Chapter 9

209 1 0
                                    

[ There are going to be lots of hard times in your life, but these hard times only make you stronger in the end. ]

--

Narrator :

At dahil maaga ang trabaho ni Kisha ngayon ay nagmamadali siyang bumangon upang maligo at makapag-ayos.

Napuyat siya sa kakaiyak, hindi niya alam kung totoo ba yung sinabi ni Bianca nang magkita sila kagabi. Na masaya na silang magkakasama samantalang siya ay nag-iisa.

Pero hindi mapapatawad ni Kisha si Bianca kapag nangyari nga ang ganun.

Nang matapos na ang mga gawain niya sa katawan ay kinuha niya ang isang sticker post at sinulatan. (Nasa taas po ang kanyang sinulat) at dinikit niya iyon sa pader ng kwarto niya. At dahil sa mga problemang iyon ay magiging malakas siya. Sinisiguro ni Kisha na hindi siya matatalo sa bandang huli.

Pumasok na siya sa kanyang trabaho at nakita niya si Mam Veron at Sir Nathan sa office ng Resto, nagtatawanan sila. Totoo nga ang sinabi sa kanya ni Mam Veron, na sila na ni Sir Nathan. Kaya iniisip na niya kung paano niya iiwasan si Sir Nathan.

Hindi na pinansin ni Kisha ang kanyang nakita at tinuloy na ang kanyang trabaho. Ayaw niyang madistract sa trabaho.

"Hi Kisha" bati sa kanya ni Ronalyn. Siya lang ang ka-close niya dito kaya nagpapasalamat siya at dumating siya sa buhay niya.

"Bes mamayang out natin, usap tayo ha" sabi ni Kisha sa kaibigan

Tumango lang si Ronalyn, napansin din kasi ni Ronalyn na may problema ang kaibigan. Ilang araw na din kasi niyang napapansin na parang wala sa sarili si Kisha. Gusto niya itong damayan kaya pumayag siya.

Pinagpatuloy ng dalawa ang kani-kanilang trabaho.

Iniwasan na nga ni Kisha si Nathan, tulad ng gustong mangyari ni Mam Veron

Ayaw kasi ni Kisha na may masira siyang relasyon, ayaw niyang magaya siya sa sinapit niya.

Si Nathan naman ay nahahalata niyang parang hindi siya pinapansin ni Kisha. Hindi naman niya alam kung may nagawa ba siyang kasalanan sa dalaga.

Pinagsabihan niya kasi si Veron na wag ng patulan si Kisha dahil alam niyang may mabigat itong problema, ayaw na niyang madagdagan pa ito. Kaya kinausap niya si Veron.

Nang walang costumer ay pinapunta niya si Kisha sa office

"Kisha, may problema ba?" Tanong agad ni Nathan

Nag-aalinlangan pa si Kisha na sumagot, pero kailangan kasi Sir pa din niya ito.

"W-wala S-sir" nauutal na sagot ni Kisha

"Umamin ka na Kisha" malumanay na sabi ni Nathan

Alam niya kasi na meron talaga itong problema. Nakayuko pa ang dalaga na animo'y nahihiya.

Nagdadalawang-isip si Kisha kung ano ang idadahilan niya.

"Sir kasi .. kasi gusto ko ng mag-resign" napakagat-labi naman si Kisha. Hindi alam ng dalaga kung bakit yan ang lumabas sa bibig niya. Siguro para tuluyan na niyang maiwasan ang amo

Nagulat naman ang binata sa sagot ni Kisha

"Bakit? Ano ngang problema?" Pagpupumilit ni Nathan na malaman kung ano man ang problema ng dalaga

At dahil dun umamin na si Kisha. May utang na loob siya sa binata kaya nahihiya din siyang magsinungaling

"Sir kasi nakiusap sa'kin si Mam Veron na kung pwede ay --" naudlot ang sinasabi ni Kisha dahil agad na pumasok si Mam Veron

Naisip kasi ni Veron na baka magsumbong si Kisha tungkol sa sinabi niya, kaya agad itong pumasok kahit na hindi ito pinapatawag. Hindi siya pwedeng mabisto!

"Sir, pwede ba tayong mag-usap? Kisha lumabas ka muna" walang kagatol-gatol na wika ni Veron

Kailangan niyang gumawa ng paraan para mapigilan niya na magsumbong si Kisha kay Nathan. Hindi maaari na malaman ni Nathan iyon! Dahil gusto niya ang binata.

"Veron, hindi mo ba nakita na nag-uusap din kami?" Wika ni Nathan. Napayuko lang si Kisha sa isang sulok

"Sir kasi--" hindi na pinatapos ang sinasabi ni Veron dahil sumabat agad si Nathan

"Maupo kayong dalawa!" Maotoridad na utos ni Nathan sa dalawa. At agad nilang sinunod dahil ngayon lang nagtaas ng boses ang binata

"Kisha, ituloy mo ang sinasabi mo. Tutal kasali si Veron sa usapan, gusto ko din marinig niya" utos ni Nathan sa dalaga

Natakot naman si Kisha dahil kaharap niya pa si Mam Veron. Nag-iisip siya kung anong idadahilan niya.

Si Veron naman nangangatog ang tuhod, natatakot na malaman ng binata ang sinabi niya kay Kisha

Si Nathan ay naghihintay lang sa isasagot ni Kisha, nasulyalan niya pa na ang sama ng tingin ni Veron kay Kisha.

"Kisha gusto ko sabihin mo ang totoo" wika ni Nathan

Para kasing natatakot si Kisha sa mga tingin ni Veron, yun ang napansin niya sa dalawa.

"Sir kasi n-nakiusap si Mam V-veron sa akin. Na kung pwede daw ay iwasan ko kayo" panimula ni Kisha

Namumutla naman dahil sa kaba si Veron. Hindi maaaring lumabas ang totoo!

"Sinabi ko yun Nathan para makapag-focus siya sa trabaho niya" ngumiti si Mam Veron para hindi siya mahalata

"Hindi pa kita kinakausap Veron, tumahimik ka muna. Bakit daw kailangan na iwasan mo ako Kisha?" Tanong ulit ni Nathan

Kaya inisip ni Kisha na sabihin na lang ang totoo dahil alam niyang paniniwalaan siya ni Nathan. Alam niyang kakampi niya ito.

"Kasi nagseselos daw siya Sir" binitin muna ng dalaga ang sasabihin. Gusto niyang makita ang reaksiyon ng Mam Veron niya. Gaya ng inaasahan niya ay nanginginig nga si Mam Veron

Nakakunot-noo naman si Nathan. Anong sinasabi ni Kisha? Nagseselos si Veron? Bakit?

"Bakit siya nagseselos?" Kahit alam ni Nathan na siguro dahil gusto siya ni Veron ay gusto niyang malaman mismo kay Kisha ang sagot

"Dahil daw po girlfriend niyo siya. At may karapatan siyang sabihin sa akin na iwasan ko kayo dahil alam niyo na po, girlfriend niyo daw siya" pag-aamin ni Kisha. Nakahinga siya ng maluwag dahil nasabi na niya ang totoo

Nagulat naman si Nathan sa sinabi ni Kisha ..

"Ano? Girlfriend? Girlfriend kita Veron?" Saka siya bumaling sa namumutlang si Veron

"Sumagot ka Veron!" Tumaas ulit ang boses ng binata nang hindi pa sumagot si Veron

"Nathan. Mahal kasi kita" pagco-confess ni Veron sa binata

Napanganga naman si Kisha sa sinabi ni Mam Veron

Napatampal sa noo si Nathan

"Sana sinabi mo na lang Veron, hindi yung gumawa ka pa ng kwento!" Sigaw na wika ni Nathan

"Nathan kasi ayokong mareject Huhuhu" naiyak na si Veron

"Mali pa rin ang ginawa mo! Kisha wag ka ng mag-resign" Baling niya sa nakayukong si Kisha

Napaangat ng ulo si Kisha

"Yes Sir. Lalabas po muna ako" paalam niya sa amo niya saka siya tumayo

"Lumabas ka na din Veron" wika ni Nathan kay Veron

"Pero Nathan --"

"Sabing labas na!" Sigaw ni Nathan

Walang nagawa si Veron, tumayo na siya at lumakad na palabas sa office

Naiwan si Nathan mag-isa. Gumulo ang isip niya!
Aaminin niya, dati may gusto siya kay Veron at dahil may boyfriend ang dalaga dati ay hindi na siya nagkainteresado. Hanggang sa makilala niya si Kisha, siya ang babaeng gusto niyang ligawan.

Pero naghahanap pa siya ng tamang tyempo para sabihin iyon kay Kisha. At sana pag nasabi niya ay may pag-asa siya.

Yun ang kanyang inaasam -- ♡

--
Annelicious ♡

TEXT LOVE STORY (Completed)Where stories live. Discover now