Chapter 5

753 5 1
                                    

Tin's Dad's POV

"Doc! Sure ako.. Gumalaw yung daliri ng anak ko kanina. Kitang kita ng dalawa kong mata ko." sabi ko.

"Kung ganun.. Good news yan. Ibig sabihin malapit ng magising ang anak nyo.." sabi ni Doc.

"Talaga Doc?" sabi ko na may ngiti sa aking mukha at lalong lumaki ang pag-asa ko na gigising na anak ko dahil sa sinabi ni Doc.

Sana nga magising na si Tin. Dalawang araw na din syang tulog. Sana naman magising na sya agad. Lord, Please! Sana ganun din ho si Slater. Pag nalaman ng anak ko ang mga nangyari sa kanila, sigurado akong todo alala yun.  Asan na ba yung asawa ko?? Kung kelan naman kelangan sya dito. Asawa ko talaga.

"Naty, pakitawag naman si Ate mo pls and thank you." sabi ko.

"Ok Kuya." sabi nya.

"Oo nga pala.. Umuwi ka na muna.. Pakicheck yung mga bata sa bahay pls. Salamat." sabi ko.

"Ok Kuya." sabi nya.

Tin's POV

Hmm. Bakit ang ingay? Ano bang nangyayari? Gising ako pero nakapikit ang mata ko. Nahihirapan akong buksan ang aking mga mata. Bakit kaya? Pero pinilit ko.. Sumalubong sakin ang sobrang liwanag. 

"Bakit ang liwanag?" sabi ko.

"Tin??" narinig ko na parang papalapit sakin ang boses.

"P-Pa?" sabi ko.

"Oo ako nga nak. May masakit ba sayo? Kumusta pakiramdam mo? Nagugutom ka ba? Doc! Gising na anak ko!!" sabi ng dad ko kahit na kitang kita naman ako ni Doc. Dad ko talaga.

"Ok lang ako Dad. Anong nangyari sakin? Bakit nasa hospital ako?" sabi ko.

"Hi Christine. I'm Dr. Reyes. Ako ang attending physician mo." sabi ni Doc at kinuha nya ang stethoscope na nakasabit sa leeg nya at pinakinggan ang heartbeat ko, chinek ang pulse rate ko, BP, etc..

"Pa?? Anong nangyari kay Tin??" sabi ni mama.

"Doc!! Anong nangyari sa anak ko? Iligtas nyo po sya!!" sabi ni mama.

"Ma. OA lang? Ok lang ako.." sabi ko.

"Oo nga naman Ma.. Wala ka bang napapansin?" sabi ni papa.

"OMG! Tin!! Gising ka na rin sa wakas!! Namiss ka namin.. Ano.. Uhm.. May masakit ba sayo?? Nagugutom ka ba??" sabi ni mama na yayakapin sana ako kaso pinigilan sya ni papa dahil inaasikaso pa ako ni Doc.

Hay naku.. Nanay ko talaga. OA masyado. Buti na lang hindi ako nagmana sa kanya. 

TOK! TOK!

"Doc! Eto ho pala yung resulta ng MRI ni Mrs. Christine Young." sabi nung nurse.

"Mrs. Young? Ako ba yung Christine na tinutukoy mo nurse?" sabi ko.

"Nurse..pakikuha yung MRI ni Mr. Slater Young." sabi ni Doc. 

"Doc.. Ako ba yun? At sino si Mr. Slater Young?" sabi ko.

"Tin.. Anong pinagsasabi mo dyan?Doc.. ano bang.." sabi ni mama.

"Uhm.. Ganito ho yun.. Base ho sa resulta ng MRI..lumala--" sabi ni Doc.

TOK! TOK!

Slater's POV

*BESO*

"Kumusta na si Tin? May nangyari daw sabi sakin ni..." sabi ni mom.

Nakita ko ulit yung babaeng pumunta kanina sa kwarto ko at may sinabi tungkol sa Tin ba yun. Sino ba yun? 

"Tin!! Buti naman at gising kana!" sabi ni mom.

So.. sya pala si Tin.. Bakit andito din sya sa hospital? At bakit sinabi din ng mom ko na nagising na din sya sa wakas? Hahalik sana ang mom ko ng..

"Sino kayo?" sabi nung Tin.

Nakita ko ang gulat sa mukha ng parents ko at sa tingin ko eh parents ni Tin.

"Doc.. Bakit.. si Tin.." sabi ni mom.

TOK! TOK!

Slater's Dad's POV

"Doc.. eto na po yung MRI ni Mr. Slater Young." sabi nung nurse na pumasok.

"Tamang-tama.." sabi ni Doc na nakangiti.

Tiningnan ni Doc ang MRI result ni Slater. Napakunot ito at may kinuhang folder sa gilid nito. Pareho nyang tinitingnan na parang kinukumpara sa isa't isa.

"Hmm. Hindi na ho ako magpapaligoy ligoy. Base ho sa resulta ng MRI.. Lumalabas ho na meron silang retrograde amnesia.

Sabi na nga ba..AMNESIA. 

"..Ito ay isang uri ng amnesia kung saan nahihirapan tandaan ng utak ang mga nangyari bago maaksidente. Pwede ring isang tao ang hindi matandaan ng may retrograde amnesia. Sa case ng dalawa, mukhang ganun ang nangyayari. Dahil sa matinding pagkakauntog ng ulo nila ay nataaman ang memory storage ng dalawa." sabi ni Doc.

"Anong dapat naming gawin ngayon Doc?" sabi ko. 

"Sa ngayon.. wala tayong magagawa.. Mahihirapan lang ho si Christine at Slater kung mabilisan nating ipapaalala sa kanila.. Unti-untiin natin pero wag nating biglain.. Lalo na kaso ito ng isang retrograde amnesia.. Pwedeng matandaan nila pero pwede ring hindi na.." sabi ni Doc.

"Ok naman ang internal organs nila. Yung sugat nila sa noo, tinahi namin ang mga ito. Yung braso ni Slater ay nagka-displaced fracture. Non-surgical naman. Ingatan lang na wag masyadong igalaw at wag matamaan. Ilang buwan lang ay pwede na tong gumaling. Binigay ko na sa mom mo, Slater, ang mga dapat gawin at yung gamot mo. Wala namang internal bleeding na nangyari sa dalawa." sabi ni Doc.

O.O < parents ni Tin at Slater.

O.o? < Tin at Slater 

Tin's POV

"Kaya pala.. pagpunta ko kanina kina Slater.. Hindi ka nya kilala." sabi ni mama sabay turo sakin.

"Teka.. Bakit Young ang apelyido ko Ma?" 

"Ok. Since andito na tayo.. Mag-asawa kayo."  sabi ni mama sabay turo sakin at nung lalaking naka-wheelchair. 

"WHAAAAT?" sabay pa kami nung naka-wheelchair.

"Dapat maghohoneymoon kayo sa Boracay ng maaksidente kayo. 4 days ago kayo kinasal." sabi ni mama.

What? Naririnig ko si mama na nagsasalita pero parang tumatagos lang sa kabila kong tenga. Hindi man lang dinahan dahan. -.-  Anong nangyayari? Imposible. Amnesia? Eh masisisi nyo ba ako kung hindi ko talaga maalala ang lahat..eh talagang magpoprotesta ako. 

"I know.. Naguguluhan kayo sa mga nangyayari.. Hindi nyo matanggap na kasal kayo..Kasi nga hindi nyo maalala. Kaya nga napag-isipan ko, ngayon ngayon lang actually..na pagsamahin kayo sa isang kwarto para maalala nyo lahat. Pwede ba yun Doc?" sabi ni mama.

^_^

  "Paging Dr. Reyes! Please Proceed to the Emergency Room."

"Pwede ho. Sige ho." sabi ni Doc.

"Salamat Doc." sabi ni mama.

O.O

5

4

3

2

1

"NOOOOO!!" sabi ko.

CHIRP. CHIRP. CHIRP.

-------

NAKAKABINGING KATAHIMIKAN. 

Just Got Married?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon