Henosis Author #4: AyamiLu [08/07-08/17]

28 8 0
                                    

Ang writing tip/s na mababasa n'yo rito ay mula kay ate AyamiLu Ipinaliwanag ko lang para magkaroon kayo ng ideya kung paano mo sisimulan ang step para makapagsulat ka ng isang kuwentong papatok sa panlasa ng madla.

"Hindi rin supportive ang parents ko sa pagsusulat ko. But hell, I wrote anyway. And I still write, because I want to write. That's one of the many reasons why I kept my identity anonymous. So if writing is your passion, just write it. At huwag mawalan ng pag-asa at huwag papatalo sa self-doubt."

-AyamiLu

Aaminin ko, maging ang parents ko hindi supportive sa pagsusulat ko pero wala akong pakialam. Kahit na napapagalitan na ako at napagsasalitaan ng masama ay nagsusulat pa rin ako. Bakit ako nagpapatuloy? Kasi masaya ako. Masaya ako sa tuwing nagsusulat ako. Nagiging masaya ako kasi pakiramdam ko malaya ako sa tuwing nagsusulat ako. Lahat ng mga emosyon at ideya ko ay naibubuhos ko sa pagsusulat.

Minsan na rin akong sumuko at nangamba sa sarili kong kakayahan. 'Yong tipong naiinsecure ako sa gawa ng iba at pakiramdam ko napakawalang kuwenta ng gawa ko. Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin ako nga pala si TheFrustratedQueen na sumulat ng "Choosing Between the Prince of my Mind and the Prince of my Heart" (Chosen ngayon). Nagkaroon ng 80% changes sa story. Back to the topic, so yeah tumigil ako sa pagsusulat pero nagpatuloy rin ako after how many months.

Noong bakasyon, nagsusulat ako at parati akong napapagalitan ng parents ko. WALA RAW KUWENTA ang ginagawa ko. But then, hindi ako sumuko. Nagpatuloy ako sa pagsusulat dahil doon ako masaya.

Here's a tip, kung ayaw mo na malaman ng iba ang pagsusulat mo you can hide your identity. Kaya nga nagkakaroon ng mga pen name eg! Ang main purpose noon ay maitago ang identity ng isang writer. And if you really can't hide it, just prove to them na may talento ka at magtatagumpay ka. Lahat ng writer ay magaling in their very own unique way. Let it out! Ilabas mo ang unique way na 'yon at gamitin mo to be successful!

Hindi naman masamang magsulat. Hindi naman masamang maging masaya. Ang masama lang ay kung against 'yon kay God at sa batas ng bansa. If writing is your passion, continue writing. Another tip, lagyan mo ng puso ang isinusulat mo. Lagyan mo ng mga eksena kung saan madadala ang mga mambabasa at mararamdaman nila ang nararamdaman ng mga characters sa story mo.

Keep chasing your dreams! Don't give up! Don't let your self doubt win! Kung gusto mo maging isang writer magpatuloy ka. Don't mind the negative criticisms! I-transform mo ang negative in to positive. Kung may gusto ka, gagawa ka ng paraan para makuha mo 'yon. I believe you'll make a way to achieve your dreams and goals. Good luck!

©zephaniahhhh

Un-satisfactions of a Writer (Writing Tips and Experiences)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon