Bianca POV
Kung kailan kami na ni Basty! Tsaka pa siya nadulas! Yan tuloy nag-drama na naman si Kisha! Paepal talaga siya kahit kailan.
Eh ano naman ngayon kung nalaman niyang kapatid niya ako sa ama? Eh ako nga hindi nag-drama nang malaman ko din ang totoo. Bwisit siya! >|<
Nang tumakbo si Kisha palayo sinundan siya ni Basty. Hahabulin ko sana si Basty kaso pinigilan ako ni Tita Harriet.
"Hayaan mo munang mag-usap sila ng maayos. Lalo na't ikaw pala ang may kasalanan kung bakit sila nagkagulo" wika ni Tita
"Hindi naman siguro sinasadya ng anak ko, Harriet" sabat ni Mama
"Hindi sinasadya? Simula pa lang alam na niyang nagkakamabutihan ang dalawa! Sabagay, like mother like daughter" wika ni Tita sabay irap kay Mama
"Tita, hindi kami mang-aagaw! Sadyang kami lang ang pinipili ng mga mahal niyo!" Napataas na ang boses ko
Sinampal ako ni Tita, at dahil sa maldita ako ginantihan ko din siya.
"Wala kang respeto! Manang-mana ka sa Nanay mong mang-aagaw!" Sabi ni Tita
"Harriet tama na" matipid na wika ni Daddy kay Tita
"Tama na? Osige. Ngayon din umalis na kayo dito sa pamamahay ko !!" Sagot ni Tita sa sinabi ni Daddy
Tumayo na sila Mama at Daddy samantalang ako ay tumakbo sa kwarto ko. No. Ayokong umalis dito!
Humanda ka Kisha! Magsisimula na ang kalbaryo nang buhay mo!
***
Kisha POV
"Basty, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang pinapahid ang mukha ko dahil sa mga luhang pumapatak galing sa mga mata ko.
Siya yung nakabungguan ko kanina. Sinundan ata ako nito.
"Andito ako para i-comfort ka" concern niyang wika
"Sorry kung naiwan kita kanina sa bahay, naguguluhan kasi ako" paghingi ko ng paumanhin sa kanya.
"Wala yun, ano ka ba. Panyo oh" sabay abot sa panyo
Napatigil ako habang minamasdan ang inaabot niyang panyo. Inabutan din kasi ako ni Basty dito nuon. Yung time na ako 'yung lumabas na nangopya sa isang project.
Bakit ko ba kasi naalala bigla? Si Nathan kasi eh ..
"Kisha" tawag sakin ni Nathan
"Ah sorry. May naalala lang ako bigla" sabay kuha ko ng panyo sa kanya
"Si Basty no?" Tanong niya
Tanging tango lang ang isinagot ko. At nginitian ko siya
"Huwag mong piliting tumawa kung hindi ka talaga masaya. Dahil ang mga ngiti mo, halatang MADE IN CHINA" wika ni Nathan
Ano 'yun? Hugot ba?
"Maybe I don't cry, but it hurts. Maybe I won't say, but I feel. Maybe I don't show, but I care" wika ko kay Nathan
"Sometimes you have to walk away from what you want to find what you deserve" Nathan
"Anlalim naman Nathan! Haha" sabi ko sa kanya
"Ayan, mas maganda ka kapag tumatawa. Kaya wag mo nang iiyakan 'yung mga bagay na naiyakan mo na. Kasi kahit anong iyak ang gawin mo, hindi na maibabalik ang dati. Kaya matuto kang lumaban, wag yung puro iyak ha" wika ni Nathan habang hinahawi niya ang buhok ko
"Salamat sa advice ha Nathan" sabay kuha sa kamay niya tanda nang aking pasasalamat
"Wala 'yun, halika na. Masyado nang gabi" saka niya hinawakan ang kamay ko para alalayan sa pagtayo
YOU ARE READING
TEXT LOVE STORY (Completed)
Teen FictionCan TEXT LOVE STORY turns into REAL LOVE STORY? Let's find out! -Annelicious8 ♡