Ano-ano ba ang mga rason ng katamaran ng mga manunulat? Why do they get lazy despite of having many ideas?
1) Votes, Comments, Reads, Followers
Sa panahon ngayon, marami ng manunulat ang nabubulag sa mga ito. Kapag walang Vote, Comment, Read ang story mo at nasamahan pa ng wala kahit isa kang follower ay tatamarin ka na magpatuloy sa pagsusulat. Huwag kayong magpabulag dito!
Ano ba ang dahilan ng pagsusulat mo? Para ba ito sa sarili mo? Gusto mo bang maglabas ng mga emosyon at ideya? Tanungin mo ang sarili mo kung bakit mo ba ito ginagawa.
Huwag kang magpaapekto sa votes. Kung magiging praktikal ka, maiisip mo na paano ka nga naman makakakuha ng mga 'yon kung tinatamad kang magsulat? Paano ka makakakuha ng mga 'yon kung wala namang babasahin ang readers? May right timing ang lahat ng bagay, matuto ka lang maghintay. Ipagpatuloy mo lang ang pagsusulat. Ipagpatuloy mo lang ang pangarap mo.
2) Writer's block
Actually, there is no such thing like this. Sadyang gusto mo lang isipin na ganito ang nangyayari. Ang katotohanan ay tinatamad ka lang dahil sobrang dami mong ginagawa o 'di kaya'y dahil na naman sa mga votes and reads.
Base sa mga depinisyon ng ibang manunulat, ang writer's block ay ang oras kung saan walang pumapasok na ideya sa isip mo. Kahit anong piga ang gawin mo sa utak mo ay wala talagang lumalabas na ideya.
Kapag wala nga namang ideya ay talagang tatamarin ka. Ano pa nga ba? Wala ka na namang maisusulat.
3) Busy
Tatamarin kang magsulat dahil marami kang ginagawa. Lalo na kapag dumating na ang requirements week. Sa sobrang dami mong ginagawa ay tatamarin kang magsulat. Maiisip mo na ano nga ba ang mapapala ko kung magsusulat ako? Hindi naman 'yon makakatulong sa completion of requirements ko.
Sa sobrang busy mo sa trabaho ay makakalimutan mo nang may sinusulat ka. Kapag naalala mo na ito, tatamarin ka na kasi may makikihati na naman sa oras mo.
4) Bashers
Hindi naman maiiwasan ng lahat ng tao na magkaroon ng bashers. Bakit ba sila nambabash? Dahil ba sa mga grammatical and typographical errors mo? Dahil pa sa mga loopholes ng story mo? Just don't mind them. Wala lang silang magawa sa buhay.
Huwag kang magpapadala sa mga sinasabi nila.
Paano ito naging rason ng katamaran? Simple lang, nagpaapekto ka. Nalungkot ka. Tinamad ka. Hindi ka na nagsulat.
Remember this, kung mayroon kang bashers, mayroon ka ring supporters na ipagtatanggol ka sa mga bashers mo. Isipin mo na lang ang mga supporters mo kapag na wala ka.
5) Demanding Readers
Tatamarin ka na magsulat dahil kaka-update mo pa lang ay may magcocoment sa story mo na nanghihingi ng panibagong update.
Bakit ka tatamarin? Hindi ba dapat matuwa ka? Matuwa ka kasi nagandahan sila sa gawa mo? Always think positive! Accept those comments as a compliment.
Pero kung sumosobra naman na at parati na lang nanghihingi ng update kahit na sunod-sunod na ang pag-update mo, doon ka na magreklamo at tamarin.
Kung may pangarap ka na maging matagumpay sa pagsusulat mo, kailangan mo itong lagpasan para maabot mo ang goal mo.
6) Insecurity
Naranasan mo na bang ma-insecure sa gawa ng iba? 'Yong oras na nilalait mo na ang gawa mo dahil ang ganda ng story ni ganito-ganyan kaya tinatamad ka na.
"Ang ganda ng story niya! Napakawalang kuwenta ng story ko!" "Walang-wala ang story ko kapag kinumpara mo sa gawa niya!"
What's happening dear? Bakit ka pinanghihinaan ng loob? Ipagpatuloy mo lang. Every writer has a unique way of writing style. Huwag kang tumulad sa kanya. Magsulat ka sa pamamaraang alam mong kumportable ka.
Gamitin mo ang mga insecurities na iyan bilang gabay para makapagsulat ka ng maayos. Lagi mong isipin na "She/He can do it, I can do better." para maging unique ang kuwentong sinusulat mo. Huwag kang kumopya ng ideya ng iba. Gamitin mo ang puso at isip mo para malagpasan ito.
6) No Supporters
'Yong pakiramdam na walang sumusuporta sa 'yo. Kahit na pamilya at kaibigan mo ay hindi ka sinusuportahan.
Huwag kang sumuko! Gumising ka! Ipakita mo sa kanila ang kakayahan mo! Patunayan mo na isa kang magaling na manunulat kaya kailangan ka nilang suportahan! Think positive! Kaya mo iyan!
Walang WINNER ang hindi nakaranas na maging BEGINNER. Tandaan mo iyan. Maaaring nagsisimula ka pa lang ngayon, pero darating ang araw na mananalo ka na laban na ito. Mananalo ka na laban sa mga Insecurities mo. Huwag ka lang sumuko! Maniwala ka lang at magtiwala!
7) Distracted
Maaaring tinatamad ka dahil maraming distractions ang nasa paligid mo. Maaaring distracted ka dahil sa mga emosyon na nararamdaman mo. Don't let these distractions win!
Ano man ang nararamdaman mo, isulat mo. Maging ang mga sarili mong karanasan ay maaari mong isulat. Writing is a way of escaping the world. It will help you win against any distractions! Go girl/boy! I know you can do it!
©zephaniahhhh
BINABASA MO ANG
Un-satisfactions of a Writer (Writing Tips and Experiences)
Non-FictionThese are my own Writing Tips and Experiences that I think, can help you. ©zephaniahhhh