Chapter 4 - The Truth♥

61 4 0
                                    

(Papasok sa Eskwelahan)

“Good Morning Sophii”. bungad ni Mitch.

“Good Morning din”, sabi ko.

“Kamusta nakagawa na ba kayo ni fafa Xander?” tanong ni Mitch.

“Ano? Haha, Grabe ka naman parang iba na yung ginagawa namin ah? Ayun, Wala pa. Kayo?.” sabi ko.

“Haay na ko Sophiii, Eh, wala naman ginawa yung kapartner ko kung hindi kumain e! Feeling ko nga gusto na rin niya ko kainin e. Pero okay lang, kasi medyo close na kami. Hihi” sabi niya.

Sophia’s POV

Haaay, Buti pa si Mitch mukang comfortable na siya sa kapartner niya. Samantalang kami ni Xander hindi pa kami nakakapagusap, Ayy teka lang, sabi niya 7pm daw sa Armado’s Hotel ah? Hindi,hindi! bakit naman ako pupunta dun. Bata pa ko, Pervert talaga yung lalaki na yun! Pano na yan, Makakapasa pa kaya ako?

Pumasok ng classroom si Xander ng magisa. Himala, hindi niya kasama si Romeo ngayon, at hindi rin siya nagdabog. Mukhang Good mood siya. Siguro, ito na ang chance ko para makipagkwentuhan sa kanya?

“Bespren! Beaspren!” Hinihingal na sabi ni Romeo.

“Hmm?” Tingin ni Xander.

“Uhm..” Nilapit ni Romeo ang kanyang mukha kay Xander, at bumulong.

“WHAT?? GRR!” Sigaw ni Xander.

“Mamaya diba? Shit! Sige Pupunta ko”. dagdag ni Xander at biglang sinipa ang upuan at umalis.

Sophia’s POV

Grabe! Nakakatakot talaga siya, di ko lubos maisip na gusto ko makipag kwentuhan sa kanya kanina, Pero sayang yun, para naman kasi yun sa project, kahit ano gagawen ko, para makapasa lang ako. Kung di lang talaga dumating tong si Romeo eh. Kainis! >:(

Dumating ang professor namin, pero hindi na pumasok si Xander, ano kaya yung binulong sa kanya ni Romeo. Syempre, Nakakahiya namang magtanong, di naman kasi kami close. Haay!

(Afterclass)

“Sophii, siya nga pala si Kristine, siya yung kapartner ko”. sabi ni Mitch

“Ah. Hi!”sabi ko.

“Hello!” sabi ni Kristine.

“Sige, Sophii. Kakakain pa kasi kami e. Haha! Kitakits na lang bukas, BYE!” paalam ni Mitch.

“Haha. Sgesge, Ingat kayo!” sabi ko. (Mukang magkaibigan na talaga sila, Haha.)

(Sa Bahay)

“Nandito na ako Pa!”

“Sige. Kumain kana”. sabi ni Papa.

(Pag-akyat sa taas)

Haay nakakapagod, anong oras na ba? 8pm na pala. Buti na lang holiday bukas, makakapag pahinga ako.

Tiittt!! tttiiiit!!! tititt! tunog ng Cellphone ko.

Hmm. May nag text? Ah baka si Mitch.

(Open Message)

“Hi ! Ms. Pretty Nerd ^___^.” No name.

Ha? teka, Cnu to?

“Cnu po ito?” Reply ko.

Tiittt!! tttiiiit!!! tititt!

“Romeo Wafakels po ito. ^___^”.

Teka? Si Romeo Arevalo? Pano naman niya nakuha number ko? Oh no, Si Mitch?

“Bakit po? at may Pangalan po ako, ako si Sophia. Pano mo nalaman number ko?”. Reply ko.

Tiittt!! tttiiiit!!! tititt!

“Hehe, Sorry Ms. Sophia ~_^ Binigay po nung friend mo, si Mits ba yun? ^__^ Oo nga pala, kasama mo si bespren no?”.

Sabi ko nga ba e. Ikaw talaga Mitch! Lagot ka sakin bukas. Ha? Bespren?

“Hindi po. si Xander ba?” Reply ko.

Tiittt!! tttiiiit!!! tititt!

“HA? Eh, kanina pa siya 7pm dun ah? Nagmamadali nga yun e”. reply ni Romeo.

7pm? HALA!  Oo nga pala. 7pm sa harap ng Armando’s Hotel! Teka, Bakit naman ako pupunta don? Pero kahit na, Magbibihis na nga ako.

“Pa! May pupuntahan lang po ako saglit”. Tumatakbong sabi ko.

“Ha? Umuulan Nene, San ka pupunta?” Tanong ni Papa.

“Sandali lang po ako, may payong naman po ako e”. Nagmamadaling sabi ko.

“NENE!! Bumalik ka Agad ha??!!” Sigaw ni Papa.

“Opo.” Sigaw ko. (Hayy, Ano ba kasi tong si Xander, di man lang pinaalala kanina, syempre makakalimutan ko yun. Haay nako naman talaga, ang lakas pa ng ulan.)

(Pagdating sa Armando’s Hotel)

Tingin-tingin kung saan-saan, Lakas ng ulan. parang wala naman tao dito e. Teka! Sinu yung nasa Payphone booth? Lalaking naka yuko naka hood at nangingig.

“Xander?” Mahinang sabi ko.

Dahan dahan siyang tumingin saakin.

“Sophia?” nanginginig na boses.

(Waaa! Si Xander nga ito!)

“Hala! Bakit ka nandyan? at Bakit ka nagpapaulan?” sabi ko.

“Tss. Bakit ngayon ka lang? sabi ko 7pm ah!” sabi ni Xander habang nanginginig, sabay tingin sa relo niya. “9pm na e”. dadag niya.

“Eh, kasi .. naman ..” (Buggsshh!) Biglang natumba si Xander papunta sakin.

“Xander!!? Ok ka lang ba? Gusto mo punta tayong Doctor?” natatakot na sabi ko.

“Tss. Ok lang ako, Sumunod ka sakin”. Sabay hawak sa kamay ko.

Ang lamig sobra ng kamay niya. Kasalanan mo to Sophia e! Pano kung magkasakit yan? Edi ikaw pa may kasalanan. Tss! Hala, tss. tss. tss, Ahas na ata ako?

Tumakbo lang kami habang hawak ko yung kamay niya, mali. siya pala may hawak sa kamay ko. Hehe, At huminto kami sa malapit lang sa likod ng Armando’s hotel. Isa ring malaking Mansion kasing laki siya ng Armando’s hotel, pero mas Maganda itong Mansion.

“Andito na tayo”. sabi ni Xander.

“Ha? Saan?” tanong ko.

Young Master?!! Young Mater! Ano pong ginagawa niyo diyan?? Sigaw ng guardia.

Young Master? Bakit Young Master? Dapat “Young Monster”. Haha, Ayy. Teka. Wag mong sabihing itong bahay na’to, ang ibig ko sabihing itong mansion na ito ay kila Xander??! :O

“Young Master, Pumasok na po kayo!” sabi ng guardia.

Dirediretsyo si Xander sa loob ng Masion, at di niya parin binibitawan yung kamay ko. Pag ka pasok naming sa loob ng Mansion, Putcha! Ay Sorry. Ang Lakii! Grabe, yung bahay namin gate lang nila. Tsk! Pero teka, Bakit sa Sapphire School lang siya nag aaral? Di ko na talaga maintindihan.

“Sophia”. tawag niya.

“Ha? Ano yun?” sabi ko.

“Maupo ka muna doon. Magbibihis lang ako”. sabi ni Xander.

Sophia’s POV

(Lunok) Bakit ganun, Parang ang bait sakin ni Xander ngayon ah? Grabe, Talaga hindi ako makapaniwalang Bahay nila to? Oo, alam ko gangster siya, dahil lagi siyang nakikipag-away pero mahirap lang talagang maniwala, ano pa kayang mga tinatago mo Mr. Xander Middleton?

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Published: March 31, 2014 - Purple-Sparklin :)

VOTE!! COMMENT!! RATE!!!

My Wish (Nerdy Girl ♥ Gangster Boy)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora