Chapter 9: Take Care of Her

9 2 0
                                    

"Matagal na kitang gusto."

Pabalik na si Mica sa kanyang classroom pero hindi pa rin niya maalis sa kanyang isipan ang sinabi ni Frank. Hindi na sumabay si Frank sa kanya at nagpaiwan na lamang sa rooftop.

"Simula pa lang noon, gusto na kita."

'Pero...bakit ako?'

"Ano?"

'Bakit sa lahat ng babaeng may mala-anghel na boses, bakit ako?'

Naalala niya bigla ang kanyang malungkot na mukha.

'Dahil naiiba ka sa kanila.'

Hindi na namalayan na nasa classroom na pala siya. Mabuti nalang at hindi pumasok ang kanilang subject teacher kaya maingay na naman ang classroom. Dumiretcho na siya sa kanyang upuan at sinubsob ang mukha sa ibabaw ng kanyang desk.

***

"Micaella..."

"Bakit?"

"Basta't tandaan mo, magiging kaibigan mo ako hanggang sa huli."

Dahan-dahang binuka ni Mica ang kanyang mga mata at sinalubong ng liwanag mula sa labas. Umayos na siya sa pagkaupo at nakita niyang wala na ang kanyang mga kaklase. Maging si Frank, hindi pa rin bumabalik hanggang ngayon.

"Mukhang maganda ang tulog mo a." Biglang nagsalita si Dalton sa kanyang tabi na may kasamang ngiti.

Nakatulog pala ako? Naalala niya bigla ang kanyang sarili na hindi makatulog dahil sa impormasyong nakuha kagabi. Pero hindi na siya sumenyas muli.

"May baon ka bang lunch? Kumain na tayo."

Si Dalton na mismo ang lumabas sa lunchbox ni Mica at nilapag ito sa kanyang desk. Bago kumain, nagdasal muna sila. Habang kumakain, nasa isipan pa rin ni Mica kung kailangan ba niyang sabihin sa kaibigan ang tungkol sa kanyang nanay.

Alam niyang wala siyang karapatang makialam pero bilang kaibigan ni Dalton, dapat malaman na ni Dalton kung nasaan ang kanyang nanay. May karapatan siyang makita muli ito, kahit na may bahid siya ng pagtatampo nito.

"Hindi ka ba kakain?"

'Hindi mo ba nami-miss ang nanay mo?'

Sa senyas ni Mica ay napatigil si Dalton na naging seryoso ang kanyang mukha. Umiwas siya ng tingin at tinuon ang atensyon sa kanyang pagkain.

"Bakit ko naman siya nami-miss? Iniwan niya ako at wala na akong panahong umasa na mahahanap niya ulit ako."

Liar. Bakas sa boses ni Dalton ang lungkot at sakit dahil naulila siya sa pagmamahal ng kanyang nanay. Kailangang gawin ito ni Mica para sa kanilang dalawa ni Dalton at Manang Roselita.

'Gusto mo bang pumunta sa bahay?'

Napakunot ng noo si Dalton. "Kanina lang, tinatanong mo kung nami-miss ko ang nanay ko, tapos ngayon tatanungin mo kung gusto kong pumunta sa bahay niyo?"

Ngumiti si Mica. 'Gusto lang kitang ipapakilala sa mga kasama ko sa bahay, bilang kaibigan ko.'

Napangiti si Dalton. "O sige. Libre naman ang pagkain doon."

How Can I Say...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon