Chapter 7

224 3 0
                                    

HUGOT STORY [LINES/LINYA]

"INLOVE? ALAM KO ANG SPELLING, KASO NAKALIMUTAN KO NA ANG FEELING"

"HABANG MAHAL PA KITA WAG MO AKONG GAWING TANGA, DAHIL PAG AKO NAKAHANAP NANG IBA. IM SORRY TO TELL YOU, NASAAN KA BA NUNG MGA PANAHONG MAHAL PA KITA?"

"HINDI SA LAHAT NANG ORAS KAILANGAN MO NG RELASYON. MINSAN KAILANGAN MO DIN MAPAG-ISA PARA HANAPIN ANG DATING IKAW NA NAWALA NUNG NAGMAHAL KA"

--
"Yan po yung 3 examples na tinatanong niyo Kisha" sabi sa akin nung babae

Pumunta kasi ako dito sa Hugotrabaho na nakalagay sa card ni Sir na costumer ko 'nun sa Resto

"Miss pwede bang palitan ang title? Imbes na Hugot Story gawin na lang natin na Kisha's Line total ako naman yung kinukuhang Author, pwede yun?" Tanong ko sa babae

"Hindi po pwede Kisha kasi madami silang kinukuhang Author, kung sino ang makakapagbigay ng 100 Hugots at maganda ang gawa. Siya ang gagawing Author talaga, parang pick, collect and then choose" paliwanag niya

"Ah ganun ba, sige!"

"Ano Kisha, ililista ko na ba ang pangalan mo?" Tanong niya habang nakahanda na ang ballpen niya

"Sige" at ngumiti ako

--
NATHAN'S RESTAURANT

"Goodmorning Guys!" Hyper kong bati sa mga katrabaho ko

"Morning din, happy ka?" Tanong ni Ronalyn, isa sa mga katrabaho ko na nagiging close ko na

"Medyo. May nagawa na kasi akong 2 hugot" wika ko tsaka ngumiti

"2 pa lang masaya ka na? 100 ang kailangan ah" tanong niya

"Syempre pinapaganda ko bawat iisipin kong hugot! Gusto ko kayang maging sikat na author" saka ko siya kiniliti sa tagiliran

"Yayy, wag jan! May kiliti ako jan! Hahahaha! Mag-ayos na nga tayo ng upuan at mamaya pa'y magbubukas na tayo" saka niya ako hinila sa may mga upuan

"Haha! Anlakas ng kiliti mo ah" wika ko habang inaayos namin ang upuan ng resto. Hindi na sumagot si Ronalyn dahil dumating na si Sir Nathan

"Good morning Sir" bati naming lahat saka tinuloy ang ginagawa namin

"Good morning din. In 10 minutes magbubukas na tayo, be ready. Madami tayong costumers ngayon dahil Linggo ngayon" wika ni Sir

Ayaw ni Nathan na tawagin ko siyang Sir, pero syempre trabaho ito. Respeto man lang sa kanya.

Pagkabukas pa lang namin ay dinumog na kami ng mga tao. Talaga ngang kapag linggo mabenta itong resto. Kalapit niya lang kasi ang Cathedral dito.

Nakakapagod pala! Served dun, served dito. Pabalik-balik ka pa sa costumers at sa cashier. Pero okay lang! Makakaipon din ako.

Balak ko kasi kapag nakaipon na ako, magpapatayo din ako ng sarili kong Restaurant.

Sa ngayon, ang sahod ko sa pagiging waitress ko ay pang-gastos ko lang sa araw-araw. Pangbayad pa sa inuupahan kong apartment. Pero may alkansya ako, dun ako naghuhulog ng 50 sa isang araw.

Sa sobrang pagod ko ngayong araw na'to, nanghihina na ang katawan ko, nangangatog pa mga tuhod ko.

Kaya isinandal ko muna ang katawan ko sa pader at pumikit.

"Kisha, madaming costumers. Anong gagawin mo tutunganga ka na lang jan?" Galit na tanong ni Mam, ang aming branch manager

Bigla akong napamulat. Sh*t! Nakita niya ako!

TEXT LOVE STORY (Completed)Where stories live. Discover now