Chapter 20

474 7 1
                                    

Slater's POV

Hindi ko alam kung paano ako nakarating kaagad dito sa harap ng unit ni Tin. Ilang araw na rin akong nag-iisip kung ano ba ang dapat gawin.. kung paano ko sisimulan pero heto ako ngayon.. may sarili na atang pag-iisip ang mga paa ko. Kakatok ba ako? Eto na lang.. kapag si Tin ang nagbukas ng pinto.. ibig sabihin ipagpapatuloy ko ang plano ko pero kapag hindi sya.. eh di hindi. Hayaan na lang na mabaon lahat sa limot at sa nakaraan. Hayaan na lang ang pagkakataon na pwedeng sumaya ako sa piling nya. Hayaan na lang...

*sigh*

Natatakot ako. Natatakot sa rejection. Kung nag-isip ako ng maigi dati, eh di sana hindi ganito. Mas madali sana.. Sabi nga nila: Wag kang gagawa ng isang desisyon kapag galit ka. Totoo. Dapat hindi ako nagpadalos dalos sa desisyon ko dati. Naging makasarili ako nung mga panahon na yun. Inisip ko lang kung ano yung nararamdaman ko nun at hindi ko kinonsider ang mga taong nasa paligid ko noon. Inisip ko na ako lang yung nasasaktan. Hindi pala.. Inisip ko na ako yung pinakanasaktan sa kanila. Hindi lang naman ako yung involved dun.. Si Tin din naman. Tanga ko diba? Pinakawalan ko tapos ngayon pupunta punta ako dito para ibalik sya sakin. tsktsk. 

Ilang minuto na ako nagdodoorbell dito pero wala pa rin nagbubukas ng pinto.. Sana.. Sana.. Si Tin..

"ANong nangyari pare?" sabi ni Warren

"Wala na ba?" sabi ni Josh

"bafhjfhbfgdua" sabi ko.

"Ha??" sabi ni Drew

[Kinabukasan]

Ang sakit ng ulo ko. Ano ba ito? tsk. Ang kalat ng sala.. Anong nangyari dito? 

"Huy! Gising na kayo!! Huy!" sabi ko.

"tsk.. Pare naman!! Natutulog pa ako e!" sabi ni Warren

"Bangon na!! Ang kalat ng sala ko oh!! Gising naaaa!!" sabi ko sabay bato ng unan sa mga mukha nila.

"Hello Manang? Oo e. hehe. Please.. Salamat po!" sabi ko sabay baba ng phone

"Huy!! Ano ba?? Hindi ba kayo babangon dyan?? tanghali na!!" sabi ko.

"tsk.. eto.. ikaw itong nagyaya kagabi na uminom tapos.. " sabi ni Josh

"Oo nga tapos tinulugan mo pa kami! langhiya ka!" sabi ni Drew

*dingdong*

"Si Manang na yan.. tumayo na kayo dali!" sabi ko at dali dali naman silang tumayo.

"Good morning Manang! ^___^" sabi ko.

"Hay naku Slater.. Uminom ka na naman.. naku!!" sabi ni Manang Elsa

"Eh Manang naman ^___^" paglalambing ko kay Manang

"O sya.. Mag-ayos na kayo at magluluto na ako." sabi ni Manang

Naligo na kami isa-isa at inayos ang sala. Habang naliligo ako, tinutulungan ata ng mga ugok na yun si Manang sa kusina.

"Slater??? Kakain na!" sabi ni Manang

"Okay Manang. Susunod na po." sabi ko at saka lumabas ng kwarto.

[Habang kumakain..]

"Slater.. Pare.. ano ngang nangyari kahapon?" sabi ni Drew

"Psh. Hindi ka talaga titigil ah." sabi ko.

"EH ayaw mo kasing sagutin e. Ano nga?' sabi ni Drew

*thumbs up*

"Yun oh!! So paano na ang plano??" sabi ni Josh

"Basta" sabi ko.

"Si Tin ba pinag-uusapan nyo?" sabi ni Manang Elsa

"Opo Manang! Bakit po?" sabi ni Josh

Just Got Married?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon