Sophia’s POV
Sophia? Ano na! Magsalita ka! Sasagutin mo na ba si Xander? Ito na ba yun?
“Urghm …”
“Hmm?”
“Ou Xander. Tayo na ^_^”
“Really? Hahaha! Yesss!!!”
“I Love you Sophia!” sabay yakap sakin ni Xander.
“I Love you too”.
Sophia’s POV
Alam ko madami pa kaming pagdadaanan pero mahal ko na talaga si Xander, at alam ko wala namang masama kung suklian ko ang kabutihang binibigay niya sakin. Susubukan ko Xander, hangga’t kaya ko papantayan ko ang pagmamahal mo sakin.
“Di mo alam kung gaano mo ko pinasaya”. Sabi ni Xander.
“Haha. Kaya pala walang mga tao e, Kainis ka talaga!”
“Tss. Ou nga pala, may Ibibigay pa ko”.
“Huh? Meron pa?”
“H-hmm.”
Inabot sakin ni Xander yung isang Regalo.
“Ano naman to?”
“Buksan mo na lang”.
Pagbukas ko ng Regalo, ang laman pala ay Teddy bear, kulay brown. Kaso sira yung kilay.
“Haha! ang sweet mo naman, kaso bakit Sira yung kilay?”
“I dunno. Nakipaghatakan kasi ako sa bata kanina eh”.
“Huh? Nakipaghatakan ka pa?”
“Tss. ayaw niya kasi ibigay! Ako unang nakakita niyan, Kinukuha niya! Pathetic Kid”
“Haha! Grabe ka, pati bata pinapatulan mo”
“Wait, mas kinakampihan mo ba yung bata na yon, Kesa sakin?”
“Hala! Wala kong sinasabi ah!”
“Tss”.
“Huy? Galit ka nanaman ba?”
“Give me that thing! Ibabalik ko na dun sa bata!”
“Ayoko! Alam mo Xander, Kahit sira yung kilay ng teddy bear na binigay mo sakin. Gusto ko pa din to no! kasi pinaglaban to ng mahal ko sa bata XD, kaya alam kong ganun kahalaga sayo na bigyan ako ng teddy bear”.
“Tss!”
“Wag ka na magalit! Init lagi ng ulo mo”.
“Fine. Para mawala yung galit ko, Kiss me!”.
“Hahaha! Ewan ko sayo!”
(Pauwi sa bahay)
Nakasakay ako sa kotse ni Xander, hawak-hawak niya yung kamay ko, habang nag dri-drive. Kinikilig nanaman ako. Haaayy! >____<
“Sophia?”
“Hmm?”
“Anong araw ngayon?”
“Huh? Sabado, April 5. Bakit?”
“So? 5 is our monthsarry”.
“Haha, Ou nga pala!”
“Do you love me?”
“Ano?”
“Naah. Nevermind”.
“Haha, Alam ko po sobrang magkaiba tayo, lalo na sa estado ng buhay, pero Xander, kagaya ng sinabi mo, Gusto kita makasama at Masaya ko kapag kasama kita. Mahal kita Xander ^__^” nakangiting sabi ko.
BINABASA MO ANG
My Wish (Nerdy Girl ♥ Gangster Boy)
Teen FictionPROLOGUE: ★My Wish ~ Sana, kahit hindi ako maganda. may magkagusto pa din sakin. hindi naman po kailangang perpekto, Hmm. Ok na po yung medyo gwapo at badboy tignan. Yung ililigtas ako pag nasa pahamak at lagi akong aalagaan at mamahalin ako kung si...