Chapter 8 - My First Wish (Part 2)♥

36 4 0
                                    

Hmm. Siguro tama siya, kasi halos lahat naman ng tao nagpapalipas sa mga bahay nila e.  Sa bahay mo rin ikaw uuwi kapag pagod kana, at syempre sa bahay ka din magsisimula ng mga gagawin mo o kaya yung araw-araw mong ginagawa.

(Pumasok na kami sa Mansion nila Xander).

“Kuya!!” Sigaw ng isang bata.

“A-Alex?” gulat na sabi ni Xander.

“Kuya! Bakit ngayon ka lang?”.sabi nung bata.

“Huh? Bakit andito ka?” tanong ni Xander.

“Kuya! Sino siya?” tanong nung bata.

“Ah. Siya si Sophia”. sabi ni Xander

“Sophia si Alex, kapatid ko”. dagdag  ni Xander

“Girlfriend mo ba siya kuya?” sabi ng kapatid ni Xander.

“Huh? Haha. hindi, Magkaibigan lang kami ng Kuya mo”. sabi ko.

“Ah, ganun ba? Tara Kuya! Laro tayo”. sabi ni Alex habang Hinahatak niya si Xander.

“Huh? Eh, Sophia. Tara, Pasok ka!” sabi ni Xander.

Sophia’s POV

Hmm. Parehas silang gwapo ng kapatid niya, pero mas gwapo pa din si Xander, Hala! ano ba tong iniisip ko. Andito ko para sa Project, kaya kailangan maging seryoso ako. Ngayon alam ko na, na may kapatid pala si Xander. Teka, Alam kaya ng kapatid niya kung ano yung mga gingawa ni Xander?

“Sophia, sandali lang ha?” sabi ni Xander, habang hawak-hawak yung kamay ng kapatid niya.

“Ha? Ahh. Sigesige.” sabi ko.

(Umakyat na sila sa 2nd floor)

“Xander!!” sigaw ng matanda, mula sa kusina.

“Hello po!” bungad ko.(Ito yung lola ni Xander).

“Ikaw yung babaeng dinala niya dito nung umuulan diba?” sabi ng lola niya.

“Ha? Opo. Ako nga po”. sabi ko.

“Hmm... Halika dito iha!” sabi ng Lola ni Xander.

“Huh? Bakit po?” tanong ko.

Lumapit ako sa Lola ni Xander papuntang kusina.

“Okay lang ba, kung Ipahiwa ko sayo ito? Sumasakit na kasi yung mata ko e”. sabi ng lola ni Xander.

HALA! nautusan pa tuloy ako ni Lola. Pero sige, wala parin naman si Xander e.

“Huh? Oh, Sige po”. sabi ko.

“Sino ka nga ulit iha?” tanong ng lola niya.

“Sophia po, Sophia Alejandro”. sabi ko.

“Ah, Sophia. Anong trabaho ng mga magulang mo?” tanong ng lola niya.

“Si Papa po technician, Si Mama naman po namatay pagkapanganak po saakin”. sabi ko.

“Ah? Ganun ba?” sabi ng lola ni Xander.

“Uhm, may gusto po sana akong itanong?” sabi ko.(Matagal na rin kasi tong tanong sa isip ko).

“Hmm. Ano yon iha?” sabi ng lola niya.

“Bakit po sa Sapphire National High School nagaaral si Xander?” matapang kong tanong.

“Ang ibig mo bang sabihin kung bakit doon lang siya nagaaral samantalang mayaman sila? tama ba ako?” sabi ng lola niya.

“Huh? Ah, Opo.” sabi ko.

My Wish (Nerdy Girl ♥ Gangster Boy)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora