Tin's POV
Manyak na yun! Nakachansing pa sakin!!
[FLASHBACK]
"Bakit ka takot sa dilim?" sabi ni Slater
"Hindi ko nga rin alam.. Basta bata palang ako.. Takot na ako. Kaya lagi akong natutulog na may ilaw.. at kung blackout man.. Dun ako sa mga kapatid ko nakikisiksikan.. hehe." sabi ko
"Ilan ang kapatid mo?" sabi ni Slater
"4 kami.. Si Kuya Angelo, Ako, Si Cwa, at si Asher. Ampon lang namin si Asher.. Pinaalam na namin kaagad sa kanya. Mas magandang ipaalam namin sa kanya para hindi sya mahirapan. Okay naman sya. Mabait. Makulit nga lang.. Mahal ko rin yun!" sabi ko
"Hehe.. ganun ba? Ako naman.. may mga kapatid din ako. Mukhang ang lakas ng ulan ah.. Tanggap mo na ba na kasal talaga tayo?" sabi ni Slater.
"Hindi! HAHAHA. Siguro kung walang amnesia.. Siguro talagang mag-asawa tayo kung magturingan. Ikaw kasi eh.." sabi ko
"ANong ako? Haha. Ikaw nga tong laging nangunguna na makipag-away sakin..psh. Ako.. Hindi rin eh..Sympre nakakabigla yung mga pangyayari." sabi ni Slater.
"Bakit nga pala hindi ka nagsasalita nung mga nakaraang araw?" sabi ko
"Ah.. wala lang. SILENT TREATMENT para malaman mong galit ako sa ginawa mo." sabi ni Slater
"Psh.. Hindi mo rin naman natiis pero kinausap mo ako. Kahit maikli. pero kinausap mo pa rin ako.. Kaano ano mo yung Mitch? Paano nya kaya ako nakilala?" sabi ko.
"HAHA. eh ikaw lang kasi ang binigyan ng beso eh..Friends kami. Hindi ko nga rin alam eh.. Nung araw na nagising ako. Dinalaw nya rin ako. Pinapakamusta kapa nga nya sakin. Eh sa hindi talaga kita kilala. Kaya hindi ko sinagot." sabi ni Slater.
"Gusto mo ba sya?" sabi ko ng pabulong.
"Ano??" sabi ni Slater.
"Wala.. sabi ko magkwento ka lang ng tungkol sayo.." sabi ko
Hanggang sa nakatulog ako. HAHA. Nakakaantok kasi boses nya eh..
Wala akong gusto kay Slater ah.. Natanong ko lang.. Kasi parang may kakaibang vibes eh pag nagsama sila..
[END OF FLASHBACK]
1st time namin mag-usap ng ganun.. Nakaka-ilang nung una.. Pero okay naman nung tumagal. Dapat nga hindi ako magpapayakap. Kung hindi lang talaga ako takot sa dilim.. Mga magulang ko naman parang ano. Masayang masaya pa sa nangyari.. Ipapa-frame pa yung pictures na kinunan nila.. tapos yung nirecord.. ilalagay daw sa cd para daw mapanood namin kung gaanoo daw kami 'KA-SWEET'.. Yung nakakiss kami ni Slater habang tulog. Weird. Hindi ko alam kung paano kami nahantong sa ganung posisyon. Haay. Bakit ba ang manyak nya? Hindi kaya sinadya nya yun?? Nababadtrip na naman ako.
"BALAAE!!" sabi ni mama
O.O < ako yan
"MOM!!" sabi ni Slater.
Anong nangyari? Nakakabigla naman.. Nahimatay ata ang mom ni Slater at namumula.
"Dali!! Tawagin nyo ang doctor!!" sabi ni mama
Dali-dali namang tumakbo palabas yung dad ni Slater..
Tiningnan ko si Slater na tulala. Nakatingin lang sya sa mom nya. Kahit ako nabigla eh.. sya pa kaya!! Parang iiyak si Slater..
Tumayo ako.
"Slater.." sabi ko.
Biglang dumating na ang doctor at may mga kasamang nurse. Nilagay ang mom ni Slater sa bed at dadalhin sa ER.
BINABASA MO ANG
Just Got Married?
FanfictionHindi maipinta ang kasiyahan sa mukha nina Tin at Slater sa araw ng kanilang kasal. Lahat masaya at nakikidiwang sa pinakaimportanteng araw sa buhay ng bagong mag-asawa. Ngunit sa araw ng kanilang honeymoon, ay nagulat ang lahat ng malamang naakside...