Chapter 2

295 9 0
                                    

Kisha POV

2 weeks na din simula 'nung nalaman kong sinusumbong pala ni Bianca yung mga ginagawa namin ni Basty. Buti na lang hindi pa ako 100% tiwala sa kanya.

Iniisip ko din kung bakit niya ako sinumbong kay Mommy na dumalaw dito si Basty. Dapat wala na siyang pakialam dun kasi nga hindi ko naman siya kaanu-ano.

Pero okay na din yun, atleast habang maaga pa alam ko na 'yung totoo niyang kulay. Na hindi dapat siya pagkatiwalaan.

Kung plastikan lang din naman pala, magaling ako jan!.

--
Sabado ngayon at nandito ako sa bahay, dito sa may garden ko.
Nagmemeryenda habang nagbabasa nang libro para sa mga experiments na lulutuin namin sa school.

May naisip na akong experiment na mura lang at masarap kaso ewan ko lang kung gusto 'yun ng mga kasama ko.

Sabi kasi ni Prof. "Mag-isip kayo ng mga kakaibang lulutuin niyo next week. Yung mura lang at masarap, kung sino man ang mananalo by group ay ilalaban sa lower year. Kaya galingan niyo at Good luck"

Sinusulat ko yung mga kailangan nang may umupo sa tabi ko. Si Bianca lang pala, simulan na ang plastikan. Hindi niya pala alam na sinabi din sa akin ni Mommy kung anu yung mga tinext niya.

"Busy'ng-busy tayo bes ah" masayang sabi niya habang nakatingin sa libro

"Oo. Malapit na kasing graduation sinusulit na ng mga teachers yung araw namin. Hahaha" tumawa pa ako jan

"Pinapahirapan kayo ah, ano ba yan?" Tanong ni Bianca

"Cooking experiments, patapos naman na ako dito eh" tsaka ako uminom ng juice

"Ahh. Sige, dun muna ako sa kwarto ko" paalam niya tsaka pumasok na sa bahay

Hindi man lang hinintay ang sagot ko. Bwisit siya! Malaman ko lang ang talagang pakay niya, malilintikan yang babaeng 'yan!

Tinuloy ko na ang pagsusulat.
At nang matapos na ako ay pumasok na din ako sa kwarto ko, pero pinakinggan ko muna yung pinto ni Bianca at ..

Oh my ghadd! Nagreply siya. Hehe :D

Sino kayang katext nito? Makapasok na nga lang sa kwarto ko.

***
Bianca POV

Andito ako ngayon sa kwarto ko, maitext nga si Basty.

Text ..

Bianca : Hi
( after 5 minutes, nagreply na )

Basty : Who you?

Bianca : Si Bianca 'to. Please don't tell to Kisha na tinext kita. Please.

Basty : Okay, bakit. Napatext ka?

Bianca : Boring lang kasi dito sa bahay eh. Bigyan mo nga ako ng katext.

Basty : Wala eh. Pasensya na

Bianca : Okay lang, ikaw na lang katext ko. Pwede ba?

Nakakainis si Basty! Hindi na nagreply. Tsk!

Mapapasakin ka din Basty.

1 month and 2 days na lang, graduation na ni Kisha. Gusto ko bago dumating ang araw na 'yun maging kami na ni Basty. At sisiguraduhin kong magiging KAMI nga.

Nataranta ako nung nag-ilaw ang phone ko, akala ko si Basty na. Si mama lang pala.

Bianca, kumusta ka jan?

Hindi ko na nireplayan. Matutulog na lang ako.

--
Nagising ako, tanghali na pala.
Naabutan ako si Bianca sa kusina na nagluluto ng French Fries pero KAMOTE.

TEXT LOVE STORY (Completed)Where stories live. Discover now