Chapter 3: First Encounter

19 2 0
                                    

Nang makarating na sina Mica at ang kanyang ina sa eskwelahang papasukan niya, agad silang pumunta sa Guidance Office upang kunin ang I.D, schedule, at ang classroom ni Mica. Medyo kinakabahan nga ang dalaga dahil marami ng estudyante ang pumasok.

"Mrs. Dela Torre, tama po ba?" tanong ng guidance councellor habang hinahanap ang mga papeles ni Mica. "Heto. Sa loob ng paperbag, nandito ang kanyang I.D at schedule ng kanyang klase. Sa 12-C nga pala siya na klase. Matatagpuan po 'yun sa senior high building sa ikatlong palapag."

"Salamat po. Mauna na po kami."

Nang makaalis na ang mag-ina sa opisina ay agad nilang hinanap ang senior high school building. Hindi naman sila nahirapan sa paghahanap dahil may mga estudyanteng dumadaan na maaari nilang pagtatanungan.

Nang makarating na sila sa senior high school building ng eskwelahan ay sa bawat pagtapak ni Mica sa hagdan ay unti-unti ring bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Sari-saring mga tanong ang bumabagabag sa kanyang isipan.

Paano kung ayaw sa'kin ng aking mga kaklase dahil hindi ako makapagsalita?

Nang makarating na sila sa classroom ay kinakabahan na talaga si Mica. Bago pa man siya pumasok sa loob ay may pinayuhan siya ng kanyang ina sa mga iilang bagay, kabilang ang paglagay ng bakanteng notepad sa kanyang bulsa at hindi magpapaapekto sa mga negatibong sinasabi ng kanyang mga kaklase.

Nagpaalam na ang kanyang ina sa kanya at pumasok na rin siya sa loob. Sa pag-upo niya sa isang bakanteng upuan ay unti-unting tumatahamik ang mga kaklase niya hanggang sa pinagtitinginan na siya.

"Transferree ka ba?" tanong ng isang babaeng maiksi ang buhok na hanggang balikat at hawak-hawak ang kanyang kinakaing lollipop.

Tumango lamang si Mica. May lumapit naman sa kanya na babae kaya nahihiya tuloy siya. "Ano ang pangalan mo?"

Magsusulat sana siya sa notepad pero bigla niyang pinakita sa kanila ang kanyang I.D na suot-suot niya ngayon. "Micaella dela Torre? For sure, ang yaman-yaman niyo. Ba't hindi ka nagsasalita? Pipi ka ba?"

Natigilan si Mica sa kanyang tanong. Ayaw naman niyang sabihin agad-agad na hindi siya makakapagsalita. Magtatanong pa sana ang babae nang biglang may pumasok na guro sa kanilang classroom kaya napatayo ang lahat upang bumati maliban kay Mica.

"Good morning Miss Mahinhin!"

"Good morning class. Take your seat." Umupo naman ang lahat. "Now, before we'll continue our new topic, we have a new comer in the class. Please come here in front, Micaella dela Torre."

Biglang kinabahan si Mica pero wala siyang ibang magagawa kundi ang pumunta sa harap at tumayo sa harapan ng klase.

"Her name is Micaella dela Torre but you can call her Mica," pagpapakilala ni Miss Mahinhin sa kanyang estudyante. "She has a condition which makes her unable to speak, and that's the reason why she's homeschooled."

Biglang umusbong ang mga bulung-bulungan ng klase, dahilan upang mag-panic si Mica sa gitna. "She's already in senior high school but she's still fifteen."

Sabay na nagulat ang lahat at ang iba pa nga ay hindi naniniwala dahil madalas kasing binibiro ng guro ang klase. "Talaga ma'am? Pakita nga ng birth certificate niya?"

Dahil umiingay nang umiingay ang buong klase, agad na nilabas ni Mica ang notepad na galing sa kanyang bulsa saka ito sinulatan at ipinakita sa lahat.

'Totoo ang sinabi ni Ma'am.'

Binasa naman ito ng buong klase at tumahimik saglit, saka nagbulung-bulungan. Ang iba, sadyang pinalakas ang kanilang mga boses para iparinig sa bagong kaklase.

How Can I Say...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon