Chapter 6

217 4 0
                                    

Kisha POV

Hindi ko alam kung bakit nagbago si Basty. Pero mas lalong hindi ko alam kung bakit sila magkasama nang gabing pinapunta niya ako sa bahay nila.

Yun ba talaga ang ipapakita niya sa akin?

Andami ko na namang tanong sa isip ko. Pero ni isa wala akong makuhang sagot.

--

Dahil si Nathan ang may-ari nang restaurant na in-apply'an kong trabaho, madali akong nakapasok.

Pero sinabi ko sa kanya na magsisimula ako sa pinakamababang posisyon. Yun ay ang maging waitress, balak niya kasi akong gawin na branch manager.

Pero syempre umayaw ako. Ano na lang ang sasabihin ng mga ibang employees niya sa'kin, di ba?

Andito ako ngayon sa Resto, nakatayo sa tabi ng cashier. Wala pa naman kasing gaanong costumers.

Habang nakatingin ako sa pinto ng Resto, may pumasok na dalawang tao, mag-syota ata.

Hinayaan ko munang makaupo sila tsaka ko sila nilapitan.

"Good morning mam/sir, here's the menu" nakangiti kong bati sa kanila tsaka inabot ang menu list

"Thanks" sabi nung lalake

Nang makapili na sila ng kanilang order, ay umalis na ako sa tabi nila at pumunta sa cashier.

Inabot ko sa cashier ang papel kung saan nakalagay ang kanilang order, at binigay na niya sa akin ang resibo.

Habang hinihintay kong matapos ang order nila, may nagsalita sa likod ko

"Mukhang pagod ka na ah" wika ni Nathan

Lumingon ako tsaka ngumiti
"Hindi pa naman" tanging nasagot ko sa kanya

May sasabihin pa sana si Nathan pero dumating na pala ang order nila kaya kinuha ko at sinerved ko na sa mag-syota at ibinigay sa kanila ang resibo. Umalis na din ako at nagtungo ulit sa dati kong pwesto.

Naabutan ko pa din si Nathan na nakatayo sa dati niyang pwesto

"Marunong ka bang kumanta?" Tanong ni Basty

"Medyo lang Sir, Hehe Bakit?" Nahihiya kong sagot

"Meron kasing mini stage dito, di ba? Pwede ka bang kumanta? Umalis kasi yung singer natin eh" wika ni Basty

Nilingon ko nga yung sinasabi niyang mini stage, ngayon ko lang napansin na meron pala iyon dito.

Kakanta ba ako o hindi?
E hindi naman ako masyadong marunong, bahala na nga!

"Anong kakantahin ko?" Tanong ko kay Basty

"Ikaw bahala. O kaya kung anong nararamdaman mo ngayon. Ilabas mo kung anong nasa loob mo. Kaya mo yan, may tiwala ako sayo" masayang wika niya

"Sige" nakangiti kong sagot at nagtungo na ako sa mini stage

"Mic Test .. mic test" tsaka ko pinalo ang mic (alam niyo 'yun?)

Nag-iisip ako kung anong pwedeng kanta ang maitutugma sa nararamdaman ko ngayon.

Napansin ko na bumukas ang pinto ng Resto kaya sumulyap muna ako.

Nagulat ako ng makita kong si Basty at Bianca ang iniluwa ng pinto.

Kaya sinimulan ko ng kumanta.

[ MALAYA KA NA ]

Di ko na makakayang magsawalang kibo na lamang.

- Dahil nasasaktan na ako sa mga nakikita kong ginagawa niyo sa akin'!

Hindi ko na magagawang maglihim pa sayo.

- Oo. Ayokong magsinungaling! Mahal pa rin kita hanggang ngayon!

At kong inaasahan mong magbabalik pa ang puso ko sayo, matapos mong saktan at malinlang.

- Huwag ka nang umasa! Nasaktan mo na ako'!

Dapat sana'y hawak ang iyong kamay, kung nag-isip ka lang hindi na masasaktan ang isat-isa.

- Sana naisip mo muna ang kahihinatnan bago ka gumawa ng ikakasira natin'!

Malaya ka na magagawa mo na ang lahat ng gusto mo kahit masaktan man ako.

- Pinapalaya na kita! Pwede nang maging kayo ni Bianca! Ang masaklap, kayo na pala </3

Malaya ka na, wag ka ng umasa pang magbabalik ako. Lilimutin ka't hindi mabibigo.

- Kailangan na kitang limutin! I need to move on!

Ang tangi kong hangad sayo maging tapat ka sa damdaminmo kung sino man magmamahal sayo.

- Sana seryosohin mo si Bianca!

Dapat lamang limutin na kita, kung nagisip ka lang hindi na masasaktan ang isat isa. (Repeat chorus)

Kung ikay nagbago na at nag-iisa, sana ang puso ko'y malaya pa at kung di na at mayroon nang may-ari ang puso ko.

Di mo masisisi Ako.
Ang lahat ng gusto mo kahit masaktan man ako. Malaya ka na wag ka ng umasa pang magbabalik ako. Lilimutin na kita at hindi ako mabibigo 🎤🎵

- MALAYA KA NA BASTY! KAHIT HINDI PA TOTALLY NAGING TAYO NUON!

Pumalakpak ang mga tao pagkatapos kong kumanta. Nakangiti akong bumaba sa mini stage.

Sa kamalas-malasan nga naman! Ako ang mag-aasikaso sa kanila Basty.

"Hello Mam, Sir. Good morning. Here's the menu" sabay abot sa menu list

Tumingin sa akin si Bianca at tinanong ;

"Waitress ka dito, di ba? Pwede mo bang sabihin kung ano ang specialty niyo dito?" Nakangisi siya!

Talagang pahihirapan ako nang babaeng ito ah!

"Roast beef Shawarma Style with Veggie, Chicken Wings Hot and Spicy, Pandan Chiffon Cake" nakangiti kong sagot sa kanya. Maging si Basty ay namangha at nagulat sa sagot ko dahil agad akong nakasagot

Pagkatapos kong maisulat ang order nila lumapit na ako sa cashier.

"Okay ka lang ba Kisha?" Tanong ni Nathan pagbungad ko

"Oo naman. Bakit naman hindi ako magiging okay, di ba?" Wika ko

"Sabagay" matipid na naisagot ni Nathan

Pagkatapos kong ma-served ang order nila, bumalik ulit ako sa cashier.

"Ang galing mo pa lang kumanta" manghang wika ni Nathan

"Haha. Thanks" Kisha

Napansin kong kinakawayan ako ng mag-syota na una kong costumer kanina kaya nilapitan ko sila

"Sir,?" Tanong ko

"Naghahanap kasi kami ng magiging Author sa ginagawa naming Hugot Story, Baka gusto mo?" Diretsong wika ni Sir

"Hugot Story, ano po yun at para saan 'yun?" Tanong ko ulit

"Base kasi sa kinanta mo parang may pinanghuhugutan ka, ang Hugot Story ay isang Hugot syempre!" Sagot ni Sir

Hugot Story? Ano dawww?

"Paano naman po yun?" Tanong ko

"Mag-iisip ka lang ng hugot mo, hindi siya totally kwento" sagot nung babae

"Pwede po ba kayong magbigay ng example?" Kisha

"Try mo na lang maghanap ng example. Ano, gusto mo bang i-try?" Tanong ni Sir

Nag-iisip ako kung tatanggapin ko ba, wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko di ba?

"Try lang po Sir ah, don't expect anything from me" wika ko

At may binigay siyang card

"That's my card, puntahan mo mamaya yang nasa address na yan. May magtuturo sayong babae kung anong gagawin sa Hugot Story" wika ni Sir

"Sige Sir. Please excuse me for awhile" tumango sila at umalis na ako sa mag-syota

---

TEXT LOVE STORY (Completed)Where stories live. Discover now