Ang writing tip/s na mababasa n'yo rito ay mula kay kuya KIB Ipinaliwanag ko lang para magkaroon kayo ng ideya kung paano mo sisimulan ang step para makapagsulat ka ng isang kuwentong papatok sa panlasa ng madla.
"Once you enter, there's no turning back! Keep writing, Darling!"
-KnightInBlack
Paano ko ba ito sisimulan? LOL! So katulad nga ng nababasa n'yo, once you enter there's no turning back. Huwag kang magsisimula kung hindi mo kayang magpatuloy. Kung hindi ka sigurado sa isang bagay kailangan mo munang mag-isip bago mo ito simulan. You need assurance. Sigurado ka na bang gusto mong magsulat at kaya mong magpatuloy hanggang matapos mo ng kuwento? You need a solid plot and encouragements. Marami kasing writers sa panahon ngayon na kapag walang nagbabasa ng gawa nila ayaw na nilang magpatuloy. Isang malaking pagkakasala iyon sa batas ng mga manunulat. Huwag kang magpahatak sa reads!
Ang pagpopost ng kuwento sa wattpad ay isang malaking pagsasakripisyo. Maraming Plagiarist ang pagala-gala sa wattpad ngayon. If you think that wattpad is safe at hindi nakakapagcopy paste well you're wrong. Maraming paraan para makuha ang gusto mo. Kung gusto mo may paraan at kung ayaw mo ay may dahilan. Nakakatakot at masakit manakawan ng isang obra maestra na pinaghirapan mo. Paano mo ito maiiwasan? You need plans! Kailangan mo ng back up files para mapatunayan na pagmamay-ari mo ang kuwentong isinusulat o naisulat mo.
Kapag nagsimula ka nang magsulat, hindi ka maaaring basta-basta tumigil. Maraming what ifs. What if biglaan kang magkaroon ng readers/supporters? What if ma-plagiarize ang gawa mo? How will you prove na ikaw ang nagsulat kung tatalikod ka at hindi na magpapatuloy? What if marami na ang nag-aabang sa susunod na update mo kaso tumalikod ka na? Paano ka pagkakatiwalaan kung may bad image ka na?
Once you enter, there's no turning back! Absolutely! That's why you have to keep writing, darling! Bawal sumuko! Kailangan mong patunayan na ikaw ang sumulat ng gawa mo. Kailangan mong patunayan na magaling kang writer. Sulat lang nang sulat! Simula noong pinasok mo ang larangan ng pagsulat ay nagkaroon ka na ng bahagi rito kaya hindi mo kami basta-basta pwedeng iwanan. Kung may mga problema ka, feel free to let it out. You can talk to me. Kahit anong oras mo gusto, i-pm mo lang ako. I'll do my best to help you. Marami na akong experiences sa buhay kahit na bata pa ako. Oo, bata pa ako! Malay mo matulungan kita *smiles*
Mabibigyan kayo ng writing tips ng ibang author kaya magandang makipag-usap kayo sa kanila at sabihin mo mga problema mo sa pagsusulat. Tulad ko, ginagawa ko 'yon. Dati nga gusto ko na sumuko pero tumatak sa akin 'yong sinabi ng isang author. Simula noong sinabi niya 'yon nagpatuloy ako. It worked. Imagine? Noong mga panahong 'yon Chapter 5 pa lang ako, ngayon Chapter 19 na! Malaki ang naitulong niya sa akin.
Here's a tip, listen to every opinion of each people around you. Minsan, maging ang mga hindi manunulat nakakatulong para ma-encourage ang isang writer na magpatuloy kahit na maraming nambabash. Second tip, huwag kang magpapaapekto sa mga bashers. Wala lang silang magawa sa buhay. Kapag nagpapaapekto ka, hinahayaan mo na masira nila ang lahat ng pangarap at goals mo. Don't let that happen! Cheer up! Head up! Continue to live while chasing your dreams! Decide whether you enter or not. Because, if you enter, there's no turning back! Keep writing, Darling!
©zephaniahhhh
BINABASA MO ANG
Un-satisfactions of a Writer (Writing Tips and Experiences)
Non-FictionThese are my own Writing Tips and Experiences that I think, can help you. ©zephaniahhhh