Tin's POV
Hindi na lang namin tinuloy ang pagpunta ng Boracay pagkatapos ng reception. Masyado ng gabi kaya sa hotel na lang kami nagpalipas ng gabi. Dapat magka-iba kami ng kwarto pero sinabihan kami ng parents namin na mag-asawa naman na daw kami.
Kinakabahan ako. Hindi ko kasi alam ang pwedeng mangyari oras na maiwan kami sa isang kwarto na kami lang.
[Nasa loob na sila ng kwarto]
"Punta lang ako ng washroom hon.." sabi ko.
"Ok!" sabi nya..
[Sa washroom]
OMG! Anong gagawin ko? Napupudpod na ang kuko ko sa daliri sa sobrang kaba. Bakit nga ba ako kinakabahan? Eh kasal naman na kami.. Natural lang sa bagong kasal ang may mangyari pagkatapos. Diba? Humarap ako sa salamin..
Pero maghoneymoon naman kami sa Boracay. Bakit kasi naudlot pa yung pagpunta ng Boracay? Bakit? Feeling ko talaga merong manyayari. Makaupo nga.. Nahihilo na ako kakalakad.
[Naalala yung bag. Lumabas ito at kinuha]
"Bakit kaya nagbabasa yun sa oras na ito? Uhm.. O well.."kibit balikat ako.
[Tiningnan ang laman ng bag]
O.o GRABE! Ano ba ito? Halos kita na kaluluwa ko! Maghubad na lang kaya ako ng tuluyan.. Pareho lang eh! Paano kung wala palang mangyayari ngayon? Eh di assumera ako.
Bakit ko pa kasi ito kinuha? Ewan ko ba sa mga paa ko.. kusa na lang lumabas.. Sabihin ko na lang. "Oh kasi Hon.. Mainit eh" oras na makita nya ako na nakaganito.
"Hello? Weng??"
"Oh? Bakit? Kumusta naman? Ano? How was it?"
"Wala pa! Hindi ko nga alam kung anong mangyayari. Kinakabahan nga ako eh.."sabi ko.
"Bakit ka kinakabahan?"
"Hindi ko din alam?? Ganito siguro?? Isusuot ko ba ito? Bakit ganito naman niregalo mo?"
"HAHA. Sexy nga e. Suotin mo na!! For sure ako.. alam mo na.."
"Sira! Bahala na nga.. O sige na.. Baka magtaka pa yun kung bakit ang tagal ko dito."
" Tin? Tin?"
"Oh? Buti hindi ko pa nababa ang phone. Bakit?"
"Tell me everything ah?"
"Loka ka talaga."
Binaba ko na ang phone. No choice ako kundi suotin ito. Halos 30minutes din ako sa loob. Inamoy ko sarili ko baka ang baho ko na. Nagpabango at nagsipilyo sympre.
[Samantalang sa bedroom]
Slater's POV
Anong susuotin ko? Eto na lang.. Ay teka! Pabango..
[Inamoy ang hininga]
"Uhm.. Ok naman..Uminom na lang ako ng alak para hindi halata."
Hindi ko alam kung bakit nag-aayos ako ng buhok. Papalit palit din ako ng damit.
"Teka lang Slater.. Bakit nga pala nagpapagwapo ka? Bukas pa nama honeymoon nyo ah.."
Tama! Shit!! Ayan na sya.. Umupo ako dali-dali sa pinakamalapit na upuan at kunwari ay nagbabasa. She smiled at me lang at may kinuhang bag. Ano kaya laman nun?
O.o
"Hindi kaya??"
Dali-dali akong nag-ayos ulit. Uminom ng alak para fresh sa bibig at pumili ng sando at shorts kahit malamig sa room. Humiga na ako at binuksan ang tv.
"Oh Shit! Yung condom!!"
Naalala ko bigla. Buti hindi napalakas boses ko. Dali dali kong hinanap. Pero napagtantato ko na..
"Teka.. Bakit ako magcocondom? Eh mag-asawa naman na kami.."
Bumalik ako sa kama. Lumabas na sya ng banyo. Nakabathrobe ito. Nakangiti lang sya. Binaba ang bag na kinuha nya kanina.
"Ok ka lang ba? 30minutes ka rin sa loob ah.." sabi ko.
Tumango lang sya.
"Teka! Matutulog ka ng naka-bathrobe?" sabi ko.
Tiningnan ko ang mukha nya. Mukhang nagdadalawang-isip sya kung tatanggalin nya ba o hindi. After 2minutes saka nya tinanggal..Teka! Dapat hindi nya mahalata na atat akong makita kung ano man ang nasa loob ng bathrobe na yan. *ehem*
Tin's POV
Paano ba ito? Dapat hindi ko na lang sinuot to.. Pinapatanggal pa ang bathrobe sakin.. Naramdaman ko na lang na unti unti kong tinatanggal ang bathrobe. Parang hindi sakin itong katawan na ito! Hay.. Bahala na nga..
Nakita ko si Slater na nakatingin sakin. Malagkit na tingin.
"WOW!" sabi nya.
"Wag mo nga akong titigan ng ganyan..Mainit kasi kaya sinuot ko to." sabi ko.
Nakatingin pa rin sya sakin.
"Matutulog na ako." sabi ko.
"Yeah.. MAINIT NGA!" sabi nya.
O.o?
Nasa kama kami pareho.
"Teka lang" sabi nya..
Uminom sya ng alak na nasa gilid nya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko! Eto na kaya? Parang eto na nga.. Natataranta ako pero sa utak ko lang. Ayaw ko pahalata.
Slater's POV
"Wow!" Yun na lang ang nasabi ko. Grabe! Daig pa nya ang isang modelo. Yung condom? Ay oo nga.. hindi na pala.. Shit naman! Natataranta ako.
"Teka lang" sabi ko at ininom ko ang alak na nasa gilid ko.
"Bakit?" tanong nya.
Hinalikan ko na lang sya bigla nung pagkaharap ko.
*TV TURN OFF. LIGHTS OFF*
*BACK AND FORTH TRAIN* TOOT! TOOT!
*FIREWORKS*
BINABASA MO ANG
Just Got Married?
FanfictionHindi maipinta ang kasiyahan sa mukha nina Tin at Slater sa araw ng kanilang kasal. Lahat masaya at nakikidiwang sa pinakaimportanteng araw sa buhay ng bagong mag-asawa. Ngunit sa araw ng kanilang honeymoon, ay nagulat ang lahat ng malamang naakside...