Ang writing tip/s na mababasa n'yo rito ay mula kay ate ad_sesa. Ipinaliwanag ko lang para magkaroon kayo ng ideya kung paano mo sisimulan ang step para makapagsulat ka ng isang kuwentong papatok sa panlasa ng madla.
"Ang pagsusulat ay hindi pinapangalandakan o pinagkakalat. Huwag kang umasa ng suporta mula sa mga kakilala mo dahil sa larangan na ito, hindi kakilala mo ang magmamahal sa 'yo. Don't mind the reads. Basta masaya ka sa ginagawa mo at ginagalingan mo! Kung talagang nakatadhana kang maging ganap na author, mangyayarip iyan na 'di mo namamalayan."
-ad_sesa
Hindi mo naman kailangan na ipagkalat ang pagsusulat mo. Bakit mo nga naman ipagkakalat hindi ba? Para mag-pasikat? Para may maiinggit sa 'yo? Huwag gano'n. Magkakaroon ka ng haters kapag ginawa mo 'yon. Ayaw mo naman siguro no'n hindi ba? Huwag kang gumawa ng mga bagay na magbibigay sa 'yo ng kasiraan. Basta masaya ka sa ginagawa mo at ginagalingan mo, ipagpatuloy mo lang! Sulat lang nang sulat!
Sa larangan ng pagsusulat, huwag kang umasa na susuportahan ka ng mga kakilala mo. Napakaliit nang posibilidad na susuportahan ka nila sa ginagawa mo. May mga tao pa nga na itinuring mong kaibigan ang manghuhusga sa 'yo dahil sa ginagawa mo. Marami akong kilalang sikat na author na nakaranas na ng mga ito. 'Yong tipong maging ang mga magulang niya ay hindi siya sinusuportahan sa pagsusulat niya.
Hindi madaling maging manunulat, but you have to be strong. It'll be alright. Hindi ka naman nila suportahan ay marami namang magmamahal sa 'yo. Be strong. Hindi ko naman sinasabi na hayaan mo na lang ang mga nanghuhusga sa 'yo, ang dapat mong gawin ay patunayan na kaya mong maging matagumpay sa larangang ito. Hindi man ngayon, siguradong sa hinaharap ay magtatagumpay ka. Huwag kang sumuko dahil kung itinadhana kang maging author, mangyayari 'yon sa oras na hindi mo inaasahan.
Criticisms will always come but don't give up on your dream! Ulit-ulit ko na lang sinasabi noh? Gusto ko kasing tumatak sa isip at puso mo na hindi ka pwedeng sumuko! Magsulat ka lang nang magsulat! Huwag mong isipin ang ibang tao! Basta mahal mo ang ginagawa mo at ibinibigay mo lahat. Give your readers the feeling that you are feeling when you are writing the story. Write in your own unique way. I know you can do it!
Marami tayong mararanasan sa larangan na ito. Mga karanasan na magbibigay sa 'yo ng kasiyahan at kalungkutan, kasiyahan dahil sa mga at kalungkutan dahil sa mga negatibong bagay na matatanggap mo. But I know! I believe every writer can transform a negative thought in to a positive thought. Just keep dreaming ang writing! More over, you should continue believing in your oen talents! Let it grow! Try and try until you succeed. God has a plan for you and for your life.
©zephaniahhhh
BINABASA MO ANG
Un-satisfactions of a Writer (Writing Tips and Experiences)
Non-FictionThese are my own Writing Tips and Experiences that I think, can help you. ©zephaniahhhh