"Kaibigan?"
Umiling si Mica at nagsulat ng mga salita sa notepad. 'Tao! Hay nako, ba't ang hirap mong turuan?' Nang ipinakita niya ito ay may kasama pang kunot sa noo.
"Ito naman, walang pasensya. Ang hirap kaya ng tinuturo mo," depensa ni Dalton kaya napairap lang si Mica.
Kasalukuyan silang nasa conveniece store dahil tapos na ang klase. Lumipas na rin ang dalawang linggo pero hindi pa rin umasenso sa pag-aral si Dalton kaya naaasar na si Mica. Nasa basics pa rin sila ng pag-aaral at kung minsan ay napapatigil sila dahil sa mga mahihinang lindol.
Nang makita ni Dalton ang naiinis na mukha ni Mica, hindi niya maiwasang ngumiti at pisilin ang mga pisngi ng kaibigan. "Ang cute mo talaga 'pag naiinis."
Mas lalong kumunot ang noo ni Mica at pinitik ang binata sa noo kaya napabitaw siya sa pagpisil. "Aray naman. Akala ko ba mala-Maria Clara ka? Amazona ka pala."
Sumenyas na naman si Mica. 'At akala ko ba gusto mong matuto? Slow-learner ka ba talaga?'
"Anong slow-learner! Heto naman, masyadong judgemental."
Nagulat si Mica sa naging reaksyon ni Dalton at si Dalton naman ay napatigil nang ma-realize kung ano ang mga nasabi niya. Dahil doon, hinahampas-hampas ni Mica ang kasama kaya agaw-atensyon sila sa buong store.
'Niloloko mo lang pala ako! Marunong ka na palang magbasa ng sign language!' Senyas muna ni Mica at pinatuloy ang paghampas kay Dalton
"Aray! Gusto lang naman kitang makasama ng madalas kaya ko ginawa 'yun."
Napatigil si Mica at inayos naman ni Dalton ang pagkaupo sa kanya. Nanaig ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa kaya napatingin sa malayo si Mica, maiwasan lang ang mga tingin ni Dalton.
"Huwag mo sanang masamain 'yon. Ikaw palang kasi 'yung unang kaibigan ko," pagpapaliwanag ni Dalton sa dalaga. "Ikaw 'yung kaibigan kong kinaibigan ako dahil ako 'yung ibang Dalton. Hindi 'yung Dalton na nakikita ng lahat."
Muling tumingin si Mica sa kasama at ngumiti. Magkaiba man sila, may iisang bagay na parehas sila na hindi nila alam kung paano gagawin.
Ang paano sasabihin ang kanilang tunay na nararamdaman.
***
Mag-isang naglakad si Mica sa hallway. Galing kasi siya sa canteen upang bumili ng maiinom at binilhan din niya si Dalton, na mahimbing na natutulog sa kanyang desk.
Habang naglalakad, hinarangan siya ng grupo ng mga estudyante. Mga kaklase niya lang pala. Magsusulat sana siya sa kanyang notepad ngunit may mga dala siya sa kanyang kamay.
"Kawawa mo naman," sabi ng babaeng nasa gitna. "Hindi na nga makapagsalita, nanginginig pa. Huwag kang matakot, hindi ka namin sasaktan."
Napaatras lamang si Mica habang papalapit naman ang limang estudyabte hanggang sa pinapalibutan siya. "Kayla, you know what to do."
Tumango ang babaeng nagngangalang Kayla at nilabas na ang kanyang phone mula sa kanyang bulsa at nagsimulamg kumuha ng video sa kanyang mga kasamahan.
"Hi viewers! Ipinakikilala ko nga pala si Micaella de la Torre," lumapit ang babae kay Mica at inakbayan. "Mica, say 'hi' to the viewers."
Pilit na kumawala si Mica mula sa pagkakaakbay ng kanyang kaklase pero mas malakas pa ito sa kanya. "Oo nga pala, hindi siya nakakapagsalita. Mabuti nalang at hindi ka rin bingi, 'no?"
"Alam mo, bakit ka pa ba nag-aaral dito? Hindi ba pipi ka? Isa ka lang malaking abala ng eskwelahan."
"In other words, wala kang silbi."
Tumawa nang malakas ang mga kasamahan niya pati na rin ang mga estudyanteng nakiusyoso sa kanilang anim. Napayuko lang si Mica at pilit na hindi ilabas ang mga luhang nasa kanyang mga mata.
"Ang pangit mo kasi kaya ayaw ka na namin maging kaibigan!"
"Mabuti nalang na mamamatay ka kaysa sa makasama kita!
"Mamatay ka na nga!"
Biglang lumitaw sa kanyang utak ang mga alaalang pilit niyang kinalimutan. Nang maalala na naman niya ito, pilit niyang kinawalan ang kanyang sarili at tumakbo palayo sa mga estudyante.
Hindi niya alam kung saan siya dinadala ng kanyang mga paa. Takbo lang siya ng takbo. Kahit na naririnig na niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso, kahit pinagpawisan na siya kasabay ang pagragasa ng kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata.
Nakita niya ang kanyang sarili sa rooftop. Pagtapak pa lang niya ay naramdaman niya ang hanging tila nakisimpatya sa kanya. Hindi pa rin tumitigil sa pagtulo ang kanyang mga luha hanggang sa napaupo siya sa sahig.
Sa classroom naman, biglang nagising si Dalton nang tumunog ang school bell. Biglang nagsiupuan ang mga estudyante sa kanilang mga upuan ngunit hindi pa rin niya nakikita si Mica. Hanggang sa matapos na ang kanilang klase pero ni anino ng kanyang kaibigan ay hindi niya makita.
Hinintay niya ang muling pagtunog ng school bell at nang tumunog na ito, agad siyang tumayo at nagmamadaling lumabas ng classroom dala ang kanyang bag kahit hindi pa nagpapaalam ang kanilang guro. Basta nalang siyang tumakbo palabas.
Tumakbo siya nang tumakbo sa mga lugar na maaaring puntahan ni Mica. Pumunta siya sa school field, library at maski sa C.R ng mga babae kaya nakatikim siya ng mga nakakabinging sigaw ng mga babaeng nasa loob.
Tumakbo rin siya sa hagdanan pataas hanggang sa makarating siya sa rooftop. Doon siya tumingin sa buong eskwelahan kung saan nga talaga si Mica pero hindi niya talaga nakita ang dalaga.
Mica, nasaan ka na ba? Nag-aalalang sabi ni Dalton sa kanyang ulo. Sandali siyang napaupo sa sahig at tila hinahabol ang kanyang hininga.
Biglang sumagi sa kanyang isipan ang tambayan nilang dalawa. Ang convenience store. Agad na siyang tumayo at muling tumakbo pababa at lumabas na ng eskwelahan.
Nang dumating na siya ng convenience store, walang ibang tao ang nasa loob...kundi siya lang. Mag-isa lang siyang kumakain ng cup noodles habang nakatingin sa tanawin sa labas ng bintana.
Pakiramdam ni Dalton ay nabunutan siya ng tinik sa kanyang dibdib. Gumaan ang kaniyang pakiramdam nang makita niyang ligtas ang babaeng binabantayan niya, ang kanyang tinuturing na kaibigan.
"Mica..."
Sandaling natigilan si Mica sa pagsubo nang marinig niya ang kanyang pangalan. Lumingon siya nito, at bahagyang nagulat dahil nakita niyang nag-iisa lamang ito.
Hindi na nagdalawang-isip si Dalton at agad na pumunta sa direksyon ng dalaga at niyakap ito ng mahigpit. Nagulat naman si Mica sa naging aksyon ng binata pero niyakap pa rin niya ito pabalik.
"Alam mo bang nag-aalala ako sa'yo nang hindi ka pumasok? Nandito ka lang pala," bulong ni Dalton kay Mica habang niyayakap niya ito.
"Simula ngayon, hindi na kita hahayaang mawala muli. Hinding-hindi kita papakawalan hanggang sa huli."
BINABASA MO ANG
How Can I Say...
Kısa Hikaye"They may be different, but there's something in common between them if you just look closely." Si Micaella de la Torre ay isang babaeng galing sa isang maykayang pamilya. Nasa kanya na ang halos lahat, pero may isang bagay ang wala sa kanya: Ang ka...