DAVID'S POV
alam nyo ba yung word na "masaya?" yun kasi ang nararamdaman ko sa mga lumilipas na araw simula yung nangyari samin ni angelica
ang dating snobero kung ugali ay naging palangiti na. lahat ng mga tao nginingitian ko.
lahat ng nadadaanan ko ay nginingitian ko. ang papa ko ang mama ko ang katulong namin ang labandera ang hardenero ang driver ang mga kapit bahay namin ang mga tindero tindera ang mga lasinggo tambay snatcher holdaper kidnaper smagler pusher pati mga aso namin aso ng mga kapitbahay namin pusa daga ipis botiki kulang na nga lang pati mga multo ay ngitian ko.
basta lahat ng nakikita ng mata ko nginitian ko.
eh paki nyo eh sa masaya ako?
"anyari ky david? nag aadik ba yan?" narinig ku pang bulongan ng mga chismosa sa lugar namin
"palagi nalang kasi nakangiti pati yung napadaang asong ulol nginitian ba naman?" sige chismis lang wala aku pakialam
hindi ako galit kasi masaya ako! ang saya saya ko!
palagi na akung maaga sa school kasi masaya ako.
lahat ng babae sa campus nginitian ko pati mga bakla di ko pinalampas kaya ayun panay ang tili ng madadaanan kung mga chix.
"omg! david sana ako na lang ang dahilan ng mga ngiti mo"
"david sana akin kana lang"
"david halayin mo ako"
binabati ko sila lahat at binigyan ng flying kiss. kaya kahit maaga pa lang may mga nag aabang na sa harap ng classroom ko.
at sabay sabay na sumisigaw ng flying kiss!
may daladala pang malaking banner na ang nkalagay ay "WE LOVE YOU SUPERMAN"
dati kasi hindi ko sila pinansin kaya ang sayasaya nila ngayon. ganun naman talaga yun share share lang ng blessings.
bigla silang natahimik habang nakatingin sa likod ko.
kaya dahandahan akung lumingon. ay toro! esti si trixy.
hinawakan ang braso ko. marahas akung hinila at tumigil sa harap ng mga babae.
"TABIII!!!" ang lakas makasigaw
dalidaling nag usugan lahat ng nkaharang sa pinto ng room.
halos madapa aku ng hilahin ako papasok sa loob.
kahit kailan panira ng moment ang babaeng to.
napasinghap ang mga fans ko sa labas ng ibalibag ako sa upo.an. saka padabog na umupo sa tabi ko.
nag ring ang bill kaya matamlay na nag alisan lahat.
pero syempri hindi ako galit kasi masaya ako at bestfriend ko ang isang to.
nakita kung natatawa si angelica sa ginawa ni trixy. hmm how i love that smile.
inataki na naman ako ng epal kung konsensya kasi walang ka alam alam si trixy sa nangyayari sa amin ni angelica at ako itong ang lakas makaselos.
hahay patay talaga ako pag sa iba pa nalaman ni trixy ang tungkol sa amin ni angelica.
patay as in patay talaga ako. baka bigla nalang akung lunorin o di kayay tabunan ng unan ang mukha ko habang natutulog. ang saklap!
may pagka serial killer pa naman tung lablab kung bestfriend.
pero sigurado naman akung walang nakakakita sakin tuwing pumupunta ako sa apartment ni angelica saka nag iingat din ako.