chapter 7 - savior

6.9K 33 0
                                    

DAVID'S POV

kasalukuyan akung nag di-drive ng motor ku papunta sa apartment ni angelica , kahit gabi na may dala parin akung bulaklak

good thing may nakita parin akung bukas na flower shop sa daan

buhay na buhay parin ang mga tao sa syudad kahit gabi na

marami kasing pumupunta dito lalo na kapag nagbubukas sila ng night market

marami kang mabibili na kung ano ano sa murang halaga , mabenta din dito ang mga ukay ukay

sa mga taga cebu alam nila kung anong lugar tung sinasabi ku

napadaan lang aku sa lugar dahil medyo malayo kasi sa school ang apartment ni angelica

at dahil nka motor aku madali lang aku nakakalusot sa traffic

medyo skwater tung tinitirhan ni angelica , hindi ku nga alam kung bakit nya nagustohan dito . hindi kasi masyadong safe dahil mukhang madaming tambay at mga lasing sa gabi .

kapag bibili ka ng pagkain ay kelangan mu pang maglakad sa kanto sa pinakalabasan ng lugar dahil dun nkahilera ang mga tindahan

hininaan ku lang ang takbo ku kasi medyo madilim ang lugar papasok at ilang poste lang ang nkalagay sa lugar , mahirap na baka biglang may tumawid

" ano ba ! lubayan nyo nga aku !"

napalingon aku sa kabilang kanto ng may marinig akung sigaw ng babae

"sige na miss makikipag kilala lang naman kami sayo saka sabayan mo na kaming inunom!"

narinig kung boses ng lalaki ang sumigaw at mukhang lasing

sabay pang naghalakhakan ang mga kasama nya

"ano ba bi-bitiwan mo nga aku bastos!"

ayoko na sanang makialam . ayoko ku ng gulo dahil nagmamadali aku pero mukhang pamilyar sakin ang boses ng babae

agad kung inikot ang motor at pumunta sa kinaroroonan ng mga boses

naguunahang umakyat sa ulo ku ang dugo ku , pero kinalma ku ang sarili ku at ipinarada sa kilid ng kalsada ang motor at hinubad ang helmet

gusto ku ng putulin ang maduming kamay ng lalaki na nakahawak sa braso ni angelica na sapilitan syang hinihila

i gritted my teeth ..

gusto ku ng patayin sa suntok ang lalaki pero kelangan kung kontrolin ang sarili ku dahil baka lalong masaktan si angelica kapag binigla ku

nakikita kung nagpapanic na sya sa ginagawa ng lalaki sa kanya pero hindi nya pinapahalata at pilit nagpumiglas

"magandang gabi mga bosing ! ang ganda naman ng chix nyo pwde nyo ba akung ipakilala?"

lalong nagpanic si angelica ng marinig ang boses ku kaya mabilis itong lumingon sakin

hindi ku alam kung nakikila nya aku dahil madilim sa kinatatayoan ku kaya hindi masyadong nakikita ang aking mukha

sa gwapo ku ba namang to hindi nya aku makikilala ? eh nagliliwanag na yata itong kakisigan ku

"si-sino kaba ha ?" ramdam kung kinakabahan ang boses ng lalaki habang nka tingin sa direksyon ku

"pa-pare kapre ba y-yan?"

nanginginig ang boses ng kasama nyang lasing habang pilit na inaaninag ang mukha ku

aba't tinawag pa akung kapre ? tignan ku lang kung hindi ka mabakla kapag nakita mu ang kakisigan kung ugok ka

THE TEACHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon