Chapter 8

191 2 0
                                    

[ Always have confidence and always wear a smile. Sometimes everything else will work itself out. ]

--
Kisha POV

Simula ng malaman ni Nathan na nasosobrahan na ako sa trabaho ay pinipigilan na niya akong magtrabaho. Sabi pa niya kapag daw umalis ako sa trabaho ko tutulungan niya daw ako, maging sa financial man. Pero umayaw ako. Hindi naman niya ako girlfriend para ituring na ganun, di ba?

Si Basty, hindi na ako kinukulit. Mabuti naman kung ganun.

Si Bianca, sila pa pala ni Basty.
Debut na ni Basty (21 years old) next month, kinuha ni Bianca ang Resto ni Nathan para gawin dun ang venue na paghahandaan ni Basty. Hindi kasi kami tumatanggap ng catering kaya sila ang nag-suggest na sa resto na lang idaraos ang birthday. Si Bianca lahat ang nag-aasikaso sa gaganaping birthday ni Basty, samantalang si Basty naman parang walang pakialam.

"Dapat lahat masasarap ah" wika ni Bianca habang nakaupo kami sa office ng Resto

Kasama ko si Sir Nathan, Bianca, Basty at ang manager.

"Sisiguraduhin po namin iyon Miss Bianca" sagot ni Mam

"Oh well, that's it! Thanks for the time" nakangiting wika ni Bianca at tumayo na sila Basty

Nagkamayan pa sila bago tuluyang lumabas ng office

"Okay ka lang?" Tanong ni Nathan

"Yes Sir. Don't worry" wika ko

"Nagpapapansin lang yan Sir" sabat ni Mam

"Hindi naman sa ganon Mam" wika ko sabay irap sa kanya

Nakakainis e! Porket siya ang branch manager ay ganun na ginagawa niya!

"Sige na, back to work na Kisha. Veron please stay here for awhile. May pag-uusapan lang tayo" maotoridad na utos ni Sir kaya lumabas na ako sa office at itinuloy ang trabaho

Kapag'kwan ay nakita ko ng lumabas si Mam Veron sa office at tiningnan ako ng masama. Anyari dun?

Lumapit siya sa akin na para bang galit na galit

"Mag-usap tayo mamayang uwian sa likod ng Resto" wika niya sabay irap sa akin at umalis na

Bakit na naman kaya?

Ginawa ko na ang trabaho ko at hindi ko na pinansin ang sinabi ni Mam Veron. Tungkol kaya iyon sa napag-usapan nila ni Nathan?
-
-
Hindi ko namamalayan ang oras at uwian na pala. Nakuha ko na ang sahod ko, kinuha ko na din ang bag ko sa gilid at lumabas na ako ng Resto para magtungo sa Likod.

After 5 minutes dumating na si Mam Veron

"Mam, ano po bang pag-uusapan natin?" Tanong ko sa kanya bago siya maupo

"Tungkol satin! Gusto kong iwasan mo si Nathan, Kisha!" Wika niya

"At bakit naman?" Tanong ko, grabe! Iwasan agad? E siya ang boss ko ah

"Dahil nagseselos ako! I'm his Girlfriend. At may karapatan akong sabihin sayo na iwasan mo siya!" Wika niya

Girlfriend siya ni Sir Nathan?? Hanudaww?

"Hahaha! Ikaw? Gf ka niya? Nagpapatawa ka ba?" Natatawang wika ko

"Seryoso ako! Wag mo akong tawanan!" Nangangalaiti niyang sabi

At dun nawala ang pagkakangiti ko. How come? Bakit hindi sinabi ni Nathan ang tungkol dito? Kaya pala lagi silang nag-uusap in private, akala ko business matter lang.

"Kaya Kisha! Iwasan mo siya! Dahil kung hindi, ako ang makakalaban mo. Tandaan mo Kisha, mahirap akong kalaban!" Wika niya saka tumayo at lumakad na paalis sa Likod ng Resto
-
-
Hindi ko alam pero FEELING ko PARANG NAAGAWAN na naman ako! Pero hindi naman naging KAMI!

TEXT LOVE STORY (Completed)Where stories live. Discover now