni Maymay ngayon.
"Nakakainis ka. Nakakainis ka!!" Ani ni Maymay at unti unting humihina ang bawat palo niya. Kinuha naman ito ni Edward na pagkakataon upang ikulong ang dalaga sa bisig niya.
"I miss you...so much!" Ani ni Edward at hinalikan ang noo ng dalaga habang yakap yakap ito ng mahigpit.
"Bahala ka sa buhay mo. Pinag alala mo ako. Bakit di mo sinabi sa akin?" Tanong ni Maymay habang nakasandal ang kanyang ulo sa dibdib ng binata at niyakap din nito pabalik.
"Surprise nga diba? Ang mahalaga, i'm here na with you." Sagot ng binata. Iniangat ni Maymay ang ulo niya at humarap sa binata. Bahagyang yumuko si Edward at ikinuskos ang ilong sa ilong ni Maymay. Pigil naman ang kilig ng dalaga sa ginagawa ni Edward. Mayamaya ay bahagya ulit itong yumuko upang ilapat ang labi sa labi ng dalaga.
"Ehem..ehem...oops. Sorry! Nakuhanan ko ata" ani ni Patricia na ibinaba ang phone. Nagulat naman ang dalawa at napatingin kay Pat at Mommy Cathy.
"Patricia! Burahin mo yun." Ani ni Maymay at kumalas na sa pagkakayakap kay Edward.
"Wag na. Souvenir na yun. Ang ganda kaya ng reunion. Akala ko nanunuod ako ng teleserye eh. Sarap nga i-slow motion." Biro ni Patricia. Mayamaya ay tinawag na rin sila ni Mama Ludy para mag merienda.
Kinagabihan ay inaya ni Edward si Maymay na maglakad lakad sa may tabing dagat pagkatapos nilang magsalu salo sa hapunan.
"Are you happy?" Tanong ng binata. Tumigil sila sa paglalakad at pinanuod ang alon sa dagat.
"Oo naman. Kahit papano nakapagbakasyon tayo. Nabisita ko pamilya ko dito at ngayon, kasama kita... sa lugar kung saan ako lumaki." Sagot ni Maymay.
"Di mo naman kailangan gawin to Dong. Nag abala ka pang bumyahe. Magkikita rin naman tayo after two days" dagdag ng dalaga. Pumwesto si Edward sa likod ni Maymay at niyakap ang bewang ng dalaga.
"Namiss lang talaga kita and diba, i promised to your relatives here na babalik ako to visit them as well. So nandito ako. Kahit na aalis agad ako bukas at least nabisita ko rin sila. Too bad na saglit lang, i want to explore your hometown, but then I guess there's always a next time. At least may reason ako para bumalik. We don't know, baka sa pagbalik natin dito, i'm getting your family's permission na." Paliwanag ni Edward at natawa naman ang dalaga.
"Dong? Advance mag isip?"
"Why? Doon naman tayo papunta. You'll see." Sabi ni Edward.
"Wow! Confident?"
"Why are you like that? It seems ayaw mo ng idea na yun?" Pagtatampo ni Edward. Humarap si Maymay sa binata at kinurot ang pisngi nito.
"Joke lang Dong. Syempre! Gusto. Hindi ba, sabi ko na if magkakaboyfriend ulit ako, gusto ko siya na talaga. Eh sino ba boyfriend ko ngayon?" Tanong ni Maymay. Nakita ng dalaga na medyo nangingiti na si Edward.
"Sus. Nagpapalambing ka lang ata."
"Pero seriously May? Hindi mo ba nakikita? I mean us in the future?" Tanong ni Edward.
"Sandali? Noon ikaw itong may sagot lagi na hindi mo masyado munang iisipin ang future. Anong nangyari?" Sagot ng dalaga.
"I know. I don't want to think about it too much. But still, day by day, i'm getting glimpse of it na kasi. Everyday, nagloolook forward ako sa mangyayari sa ating dalawa. I know we're still young but May, i'm serious about this. I'm so glad that you came into my life, that you are here with me and sana, habambuhay na. I can't imagine my life without you." Ani ni Edward.
"It may sounds so cheesy but May, that's what I feel. What i truly feel. I love you so much." Ramdam ng dalaga ang bawat sinambit ng binata. Napangiti na lang ito ng pagkatamis tamis.
"Lord, ito na ba ang sagot sa tanong ko dati? nagpapasalamat po ako na nakilala ko ang lalaking ito na nasa harap ko. Nawa'y gabayan Niyo po kami sa mga haharapin naming pagsubok at pagtibayin Niyo pa po ang aming samahan."
Nakatitig lang si Maymay sa binata habang si Edward naman ay binabasa ang mga mata nito.
"May?"
"Dong, maraming salamat sa lahat ha at lagi mong tatandaan na masaya ako na ikaw ang kasama ko dito sa mundong ito at sana. . .sana. . .ikaw na nga. Hindi ko man lagi nasasabi sa'yo pero mahal na mahal kita, Edward." Tugon ng dalaga na nagpangiti naman kay Edward.
"I loveee youuu so much, Tsuma!" Sambit nito bago ilapat ang labi sa labi ng kanyang nobya.
---------------------
It's been a while. Hahaha! Kadugtong po ito ng "Thank You For Finding Me".
YOU ARE READING
Red String of Fate: Drabbles & One Shots
Fiksi PenggemarThis will be a collection of drabbles and one-shot stories about MayWard. :)