Sumapit ang araw na pinakahihintay nila Basty at Bianca. Yun ay ang kaarawan ni Basty :)
Naging abala ang lahat ng staff sa resto sa pag-aayos ng mga decorations sa venue.
Ang mga iba ay tumulong sa pagluluto dahil sandamakmak na putahe ang pinaluluto ni Bianca.
Minsan ay nag-uusap na sila Bianca at Kisha, medyo may pagka-ilangan pa din pero tanggap na nila na magkapatid nga sila sa ama.
"Surprise" masayang wika ni Nathan kay Kisha at may binigay na Chocolate at Flowers
Kinilig naman si Kisha sa ginawa ng binata sa kanya. Todo effort talaga ang panliligaw ni Nathan kay Kisha.
Minsan nga may dala-dalang gitara si Nathan at kapag out na nila sa trabaho ay haharanain niya ito sa harap ng mga katrabaho ni Kisha.
Sobrang kinikilig naman ang katrabaho niya. At sasabihing "sagutin mo na yan! Wag ng patagalin pa!"
Napapangiti si Kisha kapag naaalala ang mga ganung moments.
"Thankyou dito Nathan" saka pinakita ang binigay niya
Mahal na mahal talaga ng binata si Kisha, at alam niyang may pag-asa siya sa puso ni Kisha ngayong okay na sa kanya ang relasyon nila Basty at Bianca.
-
-
You are invited to the 21th Birthday of Mr. Basty DomingoTime : 6:30 PM
Where : NATHAN'S RESTAURANT
When : Today
Join us !! Your presence is highly appreciated.
Natanggap ni Tita Bela ang imbitasyon na iyon, at balak niyang pumunta upang makausap si Kisha. Para malinawagan siya at wag ng tumutol sa nalalapit din nilang Kasal ng kanyang Daddy.
At labis-labis ang kanyang pagdarasal na sana pumayag ang dalaga sa pakikiusap niya. Alam niyang mabait na bata si Kisha, tulad ng kanyang Mommy.
--
-
Ala-sais na ng hapon, at pagabi na rin. Maingay ang resto dahil sa malalaking speakers, may kasama pang disco light. Kung titingnan mo ay nag-mistulang itong parang bar.Sa gilid ay nanduon ang ibang staff, umaalalay sa mga paparating na bisita.
Ala-sais pa lang ay madami ng tao, kwentuhan dito, kwentuhan duon.
Puro mga dalaga't-binata ang karamihan at mangilan-ngilan lang ang mga matatanda. Sabagay ay Binata naman ang may birthday.
Pagsapit ng 7PM ay dumating na ang birthday celebrant kasama ang kanyang girlfriend na si Bianca.
Kamustahan dito, kamustahan duon.
Umakyat na ang mga Emcee ..
Walang iba kundi sila Kisha at Nathan."Good evening po sa ating lahat" masayang bati ni Nathan sa mga tao
Sumagot naman ang mga tao, yung iba ay ngumiti lang.
Dahil sila Nathan at Kisha ang emcee ay may naisip silang pakulo para hindi masyadong boring ang party.
Pinakain muna nila ang mga bisita upang mas lalong ganahan sa party.
Habang kumakain sila Nathan at Kisha sa mini stage ay lumapit sa kanila si Tita Bela.
"Kisha" matipid na tawag ng Ginang
Nagulat naman si Kisha sa di inaasahang paglapit ng Ginang
"Saglit muna ah" At nagpaalam muna si Kisha kay Nathan bago siya makipag-usap kay Tita Bela, tumango naman ang binata
YOU ARE READING
TEXT LOVE STORY (Completed)
Teen FictionCan TEXT LOVE STORY turns into REAL LOVE STORY? Let's find out! -Annelicious8 ♡