Vault
When I was young I always wonder what's the difference between walls and boundaries. Iyon ba ay pareho lamang o may tinataggo talagang pagkakaiba? At sa sitwasyong mayroon ako ngayon ay nagamit ko 'yun. Doon ko pa lamang napagtantong, sa lahat nang pagkakataon ay dapat dala-dala mo iyon. Don't let your guard down just because someone started to shake you. Tatlong linggo na ang nakakaraan noong nalaman kong may dahilan kung bakit ako pinatawag ni Madam Z.
Napatingin ako sa bintana nang aking dormitoryo kung saan tahimik kong pinagmamasdan ang matataas na puno nang kahoy, makukulay na bulaklak ang ang magandang simoy nang hangin. Madaming nagsasabi na kakarating ko lamang sa akademyang ito ay marami na ang nagbago. Hindi ko naman hinihiling na tinggnan nila ako nang ganoon.
"Miss Zenger."
I took a sip from my glass, "Yes, Ron?"
"Madam Z wants to see you in her office and the other members of the Supreme."
"Noted, magbibihis lamang ako." Sabado iyon at walang pasok.
Nag-suot ako nang jacket dahil sa malamig na panahon. Inilugay ko ang itim na itim kong buhok at kinuha ang maliit na notebook bago tuluyang lumabas sa aking dorm at iniwang nakatulog si Yel. Pagod ito sa naging date nila ni Liam, as usual doon sa gazebo. Dumaan ako sa likurang bahagi nang aming building at sa shortcut kung saan madadaanan ko ang Past and Present department sa tabi niyon ay ang opisina ni Madame Z.
"Pretse, hush, darling, hush." Rinig ko mula sa bukana nang pintuan kung saan may maliit itong bukas ngunit pinili ko pa ring kumatok nang tatlong beses.
"Come in." Seryoso ang boses nito.
"Madame Z... I'm really sorry about the chaos yesterday, it's Flame Widerick's fault hindi ko alam na he will go that far, just--just to gain my attention and talk some stuffs I don't understand and it is really really weird of him because I'm not the one who brought his Lewtol pet---"
"Stop." She ordered. "No need to explain. It's all part of the plan."
"Plan? What plan? I don't understand."
"First, sit down."
Sinunod ko ang sinabi niya, umupo ako sa leather na sofa at inilapag ang notebook na maliit na dala-dala ko mula pa kanina.
"I want to let you know that every action of Mr. Widerick are orders of mine. I always let my curiosity go that far and truth shows during the process and I am not mistaken at all."
"Madam Z..." Tanging sambit ko.
"I know it sounded so early but I want you to understand the situation you are in right now." Tumayo siya at inayos ang blazer na suot, nagalakad siya patungo sa pintuan at binuksan iyon habang nakaukit pa rin sa kaniyang mukha ang pagkaseryoso.
"I don't want Mr. Widerick to cause you any confusion anymore." She said. "Let's go to Past and Present Department."
"Yes, Madam Z."
Tahimik ang hallway habang dumadaan kaming dalawa dahil ipinagbabawal na lumabas ang mga estudyante tuwing Sabado dahil ito ay importanting araw sa akademya ngunit hindi alam nang lahat kung tungkol sa ano iyon. Nagtataka nga akong pinatawag ako ni Madam Z, umagang-umaga at wala pang araw tanging fog lamang ang aking nakikita at ang katahimikan nang akademya ay nagbibigay ng katahimikan sa akin upang punan ang mga katanungan sa aking kaisipan.
"Open the door. " She command. "Thank you, Cael."
Walang tao roon kaya naman awkward akong ngumiti. Pumasok kami sa loob at bumungad sa akin ang mataas na bubong, apat na sulok nang pader na gawa sa iba't ibang uri nang bato o sabihin na nating mga rare stones sa mundo nang mga tao?
"Mareguld." Madam Z called. Ilang sandali pa ay lumabas ang isang babaeng may kulay bahagharing buhok at may seryosong mukha ngunit maganda pa rin ito, matangkad at may mapupulang labi.
"Stop thinking, she will copy you."
"P-Po?"
"Kapag nasa loob ka nang departamentong ito ay iwasan mong mag-isip nang kung ano-ano dahil may mga taong maabilidad na magpalit nang anyo rito dahil lamang sa nasa isip mo. Kaya naman isipin mo lamang kung ano ang sinadya mo rito."
"Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo, Madam Z?" Mahinhin ang boses ni Mareguld.
Ngumiti ang ginang sa kaniya, "Nais naming makita ang baol nang nakaraan sa tyempo nang kaniyang ina."
Npatingin si Mareguld sa akin at sa kauna-unahang pagkakataon ay nasilayan ko ang ngiti nito. Ang kaniyang ngipin ay yari sa ginto at sa isang iglap ay nag-iba ang anyo nito.
"Mama..." Sambit ko. Halos maluha ako nang makita ko ang anyo nang aking Ina, mula sa itim at tuwid nitong buhok at sa mapupula nitong pisngi, labi, matangos na ilong at mabilugang mga mata.
"Mareguld!" Sigaw ni Madam Z na nagpagulat sa akin. "Ilang beses na ba kitang napagsabihan tungkol diyan?"
"Paumanhin, Madam Z. Bakas kasi sa kaniya ang pangungulila sa kaniyang Ina." Lumungkot ang boses nito.
"Nasaan ang baol nang nakaraan nang kaniyang Ina?"
"Nasa pinakagitna, itim at pulang laso ang naroroon at may asul na pintuan." Tango lamang ang naging sagot ni Madam Z. Iniwan namin si Mareguld at nagsimulang maglakad sa mahabang daanan nang departamentong gawa sa salamin. Tanaw na tanaw ko ang aking repleksyon at ganoon rin kay Madam Z, doon ko palang narealize na medyo magkahawig ang anyo ni Madam Z sa aking Ina o sadyang nagungulila lamang ako?
"Madam Z, maari ba akong magtanung?"
"Ano iyon, Miss Zenger? Bukas ako sa anumang tanong na nais mong mabigyan nang sagot."
"Paano kayo nagkakilala nang aking Ina?"
Madam Z halted. "It's winter when we first meet and I never know it was the best moment of my life."
"Bakit po?"
"Dahil ang iyong Ina ay katulad na katulad mo. Madaming katanungan na nais bigyan nang sagot, mga pagaalinlangan at duda sa sarili at espesyal na mahika. Siya ay isang matapang na babae kung saan isang dahilan rin kung bakit napa-ibig niya ang iyong ama."
Mas lalo akong nagtaka sa kaniyang mga sinabi. Bago pa man ako magtanung ay umilaw ang wand nito kasabay nang unti-unting pag-crack nang salamin kung saan kami nakatayo ngayon.
"M-Madam Z, what's happening?" Natatarantang tanong ko, naghalo ang kaba at takot sa buo kong sistema.
"Laviene!" She chanted and the blue door appears in front of us.
"Don't blink, Sheerene. It will make you more scared." She softly said and opens the door sh she then walk inside.
Maliwanag ang nasa loob nang mahiwagang asul na pinto, halos wala akong makita dahil sa sobrang liwanang nito.
"Don't hesitate, Sheerene. Take my hand, child. You're in safe hands."
Nanginginig, natatranta at kabado ay inabot ko ang aking kamay at sa isang iglap ay napasigaw ako.
BINABASA MO ANG
Greatest Witch
FantasiIt's all about magic. Do you believe in magic? Does magic still exist or it's just existed in children's story books? Shereene Zenger thinks the power she possess is a curse not until her parents died in the hands of Black Lord, the villain of every...