Chapter 6 - Dating Mr. Arrogant♥

54 3 0
                                    

Napatitig ako sa mata ni Xander, nakatitig din siya sakin nung sinabi niyang “Don’t go. Stay with me”, Ewan ko pero ang bilis ng tibok ng puso ko, Sasabog na ata sa sobrang bilis!

“Ha?” Ulit ko.

“Tss. Sabi ko, Wag ka ng umalis, tutal malapit na din namang mag 4 e”. Sabay iwas ng tingin saakin.

Ewan ko ba, Iba talaga yung pagkasabi niya kanina e. Parang ayaw niya kong umalis. Oh, siguro ako lang yung  nanibago dun.

“Ah, Ok sige”. Sabi ko.

Xander: “Let’s go?”

Sophia: Saan po?

Xander: Just follow me.

Ang hilig nitong pasunurin ako, pero sumusunod naman din ako, haay! XD

(Pumunta kami sa Cinehan.)

Xander: Wait here.

“Ha? Teka lang, Bakit tayo andito?” Pahabol kong tanong.

“Diba mayroon tayong Project? na dapat alam mo kung ano yung ginagawa ng kapartner mo araw-araw? ito na yon.” Sabi niya ng nakangiti.

“Huh?” sabi ko.

“Haha, Sandali lang.” Sabi niya.

Sobra na talaga kong naninibago kay Xander, hindi ko alam kung gangster nga ba talaga siya o dalawa yung katauhan niya. Pero sige. kailangan ko to, para sa Project. Bumili ng ticket si Xander, Action-drama yung genre ng palabas, di ko lang alam kung ano yung title.

“Let’s go?” sabi niya.

(Pagkapasok namin sa Cinehan)

Umupo kami bandang likod sa taas ng sinehan. Syempre, magkatabi kami. Teka, Bakit ganito yung mga tao sa cinehan, halos lahat sila may kapartner, Yung sa harap namin sobrang sweet sa isa’t-isa.

“Ehem.” ubo ni Xander.

“Ok ka lang?” tanong ko.

“Huh? Ahh Ou.” nagulat niyang sabi.

“Bakit parang kinakabahan ka?” sabi ko.

“Huh? Hindi ah, Bakit naman ako kakabahan? Tss”. Mayabang na sabi niya.

Sophia’s POV

Haay, Mayabang parin talaga siya! Mr.Arrogant na mayaman na gangster na Pogi. Huh? Pogi? Bakit ko ba nasabi yon? XD

“Una, This is my past time” mahinang sabi niya.

“Huh?” sabi ko.

“Tss. Isulat mo na kaya, para sa project mo.” sabi ni Xander.

“Huh? Ah, okay.” sabi ko.(Parang ako lang naman may kailangan nito, Siya din kaya. Tss! ka din.)

“What’s yours?” tanong niya.

“Ako? Uhm, mahilig akong matulog tapos mag text at f.b kung minsan”. sabi ko.

“Tss. Boring ..” sabi niya.

“Aba! Hindi kaya! Ikaw nga, Nuod ka lang ng nuod ng sine e!” matapang na sabi ko.

“It’s my first time.” sabi ni Xander.

“Huh?” sabi ko.

“It’s my first time, watching with a girl”. Sabi ni Xander.

Ow my gusshh! Bakit natahimik ako, Pero diba Ex niya si Eunice? Hindi ba sila nanonood?

“Diba Ex mo si Eunice? Hindi ba kayo nanonood ng sine?” tanong ko.

“Nope. Hindi ko naman talaga siya ginusto, si Mama lang pumipilit na maging kami”. sabi niya.

My Wish (Nerdy Girl ♥ Gangster Boy)Onde histórias criam vida. Descubra agora