Summon
"Your eyes is white and black! Who are you? Hindi ikaw si Madam Z!" I pointed my wand to the person who is possessing my aunt's body right now!
"No, child. I'm still her but with touch of wickedness. You must be wondering who I am. I'm the last descendant of Blacuro Lordian. The root of the curse that runs in your blood." Lumipat ang tingin nito sa kaniyang kamay. "Too bad, this woman have gone weak since you left."
"Pa'no ka nakapasok sa katawan niya?"
"Akala ko ba ay alam niya?" Aniya at tumingin kay Flame.
"I don't know what she's talking about." Flame said.
"The legend... my dear. Hay, bakit nga ba makalimutin ang isang tulad mo? Epekto na kaya ito ng sumpa?"
"Wala akong sumpa! I am the holder of the holy trinity!" Kinuha ko ang bahagharing panyo at ang dilaw na kahon.
"Oh, those things." She pointed. "And that?" Also my birthmark.
"They're useless to me. Nabigo ang tiyahin mong gampanan ang mga plano niya. Mukhang hindi niya pa nasabi sa iyo, huwag ka ng mag-alala at ako ang bahala. Sisimulan ko na ba?" Tanong niya na may ngiti sa labi.
"Kung ano man ang sasabihin mo ay hindi ako mahuhulog doon. Si Madam Z lamang ang pagkakatiwalaan at hindi ang isang tulad mo!"
"Let's see then... before we started you need.. to sit!" She gestured her hand and now I'm pinned in the chair with glowing wire all over my body. Sinubukan kong gamitan ng mahika pero hindi gumana. Hindi rin tumalab ang mga sikretong mahika na alam ko at ang mahikang iniwan ng mga magulang ko.
"Noong unang panahon ng ikalawang digmaan sa mundo ng mga tao ay may isang nilalang na naligaw, isang babae na may mahabang buhok na umaabot sa lupa. Mayroon din siyang mala-porselenang kutis at may kakaibang kilos kumpara sa mga mortal. Sa oras na iyon ay walang anumang sandata ang makakapatay sa kaniya, kaya naman ay namangha ang mga mortal sa taglay nitong kakayahan. Ang babaeng iyon ay..." Gumalaw ang kaniyang kaliwang kamay at itinuro ang mukha ni Madam Z. "Ako."
"Pero hindi iyan ang na-ikwento sa akin..."
"Zaheera Zenger o mas kilala bilang Zahe noong unang panahon. Naranasan niya lahat ng dapat maranasan bilang isang tao at sa puntong tapos na siyang gawin ang lahat ng ninanais niya ay may kapalit iyon..."
"Ano a-ang kapalit?"
"Dugong bughaw."
Nagulat ako nang marinig iyon. Dugong bughaw ang purong dugo ng mga tao. Ito ay walang halo ng kasamaan at purong-puro.
"No, no, hindi kayang gawin iyon ni Madam Z. She can't harm---"
"Do you really think like that? Try thinking about the legend... the pureblood celestial being fell in love in the cousin of evil... isn't connected?"
Umiling ako. Hindi totoo ang mga sinabi niya. Hindi iyon kayang gawin ni Madam Z. She is very kind, family oriented, sophisticated, and warm hearted. She cares for everything. At kung ano man ang nangyari noon ay hindi na dapat ito nauungkat.
"So what the tale says, it is all the truth. At doon nagsimula ang lahat. You're parent died because of your aunt's greed, his parents died because they're blue blooded."
"What the hell are you talking about, woman?" Asked by Flame.
"Oh, they haven't tell you? Poor souls. Your parents really died due to Black Lord's but that's not how they originally died. Una silang namatay sa ikalawang digmaan at sila ang unang biktima ng babaeng ito..."
BINABASA MO ANG
Greatest Witch
FantezieIt's all about magic. Do you believe in magic? Does magic still exist or it's just existed in children's story books? Shereene Zenger thinks the power she possess is a curse not until her parents died in the hands of Black Lord, the villain of every...