Chapter 12 - I'm dating the Gangster (Part 1)♥

36 3 0
                                    

“Good Morning Pa!”

“Hmm, Kumain ka na dito”. Tango ni Papa.

(Habang Kumakain)

Kailangan kong magdahilan para maka-alis kami ni Xander. Sigurado hindi papayag si Papa. Alam ko na!

“Uhm, Pa! Aalis lang po ako saglit”.

“Huh? Saan ka pupunta?”

“Kila Mitch, di ba po di pa tapos yung project ko? Kasi nga po dahil doon sa nangyari sakin”.

“Ah ganun ba? Hindi ka ba makikipag-kita kay Xander?”

“Huh!?” gulat kong sabi.

“Nagtext siya sakin, Magkikita daw kayo”.

“HUH?! Pa, pano mo nalaman number ni Xander?”

“Teka nga, Sophia Alejandro! Nagsisinungaling ka ba sakin?”

“Di po ah! Pupunta din po talaga ko kila Mitch, at makikipag kita din kay Xander, Hehe”.

“Ikaw bata ka huh? Kakagaling mo lang sa ospital, kung san-san ka nanaman pupunta!”

“Wag ka po mag-alala Papa, Promise! Babalik din po ako kaagad”.

(Pagakyat sa Taas)

“Hoy! Mr. Middleton!” Message Send.

Tiittt!! tttiiiit!!! tititt!

“Bakit Mrs. Middleton? reply niya.

“Pano mo po nalaman number ni Papa, at Sinabi mo rin sakanya na lalabas tayo?”

Tiittt!! tttiiiit!!! tititt!

“Opo. Kinuha niya number ko, sabi kasi ng Papa mo gusto niyang may bantay sa anak niya”.

Huh? Bantay?

“Teka, May number naman ni Papa si Mitch ah”.

“I Don’t know. Siguro mahilig lang talaga magtiwala ang Papa mo sa mga gwapo”.

Hahaha! Joker!

“Tss. Hahaha, Sige na nga! Sabi mo e”.

Pinagkakatiwalaan ni Papa si Xander? Paano? at Bakit? Nag-usap ba sila habang tulog ako sa Ospital? O di kaya kinausap siya ni Papa ng Masinsinan? Haay! Bakit wala akong alam sa mga nangyayari! Tsk.tsk :(

Tiittt!! tttiiiit!!! tititt!

“So? 3pm at Park?”.

“Opo”.

“Don’t be late, or else you have to kiss me 10 times”.

“Haha. Yes! Sir”.

(Pupunta muna ko kila Mitch)

“Pa, Alis na po ako”.

“Sige. Umuwi ka ng maaga!”

“Opo”.

(Sa Bahay nila Mitch)

“Oh? Sophii, Bakit andito ka?”

“Ah, Hehe. Pwedeng pumasok?”

“Haha, Ou naman”.

Wala yung parents ni Mitch, may trabaho daw, Iisang anak lang din siya, kaya solo niya ang bahay nila ngayon! Tamang-tama, mag papatulong kasi ako.

“Uhm, Mitch. Tulungan mo naman ako”.

“Huh? Saan?”

“Teka, Sophia Buntis ka ba?” dagdag niya.

My Wish (Nerdy Girl ♥ Gangster Boy)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora