Kisha POV
"And now, may I call on the stage Miss Kisha Mae Montero for her speech. Let's give her a round of applause for our Magna Cum Laude" Sabi ng Emcee at nagpalakpakan ang mga kapwa ko studyante, parents and teachers.
Tumayo ako at luminga-linga sa paligid, wala pa si Mommy.
Si Basty naman nakatingin lang sakin, wari'y inaalam kung bakit hindi pa ako umaakyat sa stage.
Magkatabi naman si Bianca at Nathan sa chairs kung saan naka-assign ang mga Visitor's place.
Bakit wala pa si Mommy?
Nangako siya na pupunta siya eh, bakit hanggang ngayon wala pa?Kinakabahan tuloy ako magsalita sa harapan nang madaming tao.
Umakyat na ako sa stage, hinawakan ang Mic at isinandal ko ang mga kamay ko sa sandalan ng mic (yung kahoy)
Nagbigay pa ako nang isang sulyap sa paligid, pero nabigo akong makita ang hinahanap ko.
Napatingin ako kay Nathan, nginitian niya ako. At ngumiti din ako.
Kaya ko to! -
"To all my fellow students, parents, teachers, and to all visitors tonight. A pleasant good evening to all of you"
Hindi ko na maalala ang ginawa kong speech. Nakakainis talaga, bakit ngayon pa ako na-mental block. Kung bakit kasi wala pa siya!
Magsasalita na sana ako ng makita ko si mommy sa likod kasama si Tita Bela at si
DADDY?!!!
Gusto ko ng matapos ang speech ko kaya sisimulan ko na. Bakit sila magkasama? !!
"Mahirap talagang maging isang istudyante. Yung mga parents dyan, hindi lang kayo ang nahihirapan. Ang mga magulang, nahihirapan sa paghahanap ng pera para matustusan ang pangangailangan ng kanilang anak. Ang mga istudyante, tulad ko ay nahihirapan din. Naghihirap sa paggising sa umaga, kahit puyat sa paggawa ng mga assignment, projects, and thesis ay pinipilit parin naming gumising ng maaga. Hindi lang jan, naghihirap din ang mga istudyante na mapanatiling mataas ang kanilang mga marka, naghihirap sa pagreview ng mga lecture para ma-perfect ang kanilang exams, quizzes. Hindi ko ito sinasabi para ma-offened ang mga parents, sinasabi ko ito para malaman ng mga parents na hindi lang nag-gagasta ang mga anak, nagsasaya sa school odi kaya ay nagdi-ditch sa klase.
Sabi nga nila, kung gusto mo ang iyong ginagawa, malamang magtatagumpay ka sa gawain mo. Sa totoo lang, hindi po ito yung kinabisado kong speech ko, namental-blocked kasi ako kaya nakalimutan ko na (nagtawanan sila, hindi yung tawa na parang nilalait). Bago ko nakamit ang title na Magna Cum Laude, marami pa akong pagsubok na hinarap. Pero hindi ko na sasabihin kasi baka magdamag na tayo dito Haha (tumawa ulit sila). Sa pag-tatapos nating ito mga kapwa ko istudyante, hindi ito patunay na nagtapos na tayo. Ito ay simula pa lang ng haharapin natin sa buhay. Kaya hanggang dito na lang ang aking mga sasabihin, congratulations sa mga parents at kapwa ko istudyante. Mabuhay tayo! At muli, magandang gabi sa inyong lahat".Nagsitayuan sila at pumalakpak, sa wakas tapos na ang aking speech. Grabe ang kaba ko kanina.
"Thank you Miss Kisha Mae Montero, and now may I call on the stage *******" emcee
Umingay na kasi kaya wala na akong maintindihan.
Babalik ba ako sa upuan ko o lalapit kila Mommy?
At napag-desisyunan kong maupo na lang ulit. Hihintayin ko na lang na matapos ang program bago lumapit sa kanila.
Unfair naman kasi di ba, kung ikaw na nagsasalita pinakinggan ka, alangan namang hindi ka makikinig?
After 3 hours ***
YOU ARE READING
TEXT LOVE STORY (Completed)
Teen FictionCan TEXT LOVE STORY turns into REAL LOVE STORY? Let's find out! -Annelicious8 ♡