Chapter 5: Shaking of the Ground

21 1 0
                                    

Dalawang linggo na ang lumipas simula nang pumasok si Mica sa eskwelahan. Dalawang linggo na rin niyang nakukwentuhan si Frank at nabubwisit kay Dalton sa kanyang mga nakakainis na sinasabi.

Maagang pumasok si Mica sa eskwelahan na hinatid naman ng kanyang ina. Nang makaalis na ang kotseng sinakyan niya ay tamang-tama lang dahil kakarating lang din ni Dalton.

Agad itong nilapitan ni Mica kaya bahagya siyang nagulat. "Ikaw pala."

Nagsulat na naman siya sa kanyang notepad. 'Ang aga mo ngayon a.'

"Hindi kasi ako masyadong nakatulog."

Inaantok at lutang pa rin, nauna nang pumasok si Dalton sa gate ng campus at sinundan naman ito ni Mica hanggang sa makarating sila sa kanilang classroom.

Agad silang pumunta sa kanilang mga upuan pero si Dalton ay agad na napaupo at binagsak ang ulo sa ibabaw ng desk, na kinagulat naman ni Mica.

"Good morning Mica!" Sa kanyang tabi ay binati siya ni Frank na may ngiti sa kanyang mukha at ningitian rin siya pabalik ni Mica.

"Gusto mo bang sumama sa akin sa hallway lang, libre kita ng juice," pagyaya ni Frank sa kaibigan at sumama naman ito sa kanya.

Lumabas na sila ng classroom at pumunta sa may vending machine. Tinupad ni Frank ang kanyang sinabi at nilibre niya si Mica ng canned juice. Sumenyas naman ito ng 'salamat'.

Pero laking gulat niyang sumenyas rin siya ng 'walang anuman'.

'Marunong kang mag-sign language?'

Tumango si Frank saka binuksan ang kanyang canned juice at uninom mula sa laman nito. "Hindi rin makapagsalita ang nanay ko at hindi makarinig. Buti ka pa nga, nakakarinig."

Sumandal si Frank sa railings ng hallway at tumingin sa mga estudyanteng naglalakad at nagtatawanan kasama ang kani-kanilang mga kaibigan. "Kaya nung nakilala kita, naalala ko sa'yo ang nanay ko."

Sumenyas na si Mica. 'Siguro hindi madali para sa kanya ang kondisyon na ito. Hindi siya makabuo ng musika, hindi siya makakarinig ng musika.'

"Mahilig ka pala sa musika?"

Tumango ito. 'Musika lang ang tanging paraan upang ipahayag ko ang tunay kong nararamdaman. Kapag malungkot ako, o masaya, musika lang ang nakikiramay sa akin.'

Matapos ang maikling kwentuhan ay nagpasya na silang bumalik sa kanilang classroom at pinalipas na naman ang oras na tumakbo hanggang sa mag-lunch break na.

Nagkaroon sila mg iba't ibang short quizzes sa kanilang iba't ibang subjects pero natutulog lang si Dalton at wala man lang guro ang inabala siyang gisingin. Gustuhin man ni Mica na gisingin ang katabi pero kailangan niyang sagutin ang quiz kundi magkakaroon siya ng zero.

"Ako na ang gigising sa kanya," sabi ni Frank at nilapitan si Dalton. "Dalton, gising na!"

Pero hindi natinag si Dalton sa kanyang pwesto. "Dalton, gumising ka na!"

Dahan-dahang binuka ni Dalton ang kanyang mga mata at nang makita niya ang malapit na mukha ni Frank ay nagulat ito at napaatras.

"Gusto mo bang masuntok? Bakla ka ba?!" Galit na tanong ni Dalton sa kaklase. Mabuti nalang at sila lang tatlo ang naiwan sa loob ng classroom.

"No dude. Ginising lang kita at nagising ka nga," sagot ni Frank at tumingin kay Mica. "Mauna na ako sa canteen. Kita nalang tayo mamaya."

Sumenyas ito sa kanya. 'O sige. Mag-iingat ka.'

"Ikaw rin."

"Teka, nakakaintindi siya ng sign language?" Napatanong si Dalton nang naobserbahan ang dalawa kaya nabaling sa kanya ang atensyon ni Mica.

Sinulatan na naman niya ang kanyang notepad. 'Oo. Ano naman sa'yo?'

"Aba't...Hoy, talagang may gana ka. Pa talagang sumagot sa akin?"

Hindi pinakinggan ni Mica ang katabi at nilabas lang ang kanyang binaong lunch box. Pinakita pa niya ito kay Dalton upang itanong kung gusto ba niyang makikain.

"Hindi ako kumakain ng lunch," pagsisinungaling niya. "Kumain ka lang d'yan."

Nagsimula nang kumain si Mica at pinagmasdan lang siya ni Dalton. Parang may kakaiba siyang nararamdaman para sa dalaga. Lungkot at pakiramdam niyang may kulang na nararamdaman si Mica at gusto niyang malaman kung ano 'yun.

Binalot na ng katahimikan ang buong classroom. Saglit rin itong nawala nang may maramdaman si Dalton na kakaiba. Pakiramdam niyang gumagalaw ang building. Nakita rin niya sa tubig na nasa loob ng water tumbler ni Mica na gumagalaw ito. Hindi lang basta-basta gumagalaw ang building, yumayanig nga ang lupa!

Agad na hinawakan ni Dalton ang braso ni Mica at hinila papasok sa ilalim ng kanilang desk. Bakas sa mukha ni Mica ang pagtataka.

"Magtago muna tayo dito. Lumilindol."

Nanlaki ang mga mata ni Mica at saka pa lang niya naramdaman ang pagyanig ng lupa. Paglipas ng ilang segundo ay tumigil na ito at nang masigurado na nilang ligtas na sila ay lumabas na sila sa pagkatago sa ilalim ng desk.

Agad na niligpit ni Mica ang kanyang pagkain saka tumunog ang siren, sinasabing pinapalabas ang lahat ng estudyante sa building at pinapanatili sa covered court.

Hinawakan ni Dalton ang kamay ni Mica at nagmadali silang lumabas ng building hanggang sa pumunta sila sa kumpulan ng mga estudyante sa coveres court. May mga guro, school guards, at CAT officers na nagtse-check kung nasa kani-kanilang mga linya na sila at kung ligtas ba sila.

Nang makasiguradong ligtas na ang lahat ay pinapabalik ang lahat sa kani-kanilang mga pwesto kanina at balik-normal na ang lahat.

Sina Dalton at Mica, na kasalukuyang naglalakad sa hallway patungo sa kanilang classroom ay parang wala lang nangyari. Nilabas ni Mica ang kanyang notepad at pinakita sa kasama ang kanyang sinulat.

'Bakit ba tayo lumabas kanina?'

"Nasa mga earthquake drill kasi 'yan, pero kanina, nahuli lang ang pagtunog ng sirena," pagsagot ni Dalton. "Kapag lilindol,  magtatago tayo sa ating mga desk at kung wala nang pagyanig ay pwede nang lumabas at pumunta sa covered court."

Napatango-tango lang si Mica. Nang makarating na sila sa classroom ay nasalubong nila si Frank na may pag-aalala sa kanyang mukha. "Mica! Buti naman at ligtas ka!"

"Overacting ka naman. Mahina lang naman ang lindol," pabulong na sabi ni Dalton pero narinig naman ni Frank.

Sumenyas lang si Mica. 'Okay lang ako. Mabuti nalang at nandoon si Dalton kundi hindi ko alam kung ano ang gagawin.'

Ngumiti si Mica kaya ngumiti si Frank pabalik sa kanya. Pero nang tumingin siya kay Dalton ay agad na nabura ang ngiti sa kanyang mukha.

Nauna nang pumasok si Mica sa loob at sumunod naman si Dalton. Pero bago naman pumasok si Dalton at hinarangan ito ni Frank na may seryoso nang tingin sa kanyang mukha.

"Bantayin mong maigi si Mica, kundi malalagot sa akin," seryosong sabi ni Frank sa kausap.

"Ano ka ba niya, boyfriend? Baka nakakalimutan mo," sumeryoso na rin si Dalton. "Kaibigan ka lang niya kaya huwag kang asumero."

Mas lumalakas ang tensyon sa gitna nila kaya mas mabuting pumasok na si Dalton at tinabihan si Mica na masayang nagsusulat ng mga sasabihin niya sa kanyang tagapagbantay. Si Frank, napaalis lang sa lugar na puno ng inggit at galit.

-^-

How Can I Say...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon