The Supremes
Ilang araw na ang nakalipas simula nang naging maayos ang pakiramdam ko. Marami akong nalaman mula kay Yelien dahil siya ang ka-room mate ko. She's talkative and kind. Sa isang linggong pakikisama ko sa kaniya ay nalaman kong may apat na uri nang uniporme ang mayroon sa Wizardy Academy. Green, blue, grey and red are the uniforms of witches/wizards who got elemental powers within them. Blacks are for ordinary people who doesn't belong in Supremes. The supremes are the most powerful group in all aspect and the one who's holding the record is Flame Widerick.
That arrogant, cocky red-haired guy.
"What a bad thought you have there." Yelien said still loading her bags with her books.
"I just don't like him."
Yelien rolled her eyes, "I don't like Jackson either."
Naptingin ako sa kaniya. "I think Liam is nice."
"Duh, he is a jerk! Kung mabait nga siya bakit niya ako iniwan? How could he leave me alone when I don't have someone to be with? So that's why he is a jerk!"
"Hey, easy girl."
"I mean, you know about it right?" Her voice softens.
"Of course."
When I was still in the hospital or should I say the healing room, Yelien told me about her tangled past with Liam Jackson. Noong napadpad si Yelien dito sa Wizardy Academy ay naging kaibigan niya si Liam, they're both orphans anyway. Lahat nang mga kamag-anak nila ay pinatay ni Black Lord. That cruel bastard. Ayon pa kay Yelien ay mabait naman daw si Liam ngunit noong kinuha siya bilang kasapi nang Supremes ay nagbago raw ito. Isang araw ay nagkita daw sila at basta-basta lamang daw siyang pinagsabihan ni Liam na huwag na siyang kausapin dahil hindi na raw sila magkaibigan. It's a long friendship, I can say. Simula mga bata ay close na close silang dalawa dahil nasa iisang rehiyon lamang ang pinaggalinggan nila. Hindi ko maiwasang huwag malungkot sa sinapit nang pagkakaibigan nilang dalawa, I realize now that every smiles had their own stories to tell.
"You look gorgeous in your uniform!" Yelien complimented.
"Thank you."
"No problem, lemme fix your hair!"
Noong nasa HR (Healing Room) ako ay siya palagi ang dumadalaw sa akin. Doon palagi siya nagpapalipas nang recess, lunch at dinner. Kung minsan ay kinukuwento niya sa akin ang mga naging lesson nila. At isa na doon ang pag-ekpermentuhan ang aking mukha at buhok kaya naman ngayon ay iyon ang ginagawa niya. Mahaba ang aking buhok, itim na itim hindi katulad nang sa kaniya na kulay kahel, may bilog na pisngi at makintab na kutis na kulay kahel rin. Panghuli, ang kaniyang mga mata ay kasing asul nang karagatan. Kumapara sa akin medyo mataba ang aking pisngi ngunit lumilitaw ang aking check bones, may matangos akong ilong at medyo maputlang labi.
"Tadaaa!" Napatingin ako sa malaking salamin. Fit sa akin ang uniform na suot at naka-braid-ponytail ang aking buhok. May kaunting asuete ang aking labi at kaunting pulbo.
"Don't forget to chin up, give them your best looks girls!"
"At dapat ganoon ka rin, Yel."
Yel ang palayaw ko sa kaniya at She ang sa akin. Simpleng bagay lamang iyon sa iba ngunit may malalim na kahulugan iyon sa akin. Simula nang namatay ang mga magulang ko ay wala akong karamay sa mundo nang mga tao kundi ang sarili ko lang. Hindi ako nakakangiti roon ngunit ngayon dahil sa taong nasa tabi ko ay natutunan kong muling maging masaya kahit paunti-unti.
"New girl with the freak, look!" Iyon ang madalas kong naririnig sa hallway habang diretso lamang ang paglalakad patungo sa aming silid aralan.
"Don't mind them, She. Sanay na ako riyan. Sabihin na nating mula pa noong lumipat ako?" Pilit itong ngumiti.

BINABASA MO ANG
Greatest Witch
FantasyIt's all about magic. Do you believe in magic? Does magic still exist or it's just existed in children's story books? Shereene Zenger thinks the power she possess is a curse not until her parents died in the hands of Black Lord, the villain of every...