Lumipas na naman ang mahahabang oras ng klase hanggang sa matapos ito. Katulad sa mga nagdaang araw, agad na nagsitayuan ang mga estudyante sa kanilang mga upuan at isa-isang lumabas ng kanilang classroom upang umuwi na o gumalagala.
Niligpit na rin nila Dalton at Mica ang kanilang mga gamit at pinasok ito sa kanilang mga bag. Nang handa na silang umuwi ay lumabas na sila ng classroom at bumaba ng building.
Habang naglalakad ay napansin ni Mica na tila malalim ang iniisip ng binatang kasama niya. Muli niyang nilabas ang kanyang notepad saka ito sinulatan at pinakita kay Dalton.
'Malungkot ka ba?'
Napakunot ng noo si Dalton. "Saan mo naman napulot 'yang tanong mo?"
'Wala lang. Napansin kong seryoso ang mga tingin mo. Subukan mo kayang ngumiti.'
Pinakita ni Mica ang kanyang pinakamalaking ngiti kaya napatawa ng bahagya si Dalton. Imbis na sumulat ay sumenyas siya na, 'Ayan! Napatawa kita!'
Doon, unang naintindihan ni Dalton ang dalaga na hindi ginamit ang kanyang notepad. "Sige na, umuwi na tayo," sabi niya pero nahihiya pa rin siyang ngumiti.
Nagpasya silang dalawa na maglakad ulit patungo sa bahay ni Mica. Ngayon, wala kasing masyadong traysikel dahil maraming mga estudyanteng nag-aabang na makasakay dito. Sandaling tumigil si Mica sa paglalakad at humarap sa isang conveniece store na malapit sa eskwelahan.
Napansin ito ni Dalton at napatingin rin sa harap ng store. "Gusto mong kumain d'yan? Libre kita."
Ngumiti si Mica at agad na tumango. Nang pumasok sila ay agad silang namili ng dalawang burger, isang malaking fries, at dalawang softdrinks. Pumwesto naman sila sa mesang malapit sa bintana.
Habang kumakain ay pinagmasdan lang nila ang mga taong naglalakad lang sa sidewalk na ni walang bakas ng ngiti sa kanilang mga mukha. Pinagmasdan lang ni Mica kung paano sila maglakad, bitbit ang kalungkutan sa kanilang mga balikat.
"Maaaari ba kitang matanong kung..." Binasag na ni Dalton ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. "...bakit ka ba nag-aral sa isang eskwelahan kung homeschooled ka?"
Bahagyang natigilan si Mica sa kanyang tanong pero ningitian niya ito at nagsulat na naman sa kanyang notepad.
'Kung sakaling bumalik na ang boses ko.'
Napangiti si Mica ng mapait at binalikan ang tingin sa labas. Hindi na muling nagtanong si Dalton tungkol sa kondisyon ng kanyang kasama pero nagulat nalang siya nang inabutan siya nito ng isang notebook na may itim na pabalat.
Binuksan naman niya ito at nakita niyang isa itong journal na sinulat ni Mica. Mula pa itong thirteen years old siya, hanggang ngayon ay buhay pa rin ito.
"Gusto mo bang basahin ko ito?"
Tumango ito sa kanya pero pinasok ni Mica ang journal sa bag ni Dalton. Ngumiti ito sa binata at binalik ang tingin sa labas ng bintana habang kumakain. Nang maubos na ang kanilang biniling pagkain ay nagyaya na si Dalton na ihatid si Micas sa kanila at lumabas na ng store.
Sa paglabas nila ay agad na pinutol ang komedyang program sa telebisyon ng store at bilang sumingit ang isang news report. Makikita sa T.V screen ang isang lalaking nakasuot ng formal attire.
"Isang 2.6 magnitude na lindol ang yumanig sa lupa kaninang tanghali sa bandang alas-dose. Wala namang naitalang naaksidente o nasira na mga imprastratura." Ito ang sabi ng lalaki sa balita.
"Ayon sa PHIVOLCS, posibleng may mga paparating pang mga lindol na mas malakas pa sa kanina. Paalala lang sa mga kababayan nating palaging mag-ingat, huwag mag-panic. Ito po si..."
***
Sumapit na ang gabi at nakauwi na rin si Dalton sa kaniyang bahay at dumiretcho lang sa kanyang kwarto, hindi na nag-abalang bumati ng magandang gabi ang kanyang kasama na si Principal Marion.
Nagpalit na rin siya ng damit at binagsak ang sarili sa kama. Habang nakatitig sa kisame, agad na pumasok sa kanyang isipan ang journal na binilin ni Mica sa kanya. Agad niyang kinuha ito mula sa kanyang bag na nasa kanyang tabi lang, at pinagmasdan muna ang pabalat.
Nang buksan niya ito, bumungad sa kanya ang unang pahina na may litrato ni Mica sa bata pa siya. Hindi katulad ngayon, may ngiting nakadikit sa kanyang mukha at yakap-yakap ang isang malaking teddy bear.
Anim na taong gulang pa lang siya sa litrato at makakapagsalita pa. Isinulat niya sa kanyang journal na namimiss na niya ang mga araw na makakapagsalita siya, makakapagkanta siya at makakapaglaro sa mga kaibigan niya. Pero hanggang sa isang araw, bigla nalang nawala ang kanyang boses.
Hindi niya maalala kung kailan pero nung hindi na siya makapagsalita, nagbago ang pananaw niya sa mundo. Kasabay ng paglaho ng kanyang boses ang paglaho ng kanyang mga ngiti at tawa. Nagkulong na rin siya sa kanyang kwarto, umiiyak ng palihim at tanging ang kanyang teddy bear lang ang nakakapagtahan sa kanya.
Simula noon, may kinuha ang kanyang mga magulang ng private tutor at sa loob lang siya ng bahay nag-aaral at nakapagtapos ng elementarya at junior high school. Habang nakikinig sa usapan nf kanyang ina at ang kanyang doktor, may isang bagay na nakapagngiti sa kanya ng bahagya.
Ang makapag-aral sa isang eskwelahan.
Ang makalayo sa kanilang bahay na kung saan matagal na siyang nakakulong ay nakapagaan sa loob ni Mica. Pakiramdam niya, siya si Rapunzel na hindi makapagsalita na matagal nang nakakulong sa tore.
Babasahin na sana ni Dalton ang pinakahuling naisulat ni Mica sa kanyang journal pero nang makita niya ang kanyanf pangalan ay agad niya itong binasa.
Nakilala ko si Dalton Domingo, isang napakapasaway kong kaklase na nagkataon namang siya ang magbabantay sa akin sa eskwelahan.
Imbis na lumipat sa kabilang pahina, binasa niya ang isang entry ni Mica na may pangalan niya. Napangiti pa ito nang mabasa niya ang tingin ng dalaga sa kanya ay basagulero at walang pakialam sa mundo.
Pero kahit na ganun siya sa labas, mabuti pa rin ang kanyang puso. Mararamdaman ko 'yon.
Napatigil si Dalton nang mabasa niya yon. May naramdaman siyang kung anong tumagos sa kanyang puso. Ngayon niya lang itong naramdaman, ang pahalagahan ka hindi dahil natatakot sila sa'yo kundi ay kinilala ka nila bilang isang kaibigan.
***
Kinabukasan, sinadyang pumasok ni Dalton ng maaga upang mas mahaba pang makasama si Mica sa buong araw. Sa pagdating niya sa campus gate ay agad niya itong nasalubong na kakababa lang sa kotse nila.
Nang makaalis na ang kotse saka palang siyang lumapit dito at binati ng magandang araw.
"Good morning Mica!" Nakangiting sumalubong si Dalton sa dalaga. "Heto nga pala ang journal mo. Salamat nga pala."
Kumunot ang noo ni Mica, pero naintindihan naman ito ni Dalton. "Wala naman. Tara na, dapat tuturuan mo pa ako ng sign language upang hindi ka na magsulat sa notepad mo kung mag-uusap tayo."
Ngumiti si Mica nang marinig niya ang sinabi ng kanyang kaibigan. Habang naglalakad patungo sa school building ay agad na hinalikan ng dalaga ang kanang pisngi ni Dalton.
'Isa ka talagang tunay na kaibigan.' Senyas ni Mica at nauna nang naglakad at hinayaan si Dalton na gulat na gulat.
-^-
BINABASA MO ANG
How Can I Say...
Short Story"They may be different, but there's something in common between them if you just look closely." Si Micaella de la Torre ay isang babaeng galing sa isang maykayang pamilya. Nasa kanya na ang halos lahat, pero may isang bagay ang wala sa kanya: Ang ka...