Grade 6 palang ako noong nagsimula akong nagsulat ng stories. Paano ako nagsimula at anong nakaimpluwensiya sa akin?
May kabarkada ako noon, nagwawattpad na siya noong mga panahong 'yon. Naalala ko pa kung ano 'yong binabasa niya noon. Mr Popular meets Ms Nobody 'yong story na 'yon.
One time, kinuwento niya sa amin ng mga kabarkada namin 'yong story. Tapos natripan naming gumawa ng mga kuwento. Journalist na ako noon. Sports writer ako sa School Paper namin kaya medyo may experience na rin ako sa pagsusulat noon. Marami akong naisip na plots and titles pero hindi ko natapos ang lahat ng 'yon.
When I was in grade 7, nakatapos ako ng story entitled "She's crying under the rain". But I did not post it on wattpad. Sa ngayon, nawawala na ang rough draft ko sa story na 'yon. Then, maraming naitambak na stories sa akin na goal kong tatapusin ko. Pero 'di ko natapos.
Grade 7 din ako no'ng sinimulan ko 'yong "Choosing Between The Prince of My Mind and The Prince of My Heart". 'Yon ang very first story na pinost ko sa wattpad. Hindi ko natapos ang story na 'yon pero nasa kalahati na 'yon. Balak kong tapusin ang story na 'yon. Noong unang inupload ko 'yon, ibang account pa ang gamit ko. Nagkaroon ng changes sa story na 'yon. "Chosen" na ang title niya ngayon at some scenes are revised and edited.
I was in grade 8 noong maaddict ako sa anime kaya hindi ako nakapagfocus sa wattpad. Grade 9 na ako no'ng nagsulat ulit ako.
I've tried fantasy because I'm inspired with ate @april_avery dahila ang galing niya magsulat ng fantasy. Dahil sa TAOSA at CASOM ay nasimulan ko ang RaeLeigh at sunod-sunod na rin ang mga anime at wattpad stories na nagbigay ng ideas sa akin.
My Sci-fi story, Time Limit, accidentally lang no'ng isulat ko 'yan. Nasa Computer Laboratory ako noon at nagwawattpad no'ng nakita ko 'yong contest about Alternate Ending. Tapos may nakita akong story na may word na 'Limit' sa title. Doon na nagsimula ang magulo kong karanasan.
Naging very slow update ang mga updates ko dahil wala kaming wifi at nasira pa ang cellphone ko noon. Inun-publish ko rin ang RaeLeigh noon dahil nahirapan akong dugtungan 'yon at mas okay ako sa pagsusulat ng Sci-fi.
Believe me or not pero maswerte talaga ako sa mga Accidental Genre. Noong elementary ako, hindi talaga sa Sports writing. News writing dapat ako noon, pero ang sabi ng teacher sa Sports Writing daw ako. Then a Press conference came. Nanalo ako noon. Pang-third ako out of twelve schools.
Pagdating nang high school, nakapasok ako sa School Publication. Feature Writing dapat ang Category ko, but our school paper adviser said na sa Science Writing daw ako. Then a Press conference came, out of 70 participants I got the 10th place. Not bad for a first timer huh?
Every writer has a downfall. Even the famous authors has a downfall. Unti-unti ko nang hinaharap ang downfall na 'yon. Reading "Something Spectacular" written by april_avery made me brave.
The words of Henosis Authors made me realize something I need to know about writing. Henosis Squad, my inspirations, take a huge part in my heart.
BINABASA MO ANG
Un-satisfactions of a Writer (Writing Tips and Experiences)
Não FicçãoThese are my own Writing Tips and Experiences that I think, can help you. ©zephaniahhhh