Ang writing tip/s na mababasa n'yo rito ay mula kay ate nininininaaa. Ipinaliwanag ko lang para magkaroon kayo ng ideya kung paano mo sisimulan ang step para makapagsulat ka ng isang kuwentong papatok sa panlasa ng madla.
"If writing is what you really want to do, you wouldn't find yourself being lazy. so love writing. 😊"
-nininininaaa
Ito ang mga katanungan sa Tip na iyan. Paano ka makakatapos ng kuwento kung tinatamad ka? Paano mo mailalabas ang mga emosyon at ideya mo kung tinatamad ka? Paano ka magiging inspirasyon sa ibang tao kung tinatamad ka?
Ang pagsusulat ay maaaring maging propesyon o libangan. Kapag nagsusulat ka, hindi mo maiiwasang isulat ang mga karanasan mo. Mga karanasan mong nag-paiyak, nag-patawa, nag-pakilig, nag-patakot, nag-pangiti, nag-palungkot, at nag-painspire sa 'yo na magpatuloy sa buhay at pag-abot ng mga pangarap mo. Ang mga karanasang ito ay maaaring magparamdam sa mga mambabasa ng mga naramdaman mo noong nararanasan mo ito. Matututo sila kasabay ng pagkatuto mo. Paano na sila? Paano na sila matututo kung tinatamad kang magsulat?
Kung mahal mo ang ginagawa mo ay hindi ka tatamarin na ituloy ito. Kung mahal mo ang ginagawa mo ay ipagpapatuloy mo ito ano man ang mangyari. Ipaglaban mo ito at manindigan ka para rito.
Ang kawalan votes, reads, comments, at followers ba ang dahilan kung bakit ka tinatamad na ipagpatuloy ang pagsusulat? Gumising ka girl/boy! Hindi iyan basehan kung ipagpapatuloy mo o hindi ang kuwentong sinusulat mo. Bakit ka ba nagsusulat? Hindi ba't para mailabas mo ang mga emosyon at ideya mo? Para sa sarili mo ang ginagawa mo dahil gusto mong makalaya sa mga nagkukulong sa 'yo.
Paano magkakaroon ng votes, reads, comments, at followers kung hindi mo ipagpapatuloy? Mas mawawalan sila ng gana na basahin ang sinusulat mo kung hindi ka na magsusulat. Ipagpatuloy mo ang nasimulan mo dahil darating ang araw na mayroon nang magbabasa niyan. Magsisimula sa isang read, isang vote, isang comment, at isang follower hanggang sa sunod-sunod na.
Kapag natuwa sila sa gawa mo ay susuportahan nila ito at pati na rin ikaw. Ang lahat ng manunulat ay nagsimula rito. Every winner experienced to be a beginner. Paano sila nakilala? Paano sila nakapag-publish? Nagsikap kasi sila. Kahit na maraming dumarating na maaaring makahikayat sa kanila na huwag mag-patuloy ay naging matatag sila at nagpatuloy lang.
Noon, nakaranas din sila na walang nagbabasa, walang nagcocomment, walang bumoboto, at walang nagpafollow. Pero kahit na gano'n ang nangyari, hindi sila sumuko at nawalan ng pag-asa. Nagpatuloy sila sa pagsusulat. Gawin mo silang inspirasyon para magpatuloy ka.
Mahalin mo ang pagsusulat para mawala ang presensiya ng katamaran sa 'yo. Mahalin mo ang pagsusulat para maging inspirasyon ka sa ibang tao. Mahalin mo ang pagsusulat para matuto ka—matuto kang lagpasan ang bawat pagsubok na darating sa buhay mo.
©zephaniahhhh
BINABASA MO ANG
Un-satisfactions of a Writer (Writing Tips and Experiences)
Non-FictionThese are my own Writing Tips and Experiences that I think, can help you. ©zephaniahhhh