The Beginning
Napangiti na lamang ako ng mapait. Dahil naalala ko ang dapat na hindi ko na maalala pa. Ang pagkamatay ng mga magulang ko. Hindi ko pa lubos matanggap na wala na sila. They're gone because of me. I'm the reason why they are not here because of my damn magic.
Gusto kong magalit sa kanila dahil kung hindi sila nawala hindi ko malalaman na may kapangyarihan ako. Na naiiba ako sa ibang tao, o hindi ako kagaya ng mga normal na tao sa daigdig. Dahil may iba akong mundo na kinabibilangan. Kahit galit ako sa kanila ngayon, nangingibabaw pa rin ang pangungulila ko sa kanila. At ngayon papunta na ako sa mundong kinabibilangan ko, at doon ako magasisimula ulit.
Nakadungaw lamang ako sa bintana ng karwaheng sinasakyan. Malapit na kami sa main gate ng Wizardy Academy. The school where I belong. Tahimik lamang ako habang patuloy kong iniisip ang masalimuot na nakaraan. Pumatak nanaman ang mga likidong nangagaling sa mga mata ko. Dahil sa tuwing na iniisip ko ang mga nangyayari hindi ko maiwasang hindi malungkot. Gusto kung maghiganti pero paano? Saan? Saan ako magsisimula dahil hindi ko pa bihasa ang aking kapangyarihan?
Maya-maya pa ay nakarinig ako nang ilang katok mula sa bintana.
"Binibining Zenger nandito na po tayo" Aniya ni Ron. Binuksan nito ang pintuan at inalalayan akong makababa mula sa karwahing sinasakyan ko.
"Maraming salamat." Ngiting tugon ko sa kaniya.
"Katungkulan kong pagsilbihan ka, Binibining Zenger."
Trumpeta ang aking unang narinig dahilan para patingin ako sa pinanggalingan niyon. Unti-unting bumukas ang golden gate nang akademya at bumungad sa akin ang napakagandang paaralan o sabihin na nating isang palasyo dahil may matatayog na tore ito. Sa aking likod ay nakasunod si Ron, ang sumundo sa akin mula sa mundo nang mga tao.
"Naririto ang opisina ni Madam Z, binibining Zenger."
Ang tinutukoy nitong Madam Z ay ang nagmamay-ari nang paaralang papasukan ko. Siya mismo ang pumunta sa mundo ko para sabihan akong bumalik sa tunay na mundong aking pinangmulan. Kumuha nang pagsusulit at maging kasapi sa kaniyang hukbo bilang isang estudyante at para na rin matutunan kong ipagtanggol ang aking sarili laban sa aming kalabang si Black Lord.
Kakatok pa sana ako ng biglang bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang isang babae . Bakas sa kaniyang mukha ang kulobot balat ngunit lumilitaw pa rin ang kaniyang kagandahan.
"Maligayang pagdating sa Wizardy Academy, Ms. Zenger" Nakangiting bati niya.
"Isang karangalan ang makilala at makita kang muli, Madam Z."
"Ikaw nga ay kasing ganda nang iyong ina na si Sherenaih, Ms. Zenger." Umupo ito sa kaniyang upuan at napansin ko ang ballpen niyang nagsusulat nang walang may kamay na humahawak. Namangha ako sa aking nakita.
"Pretse, stop writing." She command and the pen stopped.
My eyes are glued on the subject and she noticed, "Wow, uh, sorry."
"It's pretty normal to feel that way, Ms. Zenger."
"I'm just amaze... like wow."
Ngumiti ito sa akin.
"So what do you think about this place, Ms. Zenger?"
Natigilan ako sa naging tanong niya. Pakiramdam ko ay tumigil ang kamay nang relo at tanging paghinga ko lamang ang aking naririnig.
"Pretse!" Madam Z yelled.
"Sorry about that."
Then everything backs to normal, damn, what was that?
"I think... this place will be a great, uh, place to stay. Pakiramdam ko rin ay dito ako mas lalong mahahasa at maraming matutunan maliban sa mga natutunan ko sa librong binigay ninyo."
"Hmm, magaling. Isa ngang magandang lugar ang Wizardy Academy, Ms. Zenger. Dito, mahahasa mo ang iyong kakayahan. Makikilala mo nang lubusan ang iyong sarili at mas lalo mong mababantayan ang iyong kilos. May mga tao kang makikilala at makakasama sa lahat oras at pagkakataon. Maraming nangyayari sa buhay, Miss Zenger hindi ba?"
Tumango ako.
"Lahat nang katapusan ay may pinagsimulan kaya naman kung hindi pa buo ang desisyon mong manatili rito ay bukas ang aming pinto--"
"No! I will... stay. I have no home nor parents to stay with. I'm an orphan now, Madam Z."
"Child, you will never be alone now..." Sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya at ramdam ko ang malamig nitong haplus sa aking balikat. Isang segundo pa ay nakataas na ang sleeves nang aking damit.
"Do you feel it...?" She asked, thrilled and excitement is written in her face.
"Y-Yes... ah." I answered, panting, catching my breathe and the feeling I felt inside me keeps burning alive.
"You are the choosen."
"What did you just said?" Hindi ko narinig ang kaniyang sinabi dahil sa malakas na ihip nang hangin sa kaniyang opisina.
"I said your room will be in 2525, huwag kang mag-aalala dahil kasama mo si Ron dahil siya ang maghahatid nang mga bagahe mo doon. Hindi ka rin nag-iisa sa kuwarto mo dahil nandoon si Yelien Sorviet. Siya ang magiging makaksama mo at isa mo ring kaklase, bukas nang umaga ay ihahatid ni Ron ang iyong uniporme kasama ang iba mo pang kakailanganin." After what she said, Madam Z is now back in her swivel chair while fixing her glasses.
What the... is she a vampire? Can she teleport? In blink of an eye she vanished from my sight.
"Damn." Napahawak ako sa aking sentido. Pero binalewala ko iyon nang nagsimulang maglakad si Ron.
"Binibining Zenger, hali na po tayo."
Lumabas kami sa opisina ni Madam Z at hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang pagkahilo at ang hindi maipaliwanag na pakiramdam mula sa aking birthmark. Isang letrang S iyon at sa loob nang ilang taong pamumuhay ko sa mundo ay hindi ako nakaramdam nang ganito.
"Nasa kabilang side ang cafeteria, ang gym at..." Hindi ako masyadong nakikinig kay Ron dahil sa hindi mawaring nararamdaman.
"Nandito na po tayo." Aniya at doon pa lamang ako natauhan.
"Maraming salamat." Pilit akong ngumiti sa kaniya.
"Walang anuman, binibining Zenger." Bahagya itong yumuko bago nawala sa aking harapan.
Napatingin ako sa numerong nakasabit sa double door, nasa tamang dorm ako at akmang bubuksan ko iyon ay bumukas lamang ito.
"Hi! I'm Yelien Soviet and I'm just like you but with a twist." She chuckle softly. Pumasok ako sa silid at bumungad sa akin ang maraming libro na nakapalibot sa paligid.
"Sorry about my books, I just love them. At masaya akong may kasama na ako ngayooon!" Hyper nitong sabi sa akin sabay akla sa aking braso.
"Oh, you are not feeling well!"
I look at her, "Huh?"
"Ooops, sorry about that! I should ask about your permission before I did it right? I'm so so sorry! It's just a habit of mine."
"What are you talking about?" Confused na tanong ko.
She look at me with awe. "You can't feel it?"
"The what?"
"My charm!"
"Sorry, w-what?" My eyes begun blurry.
"I can read your mind and I'm sorry!"
Her words started echoing and I can't see properly. Hindi ko na rin mabalanse ang aking sarili at tanging naririnig ko lamang ay ang isang nakakarinding tunog mula kung saan. Isang ilaw ang nagpapikit sa akin at sa isang iglap ay tuluyan akong nawala sa wisyo kasabay nang pagbagsak ko.

BINABASA MO ANG
Greatest Witch
FantasiIt's all about magic. Do you believe in magic? Does magic still exist or it's just existed in children's story books? Shereene Zenger thinks the power she possess is a curse not until her parents died in the hands of Black Lord, the villain of every...