Tin's POV
Hay naku.. ang weird talaga ng mga parents namin.. Paano kaya sila naging ganun? Gabi na pala.. Asan na kaya yung mga yun?? Ang tagal naman.. OMG! Baka inoperahan si Slater? Paano kaya yun? o.O?
TOK! TOK!
"Oh anak! Kakagising mo lang ba?" sabi ni papa
Tumango lang ako.
"Uhm.. Pa.. Anong nangyari kay Slater?" sabi ko.
"Bakit mo naman naitanong anak? Ok naman asawa mo. Papunta na yun dito." sabi ni papa na may nakakalokong ngiti
Sabi na nga ba.. Dapat hindi ko nalang tinanong. Isipin pa ni papa may gusto ako dun. YUCK!!
-.- < salubong sakin ni Slater.
"HOY!!" sabi ni mama sabay palakpak sa gitna namin ni Slater
"Magkatunawan kayo dyan!!" Slater's mom
Psh. As if naman.
Naikwento ko ba sainyo na ang kwarto namin ngayon ay may sala set at kitchen? Sosyal noh? Para lang kaming nasa bahay. So bale nakaharap sa amin yung TV. Ang laki para makita namin kahit nakahiga kami. May kalakihan. May konting space sa may beds namin tapos sa sala. Nasa may left side ko naman yung kitchen. Open kitchen sya. Kaya ang ganda nga eh.. Kita mo kung anong ginagawa nila. Nasa may right side naman yung banyo opposite ng kitchen.
Ayun. nanonood sila ng basketball. Samantalang ang mga nanay naman namin eh nasa kusina. Nagluluto. Pwede naman daw na kumain kami ng iba bukod sa pagkain dito sa hospital. Unang gabi na magkasama kaming lahat sa iisang kwarto. Ano kayang mga mangyayari sa mga susunod na araw? Napatingin ako sa side ni Slater. Silent treatment ba ang pinapakita nito sakin? Don't tell me.. Hinihintay nyang mag-sorry ako? NO WAY!! Sya ang may kasalanan tapos ako magsosorry. Napatingin ako sa kanya.
Hindi ko namalayan na nakatingin pala sya sakin. Hindi ko alam ang tumatakbo sa utak nya. Natatakot ako sa tingin nya. Baka may gawin saking masama ito.
*CLICK*
"MAAAA!!" sabi ko.
Piniktyuran ba naman kami na magkatinginan.
"Bagay na bagay talaga kayo!!" sabi ni mama.
-.-
"WACKY NAMAN!" Slater's dad
-.- << Ako
Kumain na kami ng dinner. Sinusubuan kami ni Slater ng mga nanay namin samantalang yung mga tatay namin ayun ang iingay. Nanonood kasi ng basketball at nagpupustahan pa.
"Oh magkano pustahan nyo?" Slater's mom
"50,000 lang." Slater's dad.
"Ano ba yan! Taya nyo na lahat fake money naman eh!" sabi ni mama
"HAHAHAHA! oo nga! Kahit magdayaan pa kayo dyan. Totohanin nyo na kasing pera!!" Slater's mom
"Hindi pwede balae.. Maduga to eh!" sabi ni papa.
"Anong maduga!! Ano totohanang pera na lang oh!!" Slater's dad
"Sige ba..Ma! Pakiabot yung PHP 20!" Tin's dad
"Ano ba yan.. Ang laki naman. 10 lang!" Slater's dad
SIGH. -.-
Hindi pa rin umiimik si Slater. Ano kayang nangyari? After nilang umalis para ipacheck yung sinipa ko. Ganyan na sya pagbalik. Ayoko namang itanong kung ano bang nangyari. Don't tell me.. Hinihintay nyang magsorry ako sa kanya?? NO WAY!! Masyadong mahal ang sorry ko. Hindi naman ako ang nagsimula ng lahat.
"HAHAHAHAHA! Sabi na sayo eh! Panalo ang Miami!! Akin na yang 10 mo!" sabi ni dad.
Natapos na kaming kumain lahat. Nag movie marathon. Nakakatakot. Pero imbes na matakot ang mga babae. Ang mga tatay pa namin. Tawa nga ng tawa mga nanay namin. Feeling ko nga bukas may pulis na dito. Nakakaistorbo kami. Ang lakas pa naman nilang magtawanan. Kakaiba talaga. Ako naman.. nanonood din pero natatakot ako. Ayoko ng horror. Malikot masyado isipan ko. Nerbyosa ako.
Natapos na ang movie marathon. Tumabi sakin si mama kasi alam nyang takot ako.
"Ma! Dito ka nga matulog! Bakit andyan ka? Mas malaki ang space dito! at isa pa paano makakatulog nyan si Tin?" sabi ni papa.
"SUS! Sabihin mong takot ka lang!!" sabi ni mama
"HAHAHAHHAA!" silang tatlo na pinagtatawanan ang tatay ko.
Isa pa yung dad ni Slater.. Matatakutin din. HAHAHA. Hindi naman bakla tatay ko. Baka may nangyari nung bata sya? Di ko alam eh. Ngayon ko nga lang alam na takot pala si papa sa horror at sa dilim. Pareho kami. at magkamukha pa kami.
"Oh ayan! Buksan natin ang ilaw. Para hindi magtitili yang asawa ko! HAHAHA!" sabi ni mama.
[Kinabukasan..]
"Good morning Tin!!" sabi ni mama
"Asan ho sila?" sabi ko
"Pinasyal si Slater. Ang dad mo tulog pa. Hindi makatulog kagabi. HAHAHA! Pareho sila ng dad ni Slater. Ang yabang pa kagabi ng dad ni Slater eh. HAHAHA" sabi ni mama.
Nanay ko talaga.. kahit kailan.. Mapang-asar.
Sinubuan ako ni mama. Soup ang breakfast namin at pandesal. Yum! Mainit pa yung pandesal.
"Uhm.. Ma.. B-bakit ganun si Slater?" sabi ko.
Nagulat ako nung yun ang tinanong ko.
"Bakit anak? Nag-aalala kaba sa kanya?" sabi ni mama
"Hindi naman.. Kaya lang kasi nakakatakot sya eh. Silent treatment. Tapos hindi ko alam kung anong iniisip nya. Paano kung maiwan kaming dalawa dito. Baka kung ano pang gawin nya sakin!" sabi ko.
"Don't worry.. Mabait yun! Sa ilang taon ba naman na magkakilala kayo." sabi ni mama
"A-anong.." sabi ko.
"Ay oo nga pala.. May amnesia ka pala HAHA. Nakalimutan ko. Gusto mong magkwento ako?" sabi ni mama.
-.- *nod*
"Teka.. Ano bang naalala mo kay Slater?" sabi ni mama
Ano nga ba??
"Oh!! Kumusta naman ang pamamasyal?" sabi ni mama
Dumating na sina Slater..
"ANo ka ba balae.. Dyan lang naman sa baba." Slater's mom
"AHAHA oo nga pala.. Kain na kayo.. Nagluto ako ng soup." sabi ni mama.
Ayan.. nakalimutan ng ituloy ni mama. Kelangan ko na naman maghanap ng tyempo. Yung tipong mood ni mama eh hindi mapang-asar. Matagal na naman to. Puro kasi kalokohan.
Napatingin ako kay Slater at nakatingin sya sakin. Expressionless. Ano kayang tumatakbo sa utak nya? Dapat ba magsorry ako? Ano ba yan.. Kababae kong tao. AKo na nga nabastos.. ako pa ang magsosorry. Bahala nga sya dyan..Hindi kasi sila nagsasabi eh.about sa result nung ginawa ko sa kanya.. Hindi kaya??? Haaay.

BINABASA MO ANG
Just Got Married?
FanfictionHindi maipinta ang kasiyahan sa mukha nina Tin at Slater sa araw ng kanilang kasal. Lahat masaya at nakikidiwang sa pinakaimportanteng araw sa buhay ng bagong mag-asawa. Ngunit sa araw ng kanilang honeymoon, ay nagulat ang lahat ng malamang naakside...