DAVID'S POV
Ang hirap pala maging detective. Mabuti na lang hindi ko naisipan maging pulis. Kasalukuyan kung minamanmanan ang mga ginagawa ni trixy at clark. Sinusundan to be exact. May tiwala naman ako ky trixy pero langya wala akong tiwala sa gorilyang yun mukang mamanyakin nya ang bestfriend ko. (hihinaan ko lang ang boses ko while sinasalaysay ko ang mga ginagawa ni clark at trixy. Malaki pa naman ang tenga ng babaeng yun ang bilis makarinig..Shhh wag nyo sasabihin baka bikwasan ako) so ito na nandito sila sa loob ng jollibee. Tanginang lalaki walang originality ako kaya ang paliging nanlilibre kay trixy dito. Tsk tsk di papasa yan! Oops ayan na papalit na sya kay trixy may bitbit na tray. Nasa gitnang bahagi kasi sila ng jollibee kaya dito ako pumwesto sa pinakasulok. P*ta! French fries, burger at regular coke lang ang laman ng tray? Ano yan regular yum?! Haha pinigilan kung matawa sa bitbit nya. Mag aaya ng date eh wala namang pera?
at ito namang mabait kung bestfriend ngiting ngiti pa habang nkatingin ky ugok. ano ba yan trixy regular yum lang ang saya mo na? Hinayaan ko lang sila mag usap habang binabantayan ko ang galaw nila. Pasimple kung hinaharangan ng libro ang mukha ko upang hindi nila ako mapansin. Mukha namang wala pang balak ang ugok na chansingan si trixy. Alam ko humahanap lang ng tyempo yan. Muntik ko ng ibato sa mukha nya ang hawak kung extra large coke float ng makita kung pinunasan nya ang sulok ng labi ni trixy gamit ang madumi nyang daliri. Tangina mamaya pagtototbrushin ko si trixy ng isandaang besis bago sya makakahalik sakin! pakiramdam ko ay umuusok na ang pwet ko dahil bahagya pang ngumiti si trixy sa ginawa ni gorilya. Pigil na pigil ko ang sarili na wag gumawa ng gulo. This is there date by the way. Nagtataka lang ako kung bakit napapadalas na ang date nila. Mukha namang walang pag asa sa kanya si clark. There must be another reason why pinagbibigyan nya mkadate sya ng ugok na to.
ilang sandali lang ay lumabas na sila ng jollibee. Mukha na akung tanga sa ginagawa ko pero sige lang tuloy tuloy parin ako sa kalokohan ko. Umangkas sila sa motor ni ugok. Parang gusto ko na silang banggain dahil mukang enjoy na enjoy si ugok habang nkayakap si trixy sa bewang nya.nakita kung tumigil sila sa isang amusement park. inintay ko muna silang makapasok bago ako sumunod. tila nag niningning ang mga mata ni trixy habang nka tingin sa mga rides. seriously? i mean si trixy? mag eenjoy sa ganitong lugar? kelangan kung mag isip ng paraan para sirain ang date nila. ayokong maging komportable siya sa presensya ni ugok. pinagmamasdan ko lang siya ng patago habang sumasakay sila sa ibat ibang rides. she looks so happy. im also happy for her dahil masaya sya at the same time im hurt. dahil masaya sya sa piling ng iba. i dont know kung bakit ako nasasaktan. i shouldn't feel this way to think that im only her bestfriend. siguro nagseselos lang ako. nagseselos ako dahil masaya sya sa piling ng iba. p*tanginang word na "i love you" na yan. she shouldn't have told me those words kung hindi naman totoo. masyadong nakaka trigger ng damdamin. hindi ko naman nararamdaman to dati. not after she told me she loves me. im so jelous for fvck's sake! na masaya sya piling ni clark..
"damn.." wala sa sariling nasabi ko ng ikawit ni trixy ang kamay nya sa braso ni clark ng bumaba sila sa ride. god damn im so hurt! this cant be happening. nasasaktan ako ng sobra habang pinamamasdan sila. t*ngina hindi ako masokista pero ano tung ginagawa ko. enjoying the pain while stalking them? kahit alam kung masasaktan at masasaktan lang ako sa mga ginagawa ko pero patuloy ko parin silang sinusundan na para bang gusto ko pang dagdagan ang sakit. kahit sa panaginip i didn't expect na makikita kung masaya si trixy sa iba. she's so into me. in fact sobrang selosa nya na kahit mga babae sa campus ay natatakot lumapit sa akin kapag nandyan sya. kaya hindi ko naiintindihan kung anong nangyayari ngayon. maybe i should do something to stop them, baka tuluyan na siyang mahulog at bigla nalang akung maiwan sa ere. siguro tama ang sinabi ni tatang. dapat wag kung hayaang mahulog ang loob nya sa iba. or maybe not. nalilito ako. tama kaya ang gagawin kung pigilan sila samantalang ako ang maraming tinatago kay trixy in the first place. pero hindi ko rin kayang tanggapin na merong magmamay ari sa kanyang iba. fvck! ano bang gagawin ko.