'Hey.'
Hinawakan ni Mica ang braso ni Dalton dahilan ng kanyang pagtigil sa paglalakad. Kasalukuyan silang naglalakad patungo sa bahay ni Mica upang ihatid ni Dalton ang dalaga.
"Bakit?"
Makikita sa mukha ni Mica ang pagdadalawang-isip kung sasabihin ba niya o hindi. Umiling siya sa huli, at napabuntong-hininga kasabay ang paglakad niya. Napansin naman ito ni Dalton kaya agad niya itong nilapitan.
"Mica," tawag nito. "May problema ba?"
Muling napabuntong-hininga si Mica at agad na nilabas ang kanyang notepad mula sa kanyang bulsa pati ang kanyang ballpen. Imbis na gumamit ng sign language ay mas pinili niyang isulat ang gusto niyang sabihin kay Dalton.
'Answer this honestly. Gusto mo ba talaga akong kasama o napipilitan ka lang?'
Napakunot ng noo si Dalton nang mabasa niya iyon. "Ano bang sinasabi mo? Oo syempre!"
Napa-pout siya at gumamit na ng sign language. 'Totoo ba 'yang sinasabi mo o nagsisinungaling ka?'
'Bakit naman ako magsisinungaling sa'yo?' Gumamit na rin ng sign language si Dalton upang makumbinse ang kasama. 'Bakit? May nagsabi ba sa'yo ng ganyan?'
Umiling si Mica. 'Kaya ako hindi pumasok dahil pinagtripan ako ng mga kaklase natin.'
Biglang naramdaman ni Dalton ang pagkainis at galit dahil sa narinig. Ngayon, binu-bully na nila ang walang kalaban-laban na si Mica?
'Ganito siguro ang mga tao. They think they're too big than others, so they'll step on them. Nakakalungkot na ang mundo, punung-puno na sa mga ganitong tao.'
Naramdaman ni Dalton ang pait at sakit na nararamdaman ni Mica. Nakikita niya ito sa kanyang mga mata. Her words had a great impact in his heart.
Ang mundo ay punung-puno nga ng mga masasamang tao. Pumapatay sila dahil sa mga bagay na akala niya'y importante pero kapag namatay tayo ay hindi naman natin 'yon madadala kasama natin. Tinatapakan nila ang iba na mas mababa sa kanila upang sila ay umangat sa taas.
Ang tao ay makasarili. Pati na rin ang paggawa ng kabutihan sa iba ay makasarili rin dahil alam natin na ito'y babalik din sa atin.
Isang mapait na ngiti ang pinakita ni Mica kay Dalton.
'May mga bagay talagang sarili mo lang ang nakaintindi.'
Naglakad ulit sila ng tahimik. Hindi maulap ngayon kaya nagsisilbing ilaw nila ang mga bituin at ang malaking buwan sa kanilang dalawa maliban sa mga poste ng il5aw. Tinitignan nila ang mga bituin na tila mga alitaptap na nasa langit.
Dahan-dahang inabot ni Dalton ang kamay ni Mica at hinawakan ito. Bahagyang nagulat si Mica sa ginawa ng binata pero ningitian siya nito.
Nararamdaman niya ang pagtibok ng kanyang puso, pati ang pagdaloy ng kuryente mula nung hinawakan ni Dalton ang kanyang kamay. Ano ba itong nararamdaman niya?
***
Pag-uwi ni Mica ay dumiretcho siya sa kanyang kwarto at nagpalit na ng damit. Pagkatapos niyang magbihis ay napatingin siya sa kanyang kwartong punung-puno ng mga libro, stuffed animals, at kulay pink na gustung-gusto niyang kulay.
Pero kahit na punung-puno ito ng mga gamit na gusto niya ay pakiramdam pa rin niyang isa itong silid na walang laman. Blanko at madilim. Sa kanyang paa ay may tubig, na maaaring tumaas at lamunin siya nito ng buhay.
She may be unable to speak, but she's screaming inside.
Lumabas na siya ng kwarto at dumiretcho sa kusina, kung saan niya nakita si Manang Roselita na may tinitignang larawan. Makikita sa kanyang mga mata na malungkot niyang pinagmasdan ang larawan at kulang na lang ay iiyak na siya.
Kumatok si Mica sa mesa na dahilan ng pagkagulat ng kasambahay. Kaagad niyang tinago ang larawan sa kanyang bulsa at ngumiti sa dalaga.
"Nandyan ka na pala Mica," sabi nito. "Nagugutom ka ba? Gusto mo bang mauna nang kumain?"
Tinuro ni Mica ang bulsa na kung saan nandoon ang larawan. "A, heto?" Lumapit si Manang Roselita sa dalaga at dahan-dahang nilabas ang larawan. Pinakita niya ito sa kanya.
Isang batang lalaki ang makikita sa larawan na nakangiti ng malaki na may bitbit na malaking lollipop. Hindi naiintindihan ni Mica pero pakiramdam niya na pamilyar sa kanya ang lalaking nasa larawan.
"Anak ko siya."
Nagulat si Mica sa sinabi ni Manang Roselita, at napalingon siya nito. Makikita sa kanyang mga mata ang lungkot na nadarama niya. "Naghiwalay kami ng kanyang ama. Nasa kamay siya ng kanyang ama habang nasa akin naman si Katrina. Simula noon, wala na akong balita sa kanila."
Nagsulat si Mica sa kanyang notepad kung ano ang pangalan ng bata na nasa litrato. Mas nagulat siya nang marinig niya ang isang pamilyar na pangalan.
"Siya si Dalton, ang aking anak."
***
Parang wala sa sarili si Mica sa pagpasok niya sa eskwelahan kinabukasan. Hindi niya makakilos ng matino. Nakaupo lang siya sa kanyang upuan, habang nakatingin lang deretcho sa harapan. Napansin naman ito ni Frank kaya niya ito tinawag.
"May problema ka ba Mica?"
Umiling ito sa kanya at ngumiti. Hindi niya maaaring ipagkalat ang impormasyong nakuha niya, lalo na't tungkol ito sa kanyang kaibigan na si Dalton.
Napatingin si Mica sa natutulog na Dalton sa kanyang tabi. Nag-aalala ito para sa kanya. Pinagmasdan niya lang ang kanyang mukhang natutulog na parang bata. Biglang sumagi sa kanyang isipan ang batang lalaki sa litrato.
Paano ko bang sabihin sa'yo na alam ko na kung nasaan ang nanay mo? Isip ni Mica. Magiging masaya ka ba? O magagalit kapag nakaharap mo na ang iyong nanay?
Nakita naman ni Frank na nakatingin lang si Mica kay Dalton. Biglang sumagi sa kanyang isipan ang isang alaala na matagal na niyang binaon sa limot. Noon, ang kanyang gustong babae ay nakatingin sa gusto nitong lalaki.
Hindi na siya nakapagpigil at agad niyang hinawakan ang kamay ni Mica at agad silang naglakad patungo sa rooftop. Nang makarating na sila sa rooftop, agad na binitawan ni Frank si Mica at hinarap ito.
'Bakit mo ba ako dinala dito?'
'Gusto mo ba si Dalton?'
Natigilan si Mica sa tanong ni Frank. Ni hindi siya makagalaw o sumenyas. A-Ano ang ibig niyang--
'Siya lang ba talaga ang nakikita mo?'
Ngayon niya lang nalaman ang ibig sabihin ng kanyang mga nararamdaman kay Dalton. Maaari bang gusto niya ito, o baka dahil sa malapit niya itong kaibigan?
-^-
BINABASA MO ANG
How Can I Say...
Nouvelles"They may be different, but there's something in common between them if you just look closely." Si Micaella de la Torre ay isang babaeng galing sa isang maykayang pamilya. Nasa kanya na ang halos lahat, pero may isang bagay ang wala sa kanya: Ang ka...