Chapter 17

578 4 3
                                    

Jess' POV

[FLASHBACK: 3 YEARS AGO]

"Nung isang araw na hinahanap ko sya para magpaalam sa kanya.. Kasi kung ganun lang kami sa bahay na nag-iiwasan.. Dapat talaga isa samin ang umalis. So nung hinanap ko sya. Nakita ko na lang ang isang ballpen at papel sa bed nya. ANNULMENT PAPER at address nung padadalhan ko nun. Tiningnan ko yung closet nya.. Wala na mga damit nya.. Mismong araw na yun.. Umalis na ako sa bahay.. Dun muna ako sa parents ko temporary. Oo, napatawad ko na din sila.. 2 weeks ko din pnag-isipan yung about sa annulment pero sa huli.. Pumayag ako." sabi ni Tin.

"Oh no!! Sayang naman.. Eh anong nangyari sa ex husband mo?" sabi ko.

"Ewan ko. After nung umamin na ang parents namin sa kalokohan nila.. Minsanan na lang syang umuwi ng bahay kaya hindi ko alam kung kelan sya tuluyang umalis. At wala na din akong balita sa kanya after nun.. Friends pa rin daw parents namin.. pero ayaw na mangielam ng parents ko sa sakin o kahit magbanggit about samin ni Slater.. nadala na daw sila.haha! " sabi ni Tin.

[END OF FLASHBACK]

3 years ago nagkakilala kami ni Tin nung lumipat sya sa condo na to. Ako ang unang nakipagkilala ^_^ Yup! Ako na ang madaldal.. Feeling close..Ang daldal ko nga habang tinutulungan ko syang mag-ayos ng gamit. Magtaka sya kung tumahimik ako! haha. Kakalipat nya lang kasi nung araw na yun. ^^ SO may bago na akong friend. For 1 week, yung unit nya ang tambayan ko. Pag tinatanong ko naman kung nakakaistorbo ako, okay lang naman daw. Eh ako naman si kapalmuks.. go lang! haha. Nagdadala ako minsan ng machichibog namin.. minsan mag-oorder tapos ipapadeliver namin tapos manonood kami ng movie. Minsan puntang mall.

Wala kasi akong matinong pwedeng kaibiganin. Puro matataray.. Akala mo kung sino. May nagsabi pa nga sakin na bitch. O well.. Kawalan nya ang isang totoong kaibigang tulad ko!haha. 1 month din bago naging okay sa kin si Tin. Lagi ako sa unit nya tumatambay. Madaldal naman ako kaya hindi ako nauubusan ng kwento.^_^ 

Alam ko na rin lahat ng nangyari kay Tin. Sa kasal, aksidente, amnesia, yung kalokohan ng parents nya. COOL PARENTS ^_^. at yung pag-amin ng parents nila ni Slater. Nameet ko na family nya ang cool nila grabe. Sana ganun din ang parents ko. :(

Nalaman ko din na sinuntok din ng dad nya yung Slater ba yun at nasampal ng mom nya daw kasi daw sinasagot daw sila nung Slater eh nagpapaliwanag tapos.. hanggang ngayon.. Hindi pa daw nagpapakita ang parents ni Slater sa kanya kahit si Slater daw hindi.

Nag-solo na lang ako since lagi naman akong inaalila ng parents ko. Muntik pa nga ako ibenta sa kano. Buti nakatakas ako at simula nun hindi na ako bumalik. Buti na lang at may naipon ako nun.Kaya hindi ako pagala gala sa kalye. I was 16 nung panahon na yun. Nagtrabaho ako at nagsikap na makatapos at eto.. Nakahanap ng magandang trabaho. Kaya nga nakaka-inggit na may family si Tin na ang cool cool. 

[FLASHBACK]

"Si-Sino yan? Ba.. OMG!! Yan yung.. e-EX mo!!" sabi ko.

"OO. kaya wag kang maingay dyan!!" sabi ni Tin

"Eh paanong.." sabi ko.

"Pauwi na kasi ako tapos. Nung una nga natakot ako.. Akala ko nga multo.. Sya lang pala.. Umuungol sa sakit.. Binugbog ata. LASING eh. Napagtripan ata sa club na malapit dun.. Kaya ayan.. Naawa naman ako..Kaya dinala ko dito.. Hindi ko alam kung saan dadalhin yan.." sabi ni Tin

[END OF FLASHBACK]

Kung hindi ko pa binusisi yung photo albums nya.. Hindi ko pa makikita yung mukha ng ex nya.. Simulang naging mag-best friends kami.. Nasa iisang condo na lang kami. Hati sa lahat. Nagtatrabaho sya as tennis coach samantalang ako e teacher. 

Just Got Married?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon