"Do you believe in magic?" A little child once asked me that.
I smile. "I don't but I believe in curse."
Tumingala ito sa akin na may pagtataka sa kaniyang mukha. Lumuhod ako sa kaniyang harapan at hinaplos ang kaniyang pisngi. Kasing lambot ito nang aking kama at ang mga mata niya ay kasing asul nang karagatan at ang kaniyang buhok ay kasing haba nang ilog.
"Bakit po kayo naniniwalang isang sumpa ang magkaroon nang mahika?"
Ang damit nito ay madumi at halatang ilang araw nang pagala-gala sa lansangan.
"Dahil may mga taong may taglay na kakayang iyon."
Kumislap ang mga mata nito. "Talaga po? 'E 'di totoo po ang mga nakikita ko sa mga palabas?"
"Munting bata, ika'y makinig sa akin. Sa bilog na mundong ito ay may mga paraang makakabilog sa iyong ulo. At isa na roon ang mga pastasyang palabas na napapanood mo. Kaya kung ako sa iyo ay huwag mo kaagad paniwalaan iyon."
"'E kakasabi niyo lang po na totoo sila."
"Ang ibig kong sabihin ay---"
"Binibining Zenger."
Napawi ang ngiti sa aking labi nang marinig ko iyon, unti-unti akong napatayo mula sa harapan nang bata at napalingon sa pinanggalingan nang boses na iyon.
"Handa na ang iyong mga bagahe at naghihintay na si Madam Z." Aniya nang matangkad na lalaking may pangalang Ron. Siya ay may kulay na kahel na buhok medyo may kalakihan ang katawan at isa sa mga pinagkakatiwalaan ni Madam Z mula sa paaralang papasukan ko ngayon.
"Saglit lang, Ron."
Muling bumalik ang atensyon ko sa batang nagtataka.
"May sikreto akong sasabihin sa'yo ngunit gusto kong ipangako mo sa aking huwag mo itong sasabihin sa iba, maliwanag ba?"
Tumango siya bilang pagsagot. Lumapit ako sa kaniya at may ibinulong.
"Sa totoo lang ay hindi pantasya ang napapanood mong mga pelikula dahil ngayon pa lamang ay kaharap mo na ang isa sa kanila." Ngiting sabi ko sa kaniya.
"P-Po?"
"I'm Shereene Zenger and I'm a witch, not just an ordinary witch but for sure I'll be the greatest witch of my time."
BINABASA MO ANG
Greatest Witch
ФэнтезиIt's all about magic. Do you believe in magic? Does magic still exist or it's just existed in children's story books? Shereene Zenger thinks the power she possess is a curse not until her parents died in the hands of Black Lord, the villain of every...