Chapter 3

267 5 0
                                    

Second Person POV

Sa Tagaytay, kung saan may business branch sila Harriet at Bela (mother of the two lady).

"Bela tapos ko na itong mga papeles about kanina. Pwede mo nang iabot sa secretary ko" Utos ni Harriet kay Bela at agad naman na sumunod si Bela

"Magkikita pala kami ng asawa ko ngayon Harriet, susunduin niya ako mamaya dito. Ayos lang ba kung mauna akong lumabas ngayon?" Tanong ni Bela

"Oo naman. Sino ba 'yang asawa mo? Hindi ko pa kilala ah" nakangiting saad ni Harriet

"Mamaya ipapakilala kita, mabait siya. Kaso Harriet, 2nd wife lang niya ako. Pero naghiwalay na din naman sila ng una niyang asawa" - Bela

"Buti naman kung ganun, hindi kabet ang kinalabasan mo" - Harriet

"Kaya nga eh" - at lumabas muna si Bela para tingnan ang orasan

At agad pumasok sa opisina nila ni Harriet para yayain nang lumabas. Nasa labas na daw kasi ang kanyang asawa.

Pumayag naman si Harriet at lumabas na sila. Sa may parking lot, may nakatalikod na lalake at alam ni Bela na 'yun na ang kanyang asawa.

"Darling, andito na ako" masayang sabi ni Bela at kapagkwan ay humarap na ang lalake.

Laking gulat ni Harriet nang makilala ang lalake. Ganun din ang reaksiyon ng lalake kay Harriet ..

Yung lalake pala , 'yun pala ang dating asawa ni ..

HARRIET . . .

"Magkakilala na kayo?" Tanong ni Bela habang tinuturo niya si Harriet at Ced

"Kasi anu .. hmpp" hindi matuloy-tuloy na sabi ni Harriet

"Siya ang dati kong asawa" diretsong sagot ni Ced

Maging si Bela ay nabigla at nagulat sa nalaman.

Paano na yan? Hindi pa man din kasal sila Bela at Ced ibig sabihin lumalabas pa rin na . .

"Sorry Bela, lumalabas ka pa rin palang kabet" maiyak na sabi ni Harriet

"Ako kabet? The hell, NO! Magpapakasal kami. Huwag mo na siyang balikan please" lumuhod na si Bela at nakikiusap kay Harriet na wag na niyang balikan si Ced

"Hahaha! Tumayo ka Bela, hindi naman talaga ako makikipagbalikan kay Ced. Ako pa nga ang nakipaghiwalay sa kanya noon eh. At ikaw (turo kay Bela at biglang sinampal) kung hindi dahil sayo buo pa sana ang pamilya ko, edi sana hindi nawalan nang tatay ang anak ko! Ikaw (turo kay Ced at sinampal din) kung hindi dahil sa pambabae mo edi sana hindi tayo umabot sa ganito! Wala na! Sinira niyo na ang buhay namin ng anak ko!" Naiyak na si Harriet dahil sa sobrang sakit!

Aaminin niya hanggang ngayon mahal niya parin si Ced. Kaso huli na ang lahat simula 'nung maghiwalay sila. Hindi na mabubuo ang pinapangarap niyang pamilya.

"So si Bianca, anak niyo?" Biglang tanong ni Harriet

Tumango lang sila Bela at Ced

"Plinano mo ito Bela eh! Pinagsama mo pa yung anak ko at anak mo sa iisang bahay!!" Galit na sabi ni Harriet

"Hindi ko sinasadya yun! Hindi ko naman alam na dati mo siyang asawa eh!" Sagot ni Bela

"Hindi! Plinano mo ang lahat nang ito! Kaya nagsusumbong si Bianca sa akin tungkol kay Kisha,  lahat nang kilos nang anak ko tinitext ni Bianca. Para ano? Para masira din kaming mag-ina?!" Harriet

"Please naman. Pinagtitinginan na tayo oh" sabat ni Ced

"Ngayon ka pa nahiya? Nung nambabae ka hindi ka nahiya?! Yung anak mo palang si Kisha ga-graduate na, nakaya kong palakihin ang anak natin kahit wala ka. Ilang taon na ba si Kisha 'nung umalis ka? 10? Sigurado pati siya magagalit sayo! At masakit sa kanya kapag nalaman niyang kapatid niya sa ama ang kasama niya sa Bahay! Kaya dapat hindi niya malaman!" Mahabang wika ni Harriet

TEXT LOVE STORY (Completed)Where stories live. Discover now