Ilang segundo ang lumipas, tumigil na rin sa wakas ang pagyanig ng lupa.
Inipon ni Mica ang kanyang buong lakas upang makatayo, at makalakad. Kailangan niyang makita si Dalton, at masiguradong ligtas siya. Siya lang ang kanyang kakampi sa magulong mundo na ito, at hindi niya ito hahayaang mawala sa kanya.
Iniinda niya ang sugat sa kanyang tuhod, dulot ng pagkatumba siya sa lupa. Mabilis siyang naglakad, na parang sinasabayan niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Isang lugar lang ang alam niyang maaaring nandoon si Dalton.
Ang convenience store.
Habang naglalakad, katulad sa kanyang napanaghinipan, nagkakagulo ang mga tao. May mga gumuhong estraktura, mga bitak sa kalsada, at mga umiiyak na mga tao habang hinahanap ang kanilang mga mahal sa buhay. Napatigil siya sa kanyang mga paa nang makita niya ang itsura ng convenience store.
Gumuho ito.
Agad siyang lumapit dito at pilit na hinahanap si Dalton mula sa mga bumagsak na konkreto. Umiiyak na siya, nang maisip niya kung nasa ilalim ba talaga si Dalton sa mga bumagsak na konkreto.
Wala siyang pakialam kung dumudugo na ang kanyang mga kamay. Wala siyang pakialam kung siya mismo ay nasusugatan. Basta't mahanap niya lang si Dalton, ayos lang sa kanya ang mga sugat.
"Dal...ton..."
Sa kanyang pag-aalala, hindi na niya namalayan na ang mga salitang 'yon ay galing sa kanyang bibig.
"Dal...ton...na...sa...an...ka...na..."
Pakiramdam niya'y unti-unting sumisikip ang kanyang dibdib. Biglang nawala ang kanyang lakas at basta nalang umiyak nang umiyak. Mas masakit pa ang kanyang nararamdaman sa kanyang dibdib kaysa sa kanyang mga sugat.
"Mi...ca."
Agad na inangat ni Mica ang kanyang ulo at nakita si Dalton na nasa ilalim ng malaking bitak ng konkreto. Biglang bumuhos ang mga luha niya nang makita ang kanyang sitwasyon. Lumapit ito sa kanya at pilit na inalis ang konkreto gamit ang kanyang buong lakas.
"Huwag...kang...u...miyak." Bakas sa boses ni Dalton ang hirap at sakit na kanyang nararamdaman. "Ala...gaan mo si Mama..."
Hindi ka mamamatay! Umiling lang si Mica sa kanyang sinabi.
"Hu...wag...kang...ma...takot...na...sabi...hin...ang...tu...nay...mong...nararam...daman..." Ngumiti si Dalton sa kanya. "Nakaka...pag...sali...ta...ka...na...."
"Dal...ton..."
***
Isang taon na ang lumipas nang lumindol sa siyudad na siyang nakasira sa mga buhay ng nawalan ng tirahan at mga mahal sa buhay. Pero unti-unti nang bumabangon ang siyudad. May mga naiwan pa rin ang lindol na nakakapagpaalala sa mga nasawi, nanatili lamang ito na isang alaala mula sa nakaraan.
Nagising na lamang si Mica sa kanyang kama nang tumama ang sinag ng araw sa kanyang mukha. Isang ngiti ang nakadikit sa kanyang mga labi at bumangon na sabay ng pag-unat sa kanyang mga braso.
Isang taon na rin ang lumipas simula nang unang beses na nakapagsalita siya sa harapan ni Dalton. Ilang linggo ang lumipas, nagpakonsulta sila ng kanyang ina kay Dr. Guinas na natuwa rin sa magandang sign ng pagbalik sa kanyang boses.
Hanggang ngayon ay nagpatuloy pa siya sa kanyang therapy upang tuluyan na siyang masanay na makakapagsalita. Nakapagtapos na rin siya sa kanyang eskwelahan at nag-enroll sa isang sikat na unibersidad sa kanilang siyudad.
BINABASA MO ANG
How Can I Say...
Cerita Pendek"They may be different, but there's something in common between them if you just look closely." Si Micaella de la Torre ay isang babaeng galing sa isang maykayang pamilya. Nasa kanya na ang halos lahat, pero may isang bagay ang wala sa kanya: Ang ka...